TGF 13

530 11 1
                                    


MEDYO napatalon pa siya nang makarinig ng putukan. Hindi naman sa sobrang takot s'ya pero kinakabahan talaga s'ya.

Fuck... I need to live...

Hinding-hindi pa s'ya pwedeng mawala sa mundo hangga't hindi inaamin kay Andriana ang tunay n'yang nararamdaman. He needs to live. He needs to confess his feelings for the the girl who taught him so much about life... and love...

Kaso, paano? Ni hindi s'ya marunong gumamit ng baril dahil hindi naman s'ya bayolenteng tao. Mahilig lang s'yang mambabae at uminom sa mga bar. Pero kung ang baril na hawak n'ya ang makakapagligtas sa buhay n'ya, gagawin n'ya ang lahat para magamit iyon ng maayos.

Hindi na tumigil ang putukan at malalakas na pagsabog. Chineck n'ya kung nakakasa na ang baril. Hindi s'ya marunong gumamit no'n pero may ideya s'ya kung paano iyon gagamitin.

Nang medyo tumigil na ang putukan ay napaigtad naman s'ya sa paglagabag ng pinto mula sa labas.

Malakas na s'yang nagmumura sa utak nya pero hindi nya 'yon masabi dahil pakiramdam nya ay umatras ang boses nya.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto matapos ang isang click. Dahan-dahang nabuksan iyon at makakahinga na Sana s'ya nang maluwag nang makita kung sino iyon pero nawala ang balak niyang pagngiti nang itutok nito ang hawak na baril sakan'ya!

Gusto n'yang umatras pero nasa sulok na siya.

Bakit...

Kahit yata wala s'yang sakit sa puso ay atakihin s'ya nang wala sa oras dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Naglakad ito papalapit. Nanlambot ang buto n'ya, dahilan para nabitawan ang hawak na baril. Nanginig pati mga labi niyang nakaawang sa gulat.

"N-No... " bulong nya. Nginisian s'ya nito saka napatingin sa nakalaglag na baril.

"Hello my dearest Third... So, paano mo na ako lalabanan ngayon? Come on, pulutin mo ang baril na yan." may halong Pang-aasar ang boses nito pero hindi nya gaanong pinansin.

"Andriana..."

Bakit...?

Ilang beses nya na bang tinanong sa utak nya ang dahilan kung bakit nakatutok ngayon ang baril nito sakanya? Pero hindi pa rin nya alam ang sagot.

"Yeah?"

Nanlilisik ang mga mata nito at para bang hindi s'ya kilala... Para bang galit na galit ito sakanya. Bakit naman ito magagalit? Mali ba siya? Mali ba s'ya ng pagtitiwala dito?

Bigla siyang may naalala.

"Sa susunod na itututok ko sa'yo ang baril na 'to, hindi ako mangingiming kalabitin ang gatilyo."

Yon ang sabi sakan'ya ni Andriana nang nakaraan.

Napahiyaw s'ya at kaagad bumagsak. Naramdaman n'ya ang hapdi sa hita bago iyon namanhid.

"Shit!" hinawakan n'ya iyon at dumaloy ang masaganang dugo. "Aw, shit! Hell, Shit!" napayuko pa s'ya.

"Come on, Third. Fight. Nasa tabi mo na." baril ang tinutukoy nito pero kahit kanina ay hindi n'ya naisip na gamitin iyon kay Andriana.

"I-I'll choose t-to die... Than to h-hurt you..." nahihirapan n'yang sabi habang nakangiwing nakatitig dito. Nabahiran ng gulat ang maganda nitong mukha. "B-Bakit mo ba g-gina---ginagawa s-sakin to?"

"Isn't it obvious? I want to kill you."

Napatanga talaga s'ya. Hindi n'ya naisip minsan man na gugustuhin nitong patayin s'ya. She's savage sometimes, yeah. Nasasaktan nito minsan---o madalas ang feelings niya sinasadya man nito o hindi. Minsan masakit itong magsalita. Pero... hindi naman s'ya nito papatayin. Siguro.

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now