Sweet love...

7.7K 102 16
                                    

JINN’S POV…

Hindi ko alam may langit din pala sa lupa…its in Micah’s arms.  After ng lovemaking namin sa bathroom, we transferred to the bed and lay down for a while.  Hind na namin inalintana pa kung naghihintay ba sina Bam.  We can make excuses later on.  I lay down on the bed with her lying on my chest.  Hindi na nasuot pa kahit isa sa dalawang swimsuit.  She opted to wear a very short denim shorts na nakatuwaan naming tawaging “pekpek shorts ” at isang  black sleeveless na blouse.  

Wala kaming kibuan for a few minutes, basta lang nakaunan siya sa dibdib ko habang nilalaro ko ang kanyang mahabang buhok.  I’ve been waiting for this all my life…to be with her, to cuddle with her.  Iba pala ang feeling pag talagang mahal mo ang taong kasama mo, lahat may ibig sabihin…lahat may meaning.  Kahit simpleng holding hands lang parang very special na.  

She held my left hand with her right…paminsan-minsan giving it a gentle squeeze na nagbibigay naman ng sobrang ligaya sa aking puso.  I gently caressed her face with my right hand, ang lambot ng kanyang mukha…I gently closed my eyes…gusto kong isaulo sa isip ko ang kanyang mukha…gusto kong kahit nakapikit ako…alam ko ang lahat ng bahagi ng kanyang magandang mukha.  I traced every lines of her face, her eyebrows, her eyes, her nose down to her lips. When I reached her lips, pinigilan niya ang aking kamay at hinagkan ito.  I felt the softness of her lips on my fingers giving me goosebumps everywhere.  Napahugot ako ng malaim na hininga…simpleng halik lang sa kamay ay parang bolta-boltaheng kuryente na ang pumapasok sa aking katawan.

“Hindi pa ba tayo lalabas?” tanong niya na parang inaantok. 

“Ikaw…gusto mo na bang lumabas?”

“Baka hinahanap na tayo nina Bam.  Parang may naamoy na yata siya sa atin. Alam mo naman ang babaeng yon, ang lakas ng radar.”

“Kung malalaman niya, ano kaya ang kanyang magiging reaction?” tanong ko.  

“Hindi ko alam…” sagot niya sa mahinang tinig.  

Pinisil ko ang kanyang kamay at tinitigan siya sa mata.  Tumingin din siya sa akin. I can see the love sa kanyang mga mata, pero nakikita ko rin ang iba’t-iba pang emotions doon…worries, doubts, fears.  Niyakap ko siya ng mahigpit.  Alam ko marami pa kaming pagdadaanang mga pagsubok.  Maraming mga taong mapanghusga specially sa kakaibang klase ng relasyon na meron kami.  But I promised myself, kakayanin ko ang lahat hindi lang masaktan si Micah.

“So lets go?” tanong ko sa kanya habang hinahagkan ang kanyang noo.  Nakapikit ang kanyang mga mata.  Ang ganda-ganda niya kung ganitong nakapikit siya…parang anghel na natutulog. Hindi siya sumagot, instead she moved closer to me at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.  So close that I can already hear her heartbeat.  Napabuntunghininga ulit ako…bakit ganito…parang puputok ang puso ko sa sobrang ligaya? Meron palang ganitong klaseng feelings? 

‘Hmmmm yan ang sinasabing heart attack,’ sagot ng shunga kong inner self.  Bumanat na naman siya.  Ayaw talaga paawat.  Pero bakit kung heart attack ito, bakit ang sarap?  Di ba pag heart attack masakit?

‘Tanga mo talaga Jinn…syempre masarap yan sa una…pero pagdating ng panahon…sasakit din yan.  Ikaw ba naman…pinapatikim ka lang ng masarap para hindi mo iisipin ang sakit later on.  Parang toothache din yan eh…masarap kumain ng kendi pero pagsumakit na ang ngipin…patay ka na..iiyak ka.’

Napaisip ako sa sagot ng innerself ko…ganito ba talaga pag nagmahal ka? Talaga bang sad ending palagi? Di pwedeng happy ending na lang?

“Shunga ka talaga Jinn…anong akala mo fairy tale ito? Pakiramdaman mo nga sarili mo…sino ka ba si Cinderilla? Tsong…gising! Tibo ka! Kong sa mga faiy tale stories nasa Aladdin ka pero hindi si Aladdin kundi si Genie.  Itong tandaan mo, wala pang fairy tale na tibo ang lead character…kaya walang happily ever after sa inyo.  Oh baka gusto mo magsulat ka muna baka mag hit pa sa takilya at sa bookstores.  Be realistic ok?’ sermon pa ng konsensya ko.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon