Can you be my GF???

7.3K 65 2
                                    

MICAH’S POV…

                “Hoy hoy hoy tama na yang drama mo ha. May payakap-yakap ka pa diyan.  Kung di lang kita bestfriend, iisipin kung sinasamantala mo na ang aking pagkabirhin” natatawang awat ko sa kanya sabay hampas. Biro lang yon pero nakita kung namula si Jinn.

 “Hey I don’t mean to embarrass you.  Joke lang yon ha.” 

“Asus! Ikaw nga itong sarap na sarap sa yakap ko eh.  Malamang feel na feel mo ang malambot kung katawan” ang pabiro niyang kantiyaw sa akin.

  “Ah ganon! Ako pala ha” bigla ko siyang hinampas ng folder kong dala na agad naman niyang nailagan.  Masaya kaming naghabulan hanggang sa badminton court.

                Lumipas ng mabilis ang mga araw.  Malapit na ang sportsfest at maraming laro ang sinalihan ni Jinn.  Player siya sa badminton, sa volleyball at di rin niya pinalampas ang softball.  Napaka hectic ng schedule niya  dahil sa practice pero di pa rin siya pumapalya sa pag hatid sa akin papauwi.  Naging mas close kami sa isa’t-isa.  Ako na rin ang gumawa ng paraan para matulungan siya sa mga subjects na mahina siya.  

“O ayan na ang assignment mo.  Ginawan na rin kita kagabi.  Alam ko naman kasing plakda ka naman sa pagod eh”. 

“Naku! Thank you ha…you’re really an angel sent by my Lolo to me hehehe” “Sent by your Lolo? At bakit Lolo mo? Di ba dapat si Lord?”

 “Hindi, kasi si Lolo patay na eh..at sigurado ako right hand siya ngayon ni Lord kaya siya ang nagpadala sayo”.  Napailing na lang ako sa mga pilosopo niyang sagot.

                “Anong oras ang laro mo bukas?” tanong ko habang kumakain ng bananaque. 

 “Sa umaga, 10am, nood ka ha?” sabay hawak niya sa kamay kung may hawak ng bananaque at kumagat dito. 

“Hmm sarap talaga ng libre noh?” 

“Ikaw talaga kahit kailan mahilig sa libre”, ang naiiling kung sabi. 

 “Aray! Ang sakit noon ah…di naman ako palaging nagpapalibre eh.  Sandali lang ha…dito ka lang muna at babalik ako”.   Umalis si Jinn at ng bumalik may dala-dala ng isang plastic cup ng buko juice.  

“O ayan, para yan sa yo para naman di mo sabihin na palagi na lang ako nagpapalibre sayo,” ang madrama pa niyang sabi. 

 “Bakit kalahati lang ito? Dapat isang baso”.  

“Bakit, buo ba ang kinain kung bananaque? Di ba kalahati rin? Kaya kalahati rin ang buko juice mo.  Don’t worry may “add-ons” yan”. 

 “Anong add-ons?”  “Add-ons” dagdag…tubo…interest”.

 “At ano naman yon abir? Kitang-kita na ngang kalahati lang ito eh” ang pagmamaktol ko  sabay inom ng buko juice.  

“May laway ko yan.” Sigaw niya sabay takbo. 

 “Yuck! Sira ka talaga! May araw ka rin!” ang nanggagalaiti kung sigaw.

 Masaya sana kami ni Jinn, palabiro siya pero sweet na kaibigan.  Para sa akin di na issue kung ano siya dahil mabait siya sa akin, naging tapat na kaibigan ako sa kanya.  Hanggang isang araw, matapos ang kanyang laro, magkasama pa rin kaming umuwi.  Talo siya ng game na yon.  I tried to cheer her up pero parang iba siya. Matamlay at tahimik.

 “Are you ok?” 

“OO naman, I’m ok”.

 “Are you sure?” kulit ko.  

“OO sabi eh.  Ok lang ako.  Stop worrying will you? I’m just a little bit tired, maybe exhausted”, matamlay niyang tugon. 

 Papaliko na kami sa kanto malapit sa aking boarding house ng aksidente ko siyang mahawakan sa kamay at talagang nabigla ako.  

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon