She's so Beautiful...

8.1K 80 0
                                    

JINN’S POV…

                Ang tagal ng oras, ang aga ko pa namang nagising.  Gusto ko ng umuwi.  Ito siguro ang feeling kung ayaw mo ang ginagawa mo.  Bakit kasi napasubo ako sa course na ito.  Gusto ko ng Computer Engineering pero ayaw naman ni Papa.  Kahit anong gawin kung explanation di niya pinakinggan.  Ganyan ba talaga ang mga pulis, ang desisyon ay batas. O talagang bingi lang si Papa…Tsk tsk tsk!

                So heto ako ngayon, nag-aaral sa ayaw ko namang kurso.  Mass Communications, ano bang alam ko dito? May future ba ako dito? Ang mga classmates ko alam ko,  nandito dahil gusto nila.  Ako…ewan. 

                May dalawang reasons kung bakit nandito pa ako hanggang ngayon.  First, dahil gusto ni Papa at dahil siya ang bumabayad sa tuition fee, sumusunod ako.  Second, ang babaeng paparating …si Micah.  Yes si Micah…she is my crush since second year pa kami. Ewan ko basta kakaiba siya sa lahat.  Everytime na makita ko siya feeling ko may tumatumbling sa dibdib ko.  Maganda si Micah pero yong gandang di pansinin. Di siya gumagamit ng make-up, di rin maporma. Pero kakaiba siya sa lahat. Matalino, simple at walang ka ere-ere.   Andiyan na siya lakad-takbo na sa pagmamadali.  Bigla kung hinablot ang dala-dala niyang bag.  Lumingon siya sabay hila ng kanyang bag.   “Ba’t ka nagmamadali? Wala pa si Sir Diam”  sabi kung nkangiti.  Ang ganda talaga ni Micah lalo na sa malapitan.  Ang  ganda ng mata...parang ang paborito kung actress/model na si Angel Aquino.  “Andoon pa sa office ni Dean pinatawag siya.  Kaya pwede ka ng magdahan-dahan sa paglakad” natatawa kung dugtong. 

                “Whew! Buti pala pinatawag si Sir ni Dean, kung hindi patay na naman ako” sabi niya sabay ngiti at hinga ng maluwag. Ang ganda ng kanyang ngiti, pang close-up smile kumbaga. Biglang sumaya ang boring na araw ko. 

                Hindi ko pinagkakaila tibo ako, t-bird sa english or in other words “parekoy” sa wikang kalye. At first, I try my best to go straight, I even tried harder na magkagusto sa mga lalaki.  Ilang beses din na pinaunlakan ko ang mga nagkakagusto sa akin na mga male species.  But everytime na makilala ko na sila na tuturn-off ako.  Bakit? Kasi po mas astig pa ako sa kanila.  Sa inuman, una pa silang natutumba.  Ayaw ko ng ganyan.

                Na observe din ng Mama ko ang kakaiba kung kilos.  At even at my early age, ginawa rin niya ang lahat para naman lumaking dalaga ang kanyang si “Nene”.  Several times na pinasali niya ako sa santacruzan sa aming lugar, sa Miss JS sa school at sa iba pang beauty contest.  Ginawa ko naman lahat pero kadalasan, everything ended up in a mess.  Natapilok ako sa stage during the Miss JS. Sa taas ba naman ng takong ng sapatos na pinasuot sa akin…di ko na nga natapos ang contest, isang linggo pa akong di nakapasok sa school dahil sa namaga ang aking paa.  Later on, nag give-up na si Mama. Alam niya na ang kanyang si Nene ay di na magiging dalaga kundi magiging binata na. 

                I’ve got plenty of crushes at school mula pa noong highschool ako, lahat babae.  Pero ito ang pinakamatindi…si Micah. Everytime na makita ko siya I can’t stop myself from staring…yes staring talaga…gusting-gusto ko siyang titigan.  Mahaba ang kanyang tuwid na buhok, balingkitan ang katawan, morena siya pero makinis.  Typical na dalagang Pilipina. Gustong-gusto ko na siyang ligawan pero natatakot ako. What if bigla niya akong bigyan ng mag asawang sampal na may anak na tadyak? Whew! Masakit yon…kahit sa isip nga lang napapangiwi na ako eh.

                “Nilalabhan mo rin ba yang sapatos mo?” tanong niya na pumutol sa aking pagmumuni-muni.  “Huwag mo ng pakialaman yang sapatos ko at mahal ang sabon” sagot ko.  Tuluyan ko ng kinuha ang kanyang shoulder bag at ako na ang nagdala.  Bigla siyang tumawa. “Bakit? Anong nakakatawa? ”tanong ko.  Lalo pa siyang humagalpak ng tawa.   “Sino bang di matatawa sayo…tingnan mo ang hitsura mo sa salamin…ang lakas ng dating mo machong-macho pero naka shoulder bag ka” sabi niyang natatawa pa rin.  “Ok lang yan para naman sayo eh” sagot ko sabay kindat sa kanya.  Napahinto siya ng tawa at napaisip.  “Uy huwag ka ngang mag isip ng kung ano-ano dyan, dalian mo na at maya-maya lang andyan na si sir.  Hinila ko na siya papasok sa classroom namin. Heaven…ang lambot ng kamay niya…

                Kahit anong gusto ko kay Micah tiniis kung di manligaw.  Takot akong baka magalit siya at tuluyan na niya akong isnabin.  Alam ko mabait naman siya pero di siya tulad ng iba…straight siya.  Di pumapatol sa mga tulad ko.  So nakuntento na lang ako sa mga pakindat-kindat at mga pa cute na strategy.  Pero ng mag ka chance na mahatid ko siya pauwi, doon ko nakilala kung sino talaga siya.  Di ako nagkamali, talagang mabait siya, palabiro din at talagang matalino.  Tawag ko nga sa kanya Miss Bookworm dahil palagi na lang siyang nagbabasa.

                Mula noon naging mas close kami.  There are times na nagcucutting classes ako para lang magkasama kaming pauwi.  Nang malaman niya sermon na walang humpay ang napala ko.  Ayaw niya kasing i-take for granted ang pag-aaral. Prinsipyo niya, di pinupulot ng mga magulang naming ang pera, pinaghihirapan yon kaya dapat na huwag sayangin. Hindi na ako nakipagtalo pero I tried my best na makacatch-up pa rin sa schedule niya.  Kalaunan nag adjust na rin siya kung hindi pa tapos ang klase ko hinihintay niya ako sa library.

                ”Nag cutting-classes ka naman naman no? “ sita niya sa akin ng sunduin ko siya sa kanyang last subject ng hapon na yon.  Alam ko na ang schedule niya for the whole week.  Kinindatan ko  lang siya sabay kuha ng bitbit niyang libro.  Noon niya lang nakita ang dala kung backpack at racket ng badminton. “Saan ka galing?” “ Sa klase ko, sagot ko. “Bakit may dala kang bag?” Alam ko hindi siya sanay na makita na may dala akong bag.  Kadalasan isang notebook lang at ballpen ang dala ko pag pumapasok.  Kung minsan naka roll pa ang notebook at nakatago sa ilalim ng aking uniform. Alangan naman kasing mag shoulder bag din ako.   Pencil cut ang skirt namin sa uniform at kung gusto kung magdala ng bag, backpack ang dala ko. Kalaunan ang porma ko ang nakikita ng nga barkada ko.  Tawag nga nila sa akin “Jinn D” Ninja Turtle”.  But I don’t care! Pakialam ko sa kanila.

 “May practice ako sa badminton. Pwede mo ba akong samahan?” tanong ko kay Micah  Napaisip siya.  Badminton ang isa sa mga hilig ko aside sa volleyball.  Mula pa pagkabata ito na ang hilig ko.  Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at parang gustong-gusto kung sumama si Micah sa aking practice ngayong hapon.  Ahhh…she is my inspiration…walang kokontra ha.

“O, ano na? Sama ka o hindi?” kulit ko sa kanya.  “Kung hindi ka sasama uwi na lang tayo.” “At bakit ka naman uuwi kong di ako sasama, may practice ka di ba?  Di ako sumagot.  Nauna na akong lumakad, hindi ito drama ha, pero talagang tumamlay ang katawan ko ng makitang ayaw niyang sumama. “Kasi po, ang iba dyan ayaw namang sumama sa akin. Nakakawalang gana ng mag practice”, matamlay kong sagot.  Natahimik siya ngunit bigla siyang sumigaw na,  “OO na po.  Sasama na po”, sigaw niyang medyo irita pero nakangiti. “Talaga? Napilitan ka lang ata eh”. “Sabi ng oo na ang kulit mo”.  Biglang umilaw ang araw ko…sasama siya sa akin…ang saya-saya ko.“Yesssssssss!”, .hindi ko na napigil at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakupoooo…this is cloud nine…ang bango pala ni Micah at ang lambot pa…kasalanan ko ba kung magwala ang heartbeat ko? For the first time, nayakap ko ang babaeng gusting-gusto ko.  Bahala kayo kung anong isipin niyo basta ako…..10points!

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon