214

4K 67 7
                                    

After eight long months...i cant believe nakapag update pa ako...sorry talaga mga guys...

Boss

JINN'S POV:

Exactly 7:00PM nang dumating kami ni Micah sa Blizzard, isang medyo pang middle class na resto-bar.  Ini-usher kami ng magandang waitress sa isang mesa na malapit sa stage.  Nakita naming nakaupo naman si Phem kasama ang kanyang grupo sa katabi nitong mesa.  Nang makita niya kaming papalapit ay agad siyang tumayo at sinalubong kami.

“Tol…thank you for coming.”

“Wala yon tol…libre mo naman to eh,” pabiro kong sagot habang kinakamayan si Phem.  Napatawa si Phem at tinapik ako sa balikat.

“Hi Mic…kumusta? Mukhang lalo ka atang gumanda ah,” baling ni Phem sa aking mahal. Napangiti si Micah at bahagyang humilig sa akin.

“Salamat sa papuri…sana totoo,” sagot naman niya kay Phem.

“Ay syempre naman, totoo yon.  Lagot ako kay Jinn pag magsinungaling ako eh.  Hali kayo dito at ipapakilala ko kayo sa mga kasama ko.”

Matapos kami maipakilala ni Phem sa kanyang mga bandmates ay umupo na kami sa kabilang mesa.

“Order lang kayo ha…akong bahala. Start na ata kami eh.  Excuse me muna ha, babalik lang ako mamaya,” sabi ni Phem sabay tayo.

“Ok tol…kami ng bahala dito. Galingan mo ha.”

Nakangiting umakyat na si Phem sa stage para mag join sa kanyang mga kasamahan.

“Anong gusto mo mahal?” tanong ko kay Micah.

“Ikaw? Kung anong gusto mo ganon na rin sa akin.  Medyo busog pa naman ako eh.  Antayin na lang natin sina Jude at Bam.”

“Ok ba…sige order ako ng beer ha…mamaya na tayo mag order ng dinner.”

Umayos na kami ng umalingawngaw ang boses ni Phem sa mikropono.

“Ladies and gentlemen…good evening and welcome to “The Blizzards.”

“ Tonight we are here again to sing your favorite songs. So sit back,relax and enjoy.  Our first song is dedicated to my two special visitors…Jinn and Micah…this song is for you.”

Pumailanlang ang suwabe na tunog ng keyboard  na sinabayan ng gitara ni Phem… intro ng kanta ng Rivermaya na 214 ang pumuno sa loob ng Restobar.  Palakpakan ang mga nandoon, ang iba ay nagsigawan pa.

“Am I real?

Do the words I speak before you make you feel 

That the love I've got for you will see no ending? “

Napatingin ako kay Micah, nakatingin din siya sa akin…iba’t-ibang klase ng emosyon ang nasa kanyang mga mata. Bumilis na naman ang pintig ng aking puso…ahhhh just like the first time I laid my eyes on her….walang paltos…nagdodouble time pa rin ang puso ko. Dahil ba ito sa malamig na boses ni Phem o talagang under spell pa rin ako ng babaeng ito?”

“Well if you look into my eyes then you should know

 That you have nothing here to doubt nothing to fear

 And you can lay your questions down cause if you'll hold me 

We can fade into the night and you'll know

The world would die and everything may lie 

Still you shouldn't cry 

'Cause time may pass

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon