You and Me Against the World?

6.7K 79 13
                                    

JINN’S POV

“Mukhang maganda ang gising natin ah,” bati ni Bam na nakangisi habang umiinom ng kape kasama si Jude sa isang mesa sa harap ng cottage.

“Syempre naman masarap atang matulog kung malamig,”sagot ko na nakangiti.

“Agree ako diyan sa yo Jinn…masarap talagang matulog kung malamig lalo na at may kayakap ka na malambot,” saad ni Jude na nakangiting nakatingin kay Bam.

“Huwag mo nga akong matingnan ng ganyan Hudas ka…kung hindi dahil sa lasing ka kagabi sa kama sana ako nakatulog.  Ang ending sa tent din ako natulog na matigas…ang sakit nga ng likod ko.”

“Asus hindi kaya kita pinilit na sa tent matulog.  Ikaw kaya ang nagkusang-loob na samahan ako. At huwag kang mag deny todo pulupot ka kaya  ng yakap sa akin habang natutulog tayo,” biro naman ni Jude.

“Uy huwag ka ngang gumawa ng kuwento ha…ikaw kaya ang humatak sa akin kagabi…drama ka pa diyan,” nakangusong sagot naman ni Bam.

Napatawa na lang ako sa biruan ng dalawa.  Siya namang paglabas ni Mommy Else mula sa kabilang kuarto ng cottage.  Fresh na fresh sa suot na orange na sleeveless at puting shorts.

“Good morning! Mukhang masaya ang umaga ah.  Anong oras na ba kayo natulog kagabi? Hindi ko na namalayan ng pumasok ka sa kuarto Bam.  Napasarap ang tulog ko.”

Nagkatinginan sina Jude at Bam…halatang medyo nahiya kay Mommy Else.

“A…Eh Mommy Else,” medyo nahihiya pang sagot ni Bam.

“Mommy Else anong oras ba tayo uuwi?” agaw-tanong ko para makuha ang atensyon niya. Alam kung feeling awkward na ang dalawa.

“Mamaya pa siguro. After lunch na lang para makapaligo pa ulit kayo.  Ang aga pa naman, sulitin natin ang oras. Sayang naman at nandito na tayo.  Saan pala si Micah?”

“Naliligo pa po My…medyo may hangover kasi eh,” sagot ko.

“Medyo naparami nga ang inom niyo kagabi. Nasurprise nga ako at uminom si Micah.  Never ko pa namang nakita o narinig na uminom ang batang yan.”

“Naku Mommy syempre naman dapat mag enjoy din siya sa buhay niya.  Matagal-tagal ding nag asal madre si Micah dahil sag ago niyang boyfriend.  Buti nga at wala na sila.”

“Talaga? Wala na sila ni Paul?”

“Ay di mo pa pala alam?”

“Kaya pala hindi ko na nakita ang lalaking yon…buti nga at nakakalas sa kanya si Micah.  She don’t deserve such kind of man.”

“Hmmmm palagay ko masaya na ngayon si Micah sa bago niyang lovelife,”agarang sagot ni Bam na nakatingin pa sa akin.

Pakiramdam ko uminit ng 45 degree celcius ang mukha ko.  Hindi ko na kailangang tumingin sa salamin para malaman na nag blush ako.

“May bago ng lovelife si Micah? Sino????? Bakit palagi akong huli sa balita?”

“Eh kasi nauna kang natulog kagabi Mommy…di ka tuloy nakasaksi ng exclusive interview with Oprah Winfrey,” ang lalo pang panunukso ni Bam sa akin.

“Kay Oprah ba yon? Akala k okay Ellen Degeneres,” sagot naman ni Jude na sumali na rin sa tuksuhan.

Mukha namang nakuha ni Mommy ang ibig ipahiwatig ni Bam at Jude kaya ako naman ang kanyang hinarap at inusisa.

“Jinn, ikaw ang bestfriend ni Micah, palagay ko ikaw ang may alam…”

“Ay my…wala akong alam diyan.  Si Ma’am Bam kaya ang bestfriend…ako….lost friend,” palusot ko pang sagot.  Dinaan ko na lang sa tawa ang awkwardness ko sa sitwasyon.  Pahamak talaga ang dalawang ito.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon