TGF 12

513 9 1
                                    


MAAGANG-MAAGANG nagising si Third kinabukasan, malapit pa lang mag five am pero bumangon na s'ya. Matapos tingnan ng ilang sandali si Andriana na tulog pa rin sa mga oras na iyon ay hinalikan niya ito sa noo.

"Yeah, talo ako," bulong pa niya matapos ang ilang sandali. Alam niya sa sariling talo na siya. Nilabag na nga niya ang dalawang huling patakaran niya sa sarili. Fourth rule: 'I don't care and I don't know you after the sex,' at ang pinaka-last and the most important rule: 'Don't love any girl.' That's his "Being a fuckboy's rule and a Great Fucker's rule."

Kaagad s'yang pumunta sa sariling kwarto at kinuha ang susi ng hammer saka na lumabas ng bahay. Dumiretso s'ya sa Strive Bar.

Sarado 'yon dahil umaga pero pinapasok s'ya ng tagapagbantay dahil kilala s'ya nito.

"Nasan sila Gerame, Mang Ronald?" tanong niya at sinabi naman nitong nasa VVIP room daw ang dalawa at hindi pa rin lumalabas. Tulog pa yata.

Naabutan n'ya nga ang magkapatid na tulog na tulog nga sa dalawang magkatabing kama.

"Germs! Huy!" niyugyog nya ito pero hindi nagigising. "Come on! Gising na!" umungol lang ang lalaki kaya mas nilakasan n'ya ang pagyugyog dito.

"Natutulog ang tao eh! Hmm..." nauubusan na s'ya ng pasensya kaya si Heider na lang ang pinilit n'yang gisingin.

"'Der! Gising!"

"Ang aga pa!" nameywang siya sa harap ng dalawa.

"Bahala nga kayo. Basta, eto na ang susi ng Hammer ko, sainyo na." Nagulat nalang s'ya nang biglang bumangon ang dalawa at deretso nang tumayo. "Shit!" napamura s'ya at kulang nalang ay mapahawak sa dibdib.

"Hell yeah!" Sabay na sigaw pa ng dalawa saka hinablot ang hawak n'yang susi. "Shit! I can't believe this! A Hummer! Shit!" nagtatalon pa sila.

"So... Inaamin mo na ngayon na---"

"Aalis na ako." binigay na nga, magtatanong pa. Tawa lang ng dalawa ang narinig niya.

Naiiling siyang lumabas. So ngayon ay mukhang kailangan niyang magtaxi. Nice.

Pero bago pa makapara ng sasakyan ay mayroon nang pulang kotse ang tumigil sa kanyang harapan. Bumaba ang bintana noon at sumilip si Shiela.

"Sakay, kung gusto mong matulungan ang dad mo." kaagad s'yang sumakay dahil sa sinabi nito nang hindi gaanong nagpatumpik-tumpik pa.

Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at nagtipa ron para lang makasigurado saka ito nilingon. "Saan tayo pupunta." ngumiti lang ang babae.

Dahil sa antok at pagod ay nakaramdam siya nang antok at kaagad nakatulog. Nagising lang siya nang huminto ang sasakyan. Sumilip s'ya sa labas at nagulat nang makitang tirik na ang araw at nasa harap sila ng isang malaking gusali sa gitna ng... gubat?

"Baba." utos nito na sinunod niya.

Lumingkis sa mga braso n'ya ang babae at iginaya siya papasok sa loob. Maayos sa loob at malawak, walang mga gamit liban sa ilang lamesa at upuan. May mga nakasulat din sa pader. Parang mga simbolo?

Pumasok sila sa isang kwarto kung saan nakaupo si Hoagie sa harap ng isang mesa.

"Sit down." anito na hindi man lang sila pinagkaabalahang lingunin.

Itinuro ng babae ang upuan sa harap at magkatabi silang umupo. Tumikhim si Shiela at doon palang sila tiningnan ng lalaki.

"Mukhang hindi mo napatay si Andriana." tumawa si Hoagie kapagkuwan. "Wrong. Hindi mo pala talaga pinatay. Hindi mo kaya."

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now