Lap Dance...

3.8K 67 11
                                    

MICAH’S POV….

          “Kanina ka pa?” tanong ko kay Jinn na halatang nabigla ng makita akong  nakatayo sa harapan niya. She looks tired and sad pero pilit pa ring ngumiti at tumayo ng makita ako.

          “Hindi pa naman, kararating ko nga lang. Alas dose na…ready ka na ba?”

          “Sandali lang kukunin ko lang ang gamit ko,” sagot ko habang umiiwas tingnan si Jinn sa mata.  I need all effort to compose myself…hindi ko sigurado ang sarili ko, baka umiyak ako sa harapan niya at ayaw na ayaw ko yon.

          “Tara na!” yaya ko sa kanya habang bitbit ang aking bag.  Nauna akong lumakad.

          “Gutom ka na ba?”

          “Hindi pa naman…bakit?”

          “Kasi halatang nagmamadali ka ng lumabas eh…baka kako gutom ka na.”

          “Ah…eh…medyo gutom na nga,” pagsisinungaling ko rin.

          “Saan mo gustong kumain?”tanong ulit ni Jinn na binilisan na ang lakad para makasabay na sa akin.

          “Kahit saan.” Sa totoo lang wala akong ganang kumain.  Umiyak ang gusto ko.  Bakit nga ba ganon? Kung nasasaktan ang tao bakit walang ganang kumain…sumasama ba sa sakit ang appetite? O baka ako lang ang nasasaktan na walang ganang kumain.

          “Ok lang ba kung sa seafood restaurant tayo mag lunch? Parang gusto kong kasing kumain ng inihaw na pusit.”

          “Ikaw ang bahala,” pawalang bahala kong sagot.  Tumawag si Jinn ng taxi at sumakay kami.  Sa isang seafood restaurant kami nagpahatid.  Habang nagbabyahe ay tahimik si Jinn.  Parang nag-iisip. Hindi na rin ako kumibo.  Maya-maya ay naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.  Nilingon ko siya pero nakita kong nakasandal siya sa upuan ng taxi at nakapikit ang mata.  Patuloy niyang pinisil-pisil ang aking kamay at hinalik-halikan.  Maya-maya ay kinabig na niya ako.  Napasandal tuloy ako sa kanyang dibdib.  Parang bibigay na ang aking dibdib…peksman, kong may timer lang mga 1 minute na lang sasabog na ang luha ko.

          “I’m sorry Mic,” narinig kong bulong niya.

          “Sorry sa ano?” tanong ko rin.

          “Sorry dahil nagutom ka.  Hindi kasi ako nakabili ng snacks mo kanina sa sobrang pagmamadali.”

          “Wala yon,” sagot ko ulit. Kung kanina 1minute…ngayon parang nasa bukana na ng aking mata ang aking luha… akala ko sasabihin na niya ang tungkol kay Mila. Si Mila…si Mila…si Mila. Parang nakatanim na sa isip ko si Mila at lahat ng sinabi niya ay paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig…parang sirang plaka, replay ng replay.

          “Babawi na lang ako sa yo sa lunch mahal.  Bubusugin kita promise ko yan,” sabi niya sabay halik sa aking noo.

          Napapikit ako at lalong isiniksik ang aking katawan sa kanya. Ang hirap pigilin ng luha…talaga palang ang pait sa mata…at ang init…parang sili na mahapdi pero hanggang sa makaya ko…hindi ko ipahahalata sa kanya na may nalalaman ako.

          JINN’S POV…

          Kaninang umaga ay sobrang excited ako dahil makakasama ko na siya pero dahil kay Mila ay nagulo ang isip ko.  Kahit kasi anong gawin ko ay hindi ko maikaila na may punto naman ang mga sinabi ng babaeng yon.  Para kaming nagnanakaw ng sandali…hindi malaya na maipakita sa tao ang aming nararamdaman sa isa’t-isa.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon