TGF 4

716 15 0
                                    

           
                     
                   
                                        
A/N: Si Spark ang nasa multimedia.




NAPANGIWI si Andriana nang bahagya s'yang naglakad. Masama ang pakiramdam niya at pakiramdam niya ay para na s'yang penguin dahil nga sa sakit na nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita.

Shit, ang laki naman kasi talaga eh!

Pero wala na s'yang oras para sisihin pa ang sarili. Nadala siya, humarot Kay Third na isa rin namang maharot. Landi ko kasi e, letse!

Muli na lamang niyang itinutok ang buong atensyon sa telescope na hawak. Nandito siya ngayon mula sa rooftop ng katapat na building ni Mr. Alfagar.

Sa ngayon ay wala pa namang Kahina-hinala sa mga pumapasok doon.

Maa okay na siguro 'to, sya ang mag-mo-monitor sa binabantayan mula sa malayo kaysa naman magpanggap na secretary nito, tumira sa mansyon at magpakarupok sa anak nito.

Gusto niyang magsisi dahil sa nangyari. Ibinigay n'ya lang naman ang sarili n'ya sa isang lalaki na alam n'ya namang walang pakelam. Wala lang dito kung ito ang naka-una sakanya. Pero paano nga ba siya magsisisi kung nag-enjoy din naman siya?

Katangahan. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung magsisisi ako samantalang ang lakas pa ng hiyaw ko. Meron pa kong 'Harder'at 'faster' na nalalaman.

Namula na naman siya. Pero erase, erase muna. Trabaho ang kailangang unahin.

Nagring ang cellphone niya at agad n'ya iyong kinuha nang makita na ang tumatawag ay isa niyang katrabaho.

"Nasa trabaho ako," imbes na 'hello' ay iyon ang bungad n'ya.

"Pinapaimbestigahan ka ni Third saakin." ani Spark. Yeah, Spark, ni hindi nga iyon ang pangalan nito pero iyon ang gusto nitong itawag ng lahat. Kalokohan, daming arte.

"Tsk! Lintik, syempre, mag-imbento ka nalang."

"Anong ginawa mo don?"

Sya ang may ginawa saakin.

"Anong ginawa ko do'n? Bakit, ano bang nangyari?"

"Ayaw no'ng kinakausap ako. First time ring nagpa-imbestiga saakin ng tao. Take note, babae pa. Wala 'yong pakelam sa mga---"

"Bakit saakin mo tinatanong? Malay ko d'yan!?" Nairita siya at agad pinatay ang tawag.

Kalalaking tao ng lintik, chismoso.

Binuhay niya ang mouthpiece. "At 3 o'clock, the man wearing corporate attire with brown bag." Napansin niyang kanina pa tila nagmamasid ang lalaki at nang silipin niya ito mula sa telescope 2000 na mayroong X-ray vision, nakita niya ang baril na nakalagay sa parang secret pocket ng bag.

Madaling kumilos ang team upang hulihin ang lalaking Mukhang may masamang binabalak.

"MAGSALITA kana." pangalawang ulit na niyang sinabi iyon sa lalaking nahuli nila. May dala nga itong baril na may silencer at bomba na nadefuse na ng kanyang mga kasama.

Matapps dalhin ang lalaki sa isang safe house, itinali niya ito sa upuan at piniringan. Nagpaiwan siya at ang kanyang team naman ay bumalik na sa pagbabantay.

"Hahahaha," tumawa ito nang nakakaloko na lalong ipinag-init ng ulo n'ya.

Kapag gantong sumasakit ang nasa pagitan ng hita ko, malilintikan ka sakin.

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now