TGF 14

502 12 1
                                    


KINUSOT ni Third ang mga mata.

"M-mom?" Hindi sya pwedeng magkamali! Ang mommy nya nga ang kaharap nya ngayon habang nakatayo sila sa loob ng isang kwarto.

Ngumiti ito sakanya at tila pinag-aaralan ang kabuuan niya. "Masaya ako para sayo, anak. Lumaki kang mabuti," napakamot sya ng ulo.

Mabuti nga ba sya?

"Hindi porket may mga nagawa kang mali o masama ay masama ka na rin," tila nabasa pa nito ang iniisip nya. Nangilid ang luha niya at kaagad itong niyakap.

He missed her so much!

"P-paano po---"

Umalis ito sa pagkakayakap niya at hinaplos ang ulo niya at mukha. "Kahit na marami kang nagawang hindi maganda, mahal na mahal kita, anak. Kayo ng dad mo. Natutuwa ako na makita ka pero mas matutuwa ako kung susundin mo ang tibok ng puso mo.

Hindi nya gaanong naintindihan kung anong gusto nitong sabihin pero naalala nya bigla si Andriana.

Humakbang ito ng kaunti paatras saka siya kinain ng liwanag.

"D-DAD si... Andriana po?" kakagising palang ni Third ay ang dalaga agad ang hanap niya. Ramdam nya pa ang kirot ng mga bahagi ng katawan nya, tipikal na doon sa mga tinamaan ng bala ng kamukha ni Andriana.

"Umalis na kani-kanina lang."

"H-Hindi nya ba ako babalikan? Hindi na sya pupunta?" Napa-aray pa s'ya nang magtangkang bumangon at parang hiniwa ang hita nya sa sakit. "Sht."

"Wag ka munang makulit, Third."

"Pero dad, bakit wala si Andriana?"

"Bakit ba hinahanap mo? Tapos na ang trabaho n'ya sa akin, nahuli na ang may gustong pumatay saakin---"

"Gano'n nalang ba yon!? Hah! E, paano nalang yung samin?" nag-iinit talaga ang ulo nya.

"Ano bang meron sainyo?" natahimik s'ya sa tanong na iyon. "Wala ka namang gusto sakanya, diba? Ano pang silbi ng pagpunta nya dito? Masasayang lang ang effort nya ng pagdalaw sa'yo. Busy s'yang tao at hindi ka worth it ng oras at panahon nya. Pinaglalaruan mo lang naman s'ya, diba?"

Ang sakit naman no'n. Napakabrutal ng mga sinabi ng kanyang ama.

Dad, kung alam mo lang... Hindi ko s'ya pinaglalaruan... Gusto n'yang isagot dito pero mas natuon ang atensyon nya sa ibang sinabi nito.

Ano nga bang meron sa kanila? Wala. Ni wala syang alam na itawag sa anumang namamagitan sa kanila. Hindi n'ya ito girlfriend, hindi s'ya nito boyfriend. Walang sila. Pero ang alam nya ay ito ang tanging babaeng kailangan nya. Ang babaeng makapagpapasaya sakanya. Ang babaeng tinitibok ng puso nya. Ang babaeng minamahal nya.

The Great Fucker 1 (Third) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon