Bathroom Encounter...

8.1K 104 17
                                    

NOTE:  

THIS IS A GIRL X GIRL STORY...THOSE WHO ARE NOT INTO THIS STUFF, BETTER BACK-OFF AND LOOK FOR ANOTHER STORY.  THIS CHAPTER CONTAINS SCENES WHICH CAN HARM YOUR RATIONAL MIND AND CAN POLLUTE YOUR VERY PURE IMAGINATION.  THIS SERVES AS A WARNING WITH A CAPITAL W...LOL..

JINN’S POV…

Matapos kumain ay napagkaisahan namin ni Jude na i-fix ang kanyang tent malapit sa cottage namin.  Naging abala din si Micah, Bam at Mommy Else sa preparation ng mga inumin at mga baon naming pagkain.  Gumawa kami ng bonfire at naglatag ng beach mat sa buhangin.

“Mic, di ba maliligo ka rin? Tara… palit na tayo ng pampaligo.  Buti na yong maaga tayo para makarami,”aya ni Bam kay Micah. 

 Napatingin si Micah sa akin, mukhang humihingi ng permiso.  I smiled at her at bahagyang tumango.  Ngumiti rin siya at kumindat sa akin, biglang nag plummeting ang aking puso.  Ito pala ang inlove, very high palagi ang feeling, performance level ang puso.  Nakita ko namang biglang tumaas ang kilay ni Bam pero hindi nagsalita. Anak ng buntis na pusa…mukhang may naaamoy na siya ah. Nag drama na lang akong busy sa ginagawa ng magsalita si Mommy Else.

“Jinn, hindi ka ba maliligo? Ako nang bahala dito, palit na kayo, sama ka na sa kanila.”.

“Mamaya na my.  Tatapusin ko lang pag-aayos dito.”

“Ako na diyan…magpalit ka na ng damit.  Mamaya masyado na kayong gabihin.”

“Ok lang ba My? Hindi ka maliligo?”

“Bukas na lang ng umaga ako maliligo, baka maginaw na ang tubig at biglang atakihin ako ng athritis ko.  Sige na kayo na lang muna, ako ng bahalang magbantay dito.  Jude sumama ka na rin.  Makipagkwentuhan na lang ako sa mga kasamahan natin sa ibang departments.”

Wala kaming nagawa ni Jude kundi sumunod…sabi nga obey thy elders eh kaya matapos naming maayos ang ilan pang mga gamit at pagkain ay bumalik na kami sa cottage.  Nauna ng bumalik sina Bam at Micah kanina.

 Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto at inilock ang main door.  Muntik na kami kanina ni Micah, so lesson’s learned …dapat mag lock palagi para nakakasigurado.  Wala siya sa kuwarto pero narinig kong bukas ang shower.  Kumuha ako ng aking shorts at isang colored shirt sa aking bag at magpapalit na sana ng bumukas ang pinto ng bathroom.  There she was standing, only wrapped in a white bath towel na bahagya lang lumampas sa kanyang beywang.  Yon bang tila above the knee below the moon.  Bigla tuloy uminit ang temperature ng room.

“Tapos ka na?” tanong ko na medyo namamalat ang lalamunan

Medyo tumalikod ako para makaiwas ng tingin sa kanyang mapuputing mga legs.  Ggrrrr…tukso layuan mo ako please.  Gusto kong magpakagentleman…ayaw kong sabihin ni Micah na sinasamantala ko siya.

“OO…palit na lang ako ng swimsuit.” NAkita kung naghalungkat sa  kanyang bag si Micah kaya dali-dali na rin akong pumasok sa loob ng bathroom para magpalit.  Amoy ko pa ang kanyang sabon sa loob ng bathroom.  I tried to compose myself, under dapat control na ang aking libido ng lumabas ako ng banyo.

Pero laking gulat ko ng makitang naka two-piece black bikini si Micah…standing awkwardly sa harap ng salamin...her suit barely covering the most intimate parts of her body. 

‘Oh ayan…sige na paano ka mag react diyan…kahit anong anghel ka pa…pag ganya kaganda ang makita mo baka makalimutan mo na pati pangalan ng nanay mo,” udyok pa ng inner self ko.  

Pinawisan tuloy ako ng malapot lalo na at humarap bigla si Micah sa akin.

“Hindi ba masagwa? “ inosente pa niyang tanong.  Napabuntunghininga tuloy ako ng malalim.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon