For the First time...

4K 65 11
                                    

JINN’S POV….

          Lalo ko pang ginalingan ang aking pagsayaw…walang panama sa akin si Hayden Kho…may itinatago din naman akong lambot ng katawan.  Tawang-tawa naman si Micah…enjoy na enjoy siya sa aking pagsasayaw.

          “Ang galing…kembot pa mahal.”

          Hindi ko pinansin ang panunukso ni Micah…instead ay dahan-dahan kong hinubad ang aking polo-shirt. Itim na sports bra na lang ang aking pantaas.  Seryoso ako sa pagsasayaw habang lumalapit kay Micah.  Napatigil tuloy siya sa pagtawa.

          ‘I’m never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm.  Though it’s easy to pretend, I know you’re not a fool.’

          Hindi na nakatawa si Micah…parang natulala na siya habang hindi kumukurap na nakatingin sa akin.  Hinawakan ko siya sa balikat tsaka gumiling-giling sa kanyang harapan.

          “Jinn…” sabi niya.

          Hindi ako sumagot parang feeling ko na internalize ko na ang kanta…parang ang gaan na ng katawan ko habang sumasayaw.  Ipinikit ko ang aking mata habang dahan-dahang umiindak-indak sa saliw ng musika.

          Naramdaman ko na lang na tumayo si Micah at humawak na sa aking beywang…gotcha baby!

          Hinayaan ko siyang humawak sa aking beywang…lalo kong inilapit ang aking katawan sa kanyang katawan halos magkadikit na kaming dalawa. Bawat galaw ko ay dahan-dahan na ring sumasabay ang kanyang katawan.

          “Jinn…,” narinig kong bulong niya. Halos nakadikit na pala sa aking tainga ang kanyang mga labi sa sobrang lapit. Sabay sa malamyos na ritmo ng musika ang aming iisang galaw.

          Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay mula sa kanyang balikat papunta sa kanyang braso…pahaplos. Ang kamay ni Micah na nasa aking beywang ay naramdaman kong lalong humigpit ang kapit. Napadikit lalo ako sa kanya…ang isa kong binti ay napagitna sa kanyang mga hita.

          Lalong bumaba ang aking kamay…dumausdos pa pababa sa kanyang malambot na katawan…sa kanyang bilugang beywang.  I cupped her soft butt at pinisil-pisil ito.  Gosh…it feels like heaven!

          Naramdaman kong pasipsip na kinagat ni Micah ang aking tainga, napapitlag ako sa magkahalong sakit at kiliti. Hindi ko na napigil ang aking sarili kaya kinuyumos ko siya ng halik sa labi.  As always…she taste like honey and wine…honey dahil matamis but wine dahil nakakalasing.

          Nagpatimbuwang siya sa kalapit na kama at napasama rin ako. 

          “Hindi pa tapos ang lapdance sweetie,” sabi ko in between ragged breath.

          “Forget about the lapdance…this is better,” sagot niya while kissing me back.

          “Akala ko yon ang gusto mo?”

          “Magreklamo ka pa diyan at susuntukin na kita,” sabi niya sabay kuyumos ng halik sa aking labi.  Parang gusto kong matawa sa kanya…ang cute pala niya pag turn-on na.  Effective talaga ang naisip ko na pang seduce.

          Hindi ako nakakilos ng biglang mag roll si Micah…exchange position kami…sa ilalim na ako sa taas na siya.

          “Akala mo hindi ko alam na siniseduce mo ako…humanda ka ngayon.”

          “Nagpaseduce ka naman eh…kagustuhan mo yon,” pag dedepensa ko.

          “OO na nga…”  sagot niya sabay kagat sa aking labi.  Ewan ko lang kong nasugatan.  Sobrang gigil ata siya sa akin.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon