EPILOGUE

607 16 1
                                    


Some years later...

Marami nang nangyari sa mga lumipas na panahon, mga inaasahan at hindi. Pero nakayanan niya ang mga pagsubok dahil na rin may kasama siya sa pagharap sa mga iyon.

Umiiyak sya sa harap ng puntod. Hindi maawat ni Andriana ang mfa luhang umaagos sa kanyang mga mata. Binasa nyang muli ang pangalan sa lapida pati ang date. Matagal na rin talaga ang nakakalipas.

Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. "Mahal ka nya... mahal ka nila."

Pinunasan nya ang luha saka hinarap si Third. Tinulungan sya nitong makatayo. "Alam ko... hindi ko lang talaga mapigilan na maging emosyonal sa tuwing dadalawin sila." Naroon sila sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang.

-Andrea Angara-Renna-
Born on: November 23, 1975
Died on: December 23, 2014

-Arthur Renna-
Born on: April 22, 1973
Died on: December 23, 2014

Namatay ang mga ito dahil lumubog ang sinakyang barko. Dumalaw ang mga ito noon sa ilang kamag-anak sa Mindoro at papauwi na sana para makasama silang magkapatid sa darating noong kapaskuhan.

"'My, wag iyak." Natatawa niyang pinahid ang mga luha at yinakap ang anak na babae, si Sapphire Blue.

Pagkabitaw ay kaagad itong nagpakarga kay Third na pinagbigyan naman nito.

Matapos mag-alay ng maikling dasal ay umalis na sila, karga nito si Saph na tatlong taong gulang na at hawak naman nya ang kamay ng panganay nilang si Pacific Green, magpipitong taong gulang.

Halos pitong taon na rin ang nakakalipas mula nang magpakasal sila ni Third at habang dumaraan ang mga araw at taon na magkasama sila ay hindi pa rin sya makapaniwala na minahal sya nito.

Masasabi nyang iba pala talaga ang pagkakakilala niya dito noon, sa ngayon. Ito na yata ang pinakaresponsable, masipag, sweet, at mapagmahal na lalaki.

Masyado sila nitong bine-baby. Lahat ng bagay, hingiin man nila o hindi, ibinibigay na nito.

Bago sila magpakasal ay nagresign na rin sya sa kanyang trabaho upang ituon sa kanyang pamilya ang buo nyang oras. Gusto rin kasi ni Third na maging tahimik ang buhay nila. Ito daw dapat ang nagtatrabaho para sa kanila, ayon kay Third.

Ang kakambal niyang si Andriene ay wala na siyang balita kung ano na ang nangyari mula nang sabihin ni Spark---na ninong naman ni Saph--- na napatay nya ito na alam naman niyang hindi totoo. Subalit sà hindi niya malamang kadahilanan, kahit matagal nya na itong ipinapahanap ito ay wala paring makakita sa kapatid nya.

Napatawad na nya ito dahil sà pagkampi noon sa kalaban nila at sa pananakit kay Third. Hindi naman daw galit si Third dito at naisip din nilang may malalim itong dahilan sà ginawa noon.

Nagpanggap pa itong siya upang magalit sakanya si Third at akalaing kalaban nga sya.

Hay, Andriene, kung nasa harap lang kita ay kanina pa kita binatukan eh!

Sumakay sila sa sasakyan at nag drive na ito papauwi sa kanilang bahay kung saan ginusto rin nilang isama na sa bahay ang dad nito kaysa nag-iisa ito.

"Tinatanong ni dad kung ano daw gusto mong regalo sa birthday mo, Green." Anito sa anak nila na katabi niya, ayaw namang humiwalay ng kanilang bunso sa ama. Birthday ng panganay nila sa susunod na linggo.

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now