TGF 2

777 12 0
                                    

Third's point of view

"GAGO! Bakit ba ayaw mo akong papasukin?" Natatawa na nagtatakang tanong ng pinsan kong si Blaze. Hinaharangan ko s'ya sa pintuan pero pinipilit n'ya paring pumasok. "Seriously, Third. Ang dami kong dala, oh! Tang'naka, ikaw na nga dinadalhan ng pasalubong eh!"

Nakita ko nga ang dalawang malalaking plastic bag na nakalapag sa tabi nya pero hindi ako nagpatinag. Sinasarado ko talaga ang pintuan. "Go away!" Taboy ko na tinawanan n'ya lang. Siraulo rin amp.

"Makapagpalayas naman 'to. Bakit, may maganda bang chick d'yan na gusto mong itago saakin dahil baka sulutin ko?"

"Ulul. Kung saatin lang din namang dalawa mamimili, mas gugustuhin n'ya ako."

"So, meron nga." Shucks! Nahuhuli talaga ang isda sa sariling bibig.

Ginamit n'ya ang pagkakataon na natigilan ako para itulak ng sobrang lakas ang pinto. Medyo tumalsik tuloy ako at napaupo sa sahig. Hindi maipinta ang mukha ko katapos halos malamog ng pang-upo at hita ko sa tiles.

"Fvck! Ouch, my butt!" tiningnan ko s'ya ng masama. Ang kaso, hindi s'ya ang tipo ng tao na madadaan sa mga pamatay na tinginan. Palibhasa s'ya ang madalas kong kasama kaya kilalang-kilala n'ya na talaga ako. Alam n'ya kung kailan ako sa seryosong galit at kung kailan hindi.

"Nasa'n na yung chick, insan?" luminga-linga s'ya sa paligid at kinindatan ako. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan n'ya. And there, I saw Andriana walking from the kitchen. Mukhang paakyat na s'ya sa itaas para matulog.

Pasado alas-syete na ng gabi. Kakarating lang nila ni dad galing sa opisina at nagdinner na rin daw sila. Mukhang natutuwa si dad sakan'ya at anak ang turing nito sa bago n'yang sekretarya. Magkasundong-magkasundo sila talaga at never ko pang nakitang ganoon katiwala si dad sa mga naging secretary n'ya.

Kagabi, hindi ako nakatulog nang dahil sa nangyari saamin. Este, sa pag-papaasa n'ya sa 'alaga' ko.

Muntik na 'yon eh...

Tumingin saamin si Andriana pero agad nag-iwas ng tingin matapos tanguan si Blaze na nakangiti sakan'ya. Itinuloy n'ya na rin ang pag-akyat.

"Wow, she's hot, huh?" sumipol pa ang walangyang si Blaze pagkaalis nito. "Aba, ang sama mo naman yata masyado maningin?" Ngumisi pa ito saakin.

"Sino ba nagbigay sa'yo ng karapatang ngitian s'ya?"

Naiinis ako kay Andriana dahil pinansin n'ya pa si Blaze pero mas nababadtrip ako sa pinsan ko na 'to dahil sa ngiti n'ya.

Umismid lang ito. "'Yun pala ang itinatago mo saakin?"

"Hindi ko s'ya itinatago sa'yo. Ayoko lang ipakita dahil akin na 'yan."

"Talaga? Sa'yo na? Sa nakita ko parang balewala ka lang ah?" Tumawa pa s'ya kaya napipikon na talaga ako.

"Ha ha ha!" Sarkastiko akong tumawa at pabiro s'yang sinuntok sa braso.

"Tsk! Ano p're, seseryosohin mo na ba?"

I showed him my middle finger. "Tsk! That's not even on my vocabulary."

"Third, my man, gusto ko lang ipaalala sa'yo ang kasabihan: Magsabi ka man ng hindi totoo, ang lolokohin mo pa rin ay ang mismong sarili mo!"

"Kasabihan? Ngayon ko lang narinig 'yan ah?" Nawi-weird-uhang tanong ko. Hindi talaga pamilyar e.

"Kaka-imbento lang ngayon ng kasabihan na 'yan at sinasabi ko sa'yo, totoo 'yan!"

"Ewan ko sa'yo. Lumalayo na ang pinag-uusapan natin. "Totoo nga sina Strive, hindi ka dapat nag-business man. Alam mo ba kung anong bagay na trabaho para sa'yo?"

The Great Fucker 1 (Third) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon