TGF 1

893 18 0
                                    

^
^
Imagine si Third yan.

WARNING: Contains matured scenes.


IT'S BEEN THREE days mula nang makilala ni Third ang sexy at magandang secretary na nagngangalan ngang Andriana. Alas tres pa siya noon ng hapon nagising at wala na s'yang nadatnan pang tao maliban sa mga katulong. May out of the country daw na business na aasikasuhin ang ama at syempre, kasama si Andriana roon.

Iyon siguro ang pinag-uusapan ng mga ito noon na meeting. Hindi tuloy kaagad natuloy ang plano niya sa babae.

Pero ngayon, habang tinititigan niya ito papalabas sa pintuan ng kotse ay lalong tumataas ang gusto n'yang gapangin si Ms. Sexytary na sigurado namang magugustuhan rin nito nang sobra.

Naka-business attire si Andriana at kan'yang ama pero sa babae talaga niya mas itinutok ang paningin. Naramdaman nito yatang may nakatitig dito kaya agad itong tumingala at nang magtama ang kanilang paningin ay inosente niya itong nginitian. Yung tipong ngiti na parang hindi nang-aasar, yung mukhang seryoso. Pero syempre, siya lang ang nakakaalam na hindi naman totoo. S'ya lang ang may alam na ang tingin na iyon ay puno ng pagnanasa.

Bahagya namang tumango si Andriana at ngumiti rin ng kaunti saka na ipinagpatuloy ang paglalakad papasok ng pintuan. Marami nang nakitang iba't-ibang ngiti ng iba't-iba ring mga babae si Third mula pa noon. Hindi lang talaga niya maintindihan kung anong meron sa simple nitong ngiti at halos mapalundag siya sa tuwa. Siguro ay hindi ko rin inaasahan.

Tiningnan niya ang sarili mula sa salamin at binuksan nang kaunti ang pinto ng kan'yang kwarto. Nakarinig s'ya ng papalapit na mga mahihinang yabag. Sinilip niya kung saan ang kwarto ng sekretarya ng ama at nang makitang sa tabi ng katapat niyang kwarto ay mala-demonyong ngisi ang lumabas sa kan'yang labi.

"HIMALA AH? sabi ni Manang Jinky ay tatlong araw ka daw hindi lumabas ng bahay." Sumubo nalang si Third ng pagkain habang pinapakiramdaman niya ang katabi. "Ni hindi ka daw uminom. What happened?" Dagdag pa nito na parang mas normal dito kapag lagi siyang lasing o kaya naman ay ilang araw o linggong hindi umuuwi sa mansion na ito.

"May hinihintay kasi ako." Hinihintay ko tong sekretarya mo. "Tsaka, may pinaplano na rin."

"And what's that?"

Paggapang...

"Hinihintay ko si Blaze." Tukoy pa niya sa pinsan na ngayon ay may inasikasong business sa Palawan. "Pinaplano namin yung pagpapatayo ng publishing company."

"Hmm... that's good. Three years ka nang graduate sa kursong Business Ad. pero ngayon lang kita narinig na nagsalita tungkol sa business." Pinagkibitan lang niya ito ng balikat.

Sinadya naman niyang ilaglag ang kutsara na gamit at sinilip iyon sa ilalim. Naka-shorts lang na hanggang tuhod si Andriana at nakasuot ng blouse. Sinagi niya ng kamay ang hita nito nang makuha ang kutsara. "Sorry" kunwaring sabi niya pero mukhang hindi naman ito naniniwala na aksidente lang iyon.

Kumuha siya ng panibagong kutsara at kumain nalang ulit. Masama ito. Parang wala man lang siyang dating sa babae.

Takte. Kelan pa ba siya naging hokage? Mga babae gumagawa noon sakan'ya.

That's my rule number 2! : No corny moves just to get my desired woman. Ang mga babae ang nagkakandarapang mapansin niya at sanay si Third na kaunting salita pa lang, handa nang maghubad ang mga ito sa kan'yang harapan.

At ang intentional na paglaglag ng kutsara para lamang ma-tsansingan ang babaeng natitipuhan ang pinaka-corny at lame na yatang hokage moves na nagawa niya buong buhay niya.

The Great Fucker 1 (Third) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon