TGF 6

678 10 0
                                    

"MA'AM, DELIVERY HO." Napakunot siya ng noo. "Para po kay Ms. Andriana Renna, nandito po ba s'ya?"

"A-Ako, ano yan?" napipilitan s'yang inabot ang bulaklak at malaking plastic bag mula dito.

"May nagpapabigay lang po, pakipirmahan nalang, ma'am." sinunod nya ito kahit naguguluhan pa rin.

Binabantayan ni Andriana si Mr. Alfagar dahil nagpilit itong pumunta sa opisina dahil may mahalagang meetings daw ito kasama ang mga board members ng kumpanya nito. Naiitindihan naman nya ito na ayaw nitong magtago nalang dahil lang may nagtatangka dito.

May kumpanya din itong pinapatakbo kaya anumang gawin nya ay hindi ito pwedeng basta nalang ikulong sa isang lugar.

Nananantili s'ya sa labas ng opisina nito at ang kasama nito sa loob ay isa sa mga investors nito. Chineck nya na ang lalaking pumasok at wala namang kahina-hinala dito kaya pumayag s'yang hindi na sumama sa loob.

Nagtataka pa rin siya sa mga hawak nang nakaupo na sa sofa na inuupuan niya bago pa dumating ang delivery boy.

Bulaklak. Sino namang magpapadala sakanya ng bulaklak? Kaagad n'yang tinawagan si Spark.

"Hindi ka naman siguro nagpadala saakin ng bulaklak, ano?" bungad nya kaagad.

"Hindi. Hindi ko na gagawin. Dahil nung huling beses na binigyan kita ng bulaklak, binugbog mo ako sabay sabing hindi mo ako type." tila walang gana nitong sagot. "Oh, wait... So, May nagkamaling magbigay sa'yo ng---" pinatay nya ang tawag. Chismoso talaga.

Kung hindi si Spark, sino namang nagbigay no'n? Bakit ba kasi nakalimutan nya iyong itanong kanina sa nagdeliver?

Tumingin ulit s'ya doon. One bouquet of white roses. Hinanap nya kung may card at mabuti naman dahil meron. Malalaman nya na kung sinong bubugbugin.

'Hi baby, hindi pa rin kayo umuuwi ni dad kaya hindi ko maibigay sa'yo to ng personal. Huwag mong itatapon ang flowers, okay? Eat lunch:)'

Walang pangalan pero obvious na si Third ang nagpadala. Ang linsyak, maypabula-bulaklak pa.

Sinilip nya rin ang plastic at inilabas ang laman. May dalawa pang plastic sa loob. Ang isa ay naglalaman ng polbo at towel at may nakadikit na sticky note.

'Kapag pinagpawisan ka, punasan mo Gamit ang towel saka ka maglagay ng pulbos.'

Yung isang plastic ay may tatlong mga lunchbox at may nakadikit ding notes.

'Lunch na kaya kumain kana. Ako nagluto ng mga 'to. Nag-effort na ako, wag kang magpapalipas ng gutom, okay?'

Naguluhan s'ya. Hindi alam kung mata-touch, by, malilito o maiinis.

Ano bang trip ng lalaking yon? He has A for effort, pero bakit n'ya ito ginagawa? At totoo bang Si Third ang nagluto ng Adobo, Caldereta at Pakbet na nasa harapan niya?

Si Third, nagluluto? Mukhang bago yon sa kanyang kaalaman pero hindi sigurado.

Dahil gutom na rin, matapos ang ilang minutong pag-iisip ay kinain nya rin 'yon.

Gutom lang ako kaya masarap sa panlasa ko.

Siguro nga ay ganoon. Nagugutom lang talaga s'ya kaya sobrang gana ng kanyang pagkain tsaka aaminin na rin niyang med'yo masarap. Alangan namang isipin n'yang ang luto nito ang isa sa mga pinakamasarap na lutong bahay na natikman niya?

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now