Love is in the air...

6.9K 75 19
                                    

JINN’S POV…

Parang ibig kong matawa sa facial expression ni Micah ng makapasok na kami sa loob ng room.  Lalo siyang namula ng makita ang pandalawahang bed  sa gitna ng kuarto.  Simple lang naman ang room pero malinis at may sarili ring bathroom sa loob.  Halata kong hindi siya mapakali.

“Bakit para kang pusang hindi makapanganak diyan? May problema ba?”

Hindi siya sumagot, instead ay parang bata na umupo sa kama at nagpapadyak ng paa. Gusto ko ng matawa pero pinigilan ko.  This is the side of Micah that I missed so much.  Ang pagiging isip bata niya na sobrang cute kong tingnan.  Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.

“Miss…lollipop..gusto mo?”

Napatingin siya sa akin…nakangiwi na parang bata.  

“Anong akala mo sa akin, bata na susuhulan mo lang ng lollipop?” sagot niya na nakasalubong ang magagandang kilay.

“Why can you read my mind? May power ka ba?” 

“Anong power ang sinasabi mo? Bakit? Anong nabasa ko sa mind mo? Meron bang laman yan kung hindi puro lang chicks?” ang sagot niyang nanunulis na naman ang nguso.  Sarap na talaga halikan.

“You’re right but at the same time wrong.  Tama kasi yan nga ang iniisip ko palagi…pero wrong…kasi dapat CHICK lang kasi iisa lang…singular hindi plural.  Iiisang babae lang kasi ang laman ng isipan ko palagi eh.  Kahit nga anong bura ko hindi ma erase.  Grabe ang kapit niya.  Akalain mo…after five years nandito pa rin siya sa isip at puso ko.”

Nakita kong nag blush siya pero hindi pa rin nagpatalo.

“Asus…eh di gamitan mo ng white-out.”

Hinwakan ko ang kamay niya at inilagay sa magkabila kung pisngi.  Ang lambot pero ang lamig ng kanyang kamay.  And I felt she tensed when I hold her hand.  Balak pa sana niyang bawiin pero pinigilan ko siya.

“Don’t…just let me..” sabi kong nakatingin  sa kanyang mga mata.  Natigilan siya.  Magka eye-level na kaming dalawa at kitang-kita ko ang battling emotions sa kanyang mga mata.

“Jinn…”

“Shhhh…lets just savor the moment.

Tumahimik siya…na feel kong unti-unti na siyang nag relax…I closed my eyes and feel her hands on my face…ang sarap pala…kahit ano ka simpleng bagay kung mahal mo ang taong kasama mo nagiging special. 

 I want to be honest…I want to cry right now. WHY? Because after all these years hindi ko akalain na magkakasama kaming muli ni Micah…na mahahawakan ko siya muli.  And nothing changed after all these years…siya pa rin ang Micah na minahal ko noon.

I felt her fingers slowly caressing my face…yong touch na nagtatantiya…parang humihingi ng permission kung pwede ba. I let her do what she wants…I let go of her hands and enjoy every moment of what she is doing to me.  I felt her fingers slowly tracing the contours of my eyebrows…my eyes…my nose…down to my lips.  Napamulat ako and looked at her straight in the eyes.  Ang mga kamay ko ay nakahawak na sa kanyang beywang.

“Are you afraid of me Mic?” tanong ko sa kanya in my gentlest voice.  I don’t want to break the spell that binds us.  Hindi siya sumagot…her fingers keep playing with my lips…my lower lip. 

 Maya-maya nakita kong kumibot ang kanyang labi…pero walang lumabas na salita.  I can see different intense emotions in her eyes…pero pinipigilan niya.   Maybe…the same thing sa ginagawa kong pagpigil sa nararamdaman ko ngayon.  I closed my eyes to hide my desperation…why is she so close but yet so far?

“No…I’m not afraid of you Jinn…I’m afraid of myself,” narinig ko ang mahinang sabi niya.

I opened my eyes and see her trying to blink away her tears. I was not able to control my self niyakap ko siya sa beywang ng mahigpit na mahigpit.  My heart is beating wildly…parang gusto ng lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok.  Naramdaman kung yumakap na rin si Micah sa akin. Walang nagsalita…basta na lang nagkaintindihan…I just realized that hearts have their own language…no words are needed to explain everything.  Like a damn ready to break open…I let go of my emotions at tulad ng ilog…it flows freely to the heart of the one I truly love.

Hey guys…I know this is a very short chap…kasi inaantok na ako eh.  I’ll just make it up on the next chap.  Hope you enjoy reading this…love is in the air….keep voting …comment and fan if you like….love you to the bone… Boss

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon