TGF 9

580 10 0
                                    

"BAKIT BA KASI ayaw mong sabihin kung ano yung sinabi nung lalaking nahuli natin? Tapos, sa'yo lang umamin at ayaw magsalita saakin. Ganoon ba talaga katakot yon at pinagbantaan mo daw s'yang huwag magsasabi sa iba, hindi nga nagsabi?" Natawa siya kay Spark na kausap niya sa telepono.

Ang daming sinasabi e.

Ang lalaking tinutukoy nito ay iyong hiniwa at t-norture n'ya nung nakaraan, 'yung nagsabi na anak ni Mr. Alfagar ang mismong nagpapapatay dito.

Sinabihan niya itong wag ipagsabi sa iba ang sinabi sakanya at mukhang natakot nya talaga ito. Dapat lang naman dahil sobrang hirap ang inabot nito sakanya.

"Tandaan mo, kapag nalaman kong sinabi mo to sa iba, babalatan kita ng buhay."

Natawa ulit s'ya nang maalala ang panginginig nito sa sinabi niya.

"Hindi pa kasi sure ang sinabi n'yang infos. We're still investigating. Huwag kanang makelam dito, Spark, masyado kang tsismoso eh---"

"But I just want to know---"

"Gawin mo nalang ang dapat mong gawin---"

"---I also want to help."

"I'm talking not as a friend." seryoso na ang boses niya nang muling magsalita.

Natahimik s'ya. "Okay boss, sorry."

Pinatay na niya iyon. Ganoon naman sa trabaho. Magkakaibigan sila lalo na sa team niyang binubuo ng sampung katao.

Magkakaibigan sila pero kapag oras ng trabaho ay walang kai-kaibigan. Mas mataas din ang posisyon niya sa mga ito kaya naman ganon nalang kung igalang siya.

Mabuti na lamang at nitong mga nakaraang araw ay hindi gaanong lumalabas ng bahay ang binabantayan niya. Kung aalis man ito ay sa opisina lamang naman at syempre ay palagi s'yang kasama.

Nagdial s'ya at kaagad namang sinagot ng tinawagan. "Update."

"Kaninang madaling-araw pa sila hindi naghihiwalay. 5 am nang magcheck-in sila sa isang hotel room 2-0-3. 9 am sila nag-check-out. As of now, kumakain sila ng lunch dito sa 'Berry Delicioso'."

Napailing-iling siya. Bakit pakiramdam ko ay disappointed ako?

Hindi pa umuuwi si Third at ang kasama nito ngayon ay si Shiela Colantes na isa ngang hired killer.

"I bugged them pagkalabas sa hotel room. Pero wala pa silang kakaibang pinag-uusapan, para lang silang nagde-date."

Hah! Pagkatapos n'ya akong sigaw-sigawan kahapon at itanong kung may bago na ako, yun pala...

"Ipasa mo saakin ang exact location para ma-monitor ko rin sila."

"Yes boss."

Monitor lang talaga...

Kaagad s'yang nakatanggap ng text mula dito. Nasa office lang dito sa mansion si Mr. Alfagar at s'ya naman ay nasa labas lang ng pintuan. Kaagad s'yang tumipa sa laptop na nasa harapan at ilang sandali pa nga, nakita n'ya na ang maliit na red dot sa parang mapa.

Nang i-click n'ya iyon ay naririnig nya na ang usapan nina Third at Shiela Bulate ---este, Colantes na iyon.

"Yes, Ofcourse, pwede kitang samahan kahit saan at kahit kailan." nakarinig sya ng malanding boses ng babae. Lintik na Shiela.

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now