28: Fall

3.3K 164 6
                                    

"Because are all alone. You may have a powergul power but its useless towards a weak but many power,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 28: Pagkatalo

"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, binibini. Isa na akong kalahating Diyosa at tanging mga Diyosa at Diyosa lang ang may kakayahang talunin ako," gumamit ng itim na mahika. Para kay Fiora, ang tanging makakatalo lang sa kanya ay ang mga Diyos at Diyosa.

Pinaglalaruan niya lang ang kanyang kalaban na ngayon ay kaharap na niya.

"Hindi kita hahayaang magtagumpay, Fiora!" Nagulat si Fiora sa biglang atake ni Edelyn. Masyado siyang determinado kaya naglabas ng napakalakas na kapangyarihan si Edelyn saka sumugod.

Pagkatapos ng atake g iyon ay bigla siyang nawala pati na ang presensya niya.

Sumeryoso ang mukha no Fiors at niraramdaman ang paligid. Hinahanap niya kung nasaan ang presensya ng dalawa pero wala siyang mahanap.

Ngumisi naman si Fiora habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid.

"Inaamin ko, magaling ka nga. Pero kulang ka pa," nagulat ang dalawa ng masangga ni Fiora ang espada ni Edelyn na aatake sana sa likod.

Pero bigla siyang nadapilsan mg maliit na kutsilyong binato ni Edelyn bago pa man niya gamitin ang espada.

Naramdaman ito ni Fiora kaya sumeryoso muli ang kanyang mukha. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang pisngi na bigla na lamang tumulo.

Doon na nga nagseryoso ang dalawa sa kanilang laban.

--*--

Isang linggo simula ng magsimula ang laban ng dalawa. Walang nagpatalo kahit pareho na silang pagod. Pero silang hinihingal dahil na rin sa ilang beses silang naglabas ng malalakas na atake.

"Masyado kitang minaliit, nilalang ng Gerva. Hindi ko alam na tatagal ka sa ganitong kundisyon," nginisian na lamang siya ni Edelyn at saka sila lumipad ni Blue papunta kay Fiora.

Hindi niya ito sinagot at muli siyang nakipagtagisan ng lakas kay Fiora.

Pero bigla siyang napatigil ng may naramdaman siyang hindi niya inaasahan.

Ngumisi siya at ginawa ang planong nabuo sa kanyang utak.

Muli siyang nawala sa dilim ng paligid pero kung nung una niya itong ginawa ay tinago niya ang kanyang presensya, ngayon ay pinalakas niya ito at kinalat sa buong paligid.

Kahit si Blue ay kinalat din ang kanyang presensya dahilan para malito si Fiora.

Sa inis ni Fiora ay pinagbabato niya ng bilang itim ang bawat presensya na nararamdaman niya sa paligid pero kahit anong bato niya ay tila pinapatamaan niya lang ang paligid.

Tumagal ng halos isang oras ang ginagawa ni Edelyn at parami ng parami ang naiiwan niyang presensya sa paligid na kinakainis ni Fiora.

Hindi niya naramdaman ang mga yabag ng paa na unti-unting dumadating sa kanilang pwesto. Nagpakawala ng buting ilaw si Edelyn kung nasaan siya at doon lang nagkaroon ng liwanag.

Daan-daang tao ang biglang lumitaw sa kanilang paligid at lahat sila ay nakabilog sa kanilang tatlo.

Pumunta si Edelyn sa harap ni Fiora ng nakangiti.

"Talo ka na Fiora," ngiting sabi ni Edelyn. Doon ay bigla na lang nagliwanag si Edelyn at Blue kasabay ng papapatama ng iba't ibang kapangyarihan ng lahat ng tao sa kanyang paligid.

Mapababae, mapalalaki o mapaspiritual Beast, lahat sila ay nagbato ng kapangyarihan kay Edelyn at si Edelyn naman ay hinihigop ito.

Nang nakikita ni Fiora na mas lumalakas si Edelyn. Hindi siya nag-atubili pa at naglabas ng malakas na kapangyarihang nagtuloy-tuloy kay Edelyn. Ngumiti lang si Edelyn saka hinigop din ang kapangyarihan ni Fiora. Ilang segundo ang makalipas ay binato muli ito ni Edelyn sa kanya pero imbis na itim. Naging isang kulay puti ito na may kaunting kulay asul.

Tila nahihirapan na si Fiora pero tuloy pa rin siya sa paglabas ng enerhiya. Hanggang sa unti-unti siyang naabot ng puting liwanag ng kapangyarihan ni Edelyn.

Ang kanyang balat ay unti-unting nabibiyak at tumatanda. Ang buhok niya ay unti-unting nagiging puti. Ang laman ng kanyang katawan ay unti-unting umiimpis na umanot sa puntong halos mukha na siyang buto.

Napasigaw sa sobrang sakit si Fiora na para bang mawawalan siya ng buhay.

"Hindi! HINDE!" Biglang sumabog ang puting ilaw na halos kinailangan ng lahat na pumikit. Ilang sandali pa, ang kalangitan na nagkakaroon lang ng liwanag dahil sa kapangyarihan ni Edelyn ay bigla na lamang lumiwanag.

Nang binuksan nila ang kanilang mga mata. Nagsigawan na ang lahat at nagyakapan. Ang iba ay nagiyakan at meron pang bumagsak na lang sa sobrang pagod.

Pero lahat sila ay nakangiti at masaya.

Nanalo sila sa Digmaan ns umabot ng ilang buwan bago natapos.

Sa sandaling iyon, bumaba si Edelyn sa ere kasams si Blue at nakita ang nanghihinang katawan ni Fiora sa sahig.

"Ba-bakit?" Hindi makapaniwala si Fiora. Isa siyang immortal at hinding-hindi siya mamamatay lalo na't malapit na siyang maging isang Diyosa.

Pero ngayon, hindi niya matanggap na naging ganito ang kanyang itsura.

"Isa ka ngang immortal pero mabubuhay ka habang buhay na hindi makakagalaw at hindi makakagamit ng kahit anong kapangyarihan. Pinarusahan ka ng dahil sa iyong kagahaman sa kapangyarihan. Ngayon, ang kapangyarihang hinabol mo ay kahit kailan, hindi mo na makukuha pang muli," seryosong saad ni Edelyn.

"Mas malakas at mas makapangyarihan ako sa iyo. Pero bakit? Bakit natalo pa rin ako!?" Hindi matanggap ni Fiora ang kanyang pagkatalo.

Malapit na sana niyang maabot ang kanyang gustong abutin pero nasira ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

"Because are all alone. You may have a powergul power but its useless towards a weak but many power," Saad ni Edelyn na nakapagpagising kay Fiora.

Natalo siya dahil nag-iisa siya. Tama nga na kahit maliit na langgam kapag nagsamasama kayang makabuhat ng mabigat na bagay. Kung magtutulungan ay may mararating pero siya, wala siyang kasama dahil sa sama ng ugali niya.

Inuna niya ang sarili niya at ang pagka-uhaw niya sa kapangyarihan. Hindi nga talaga nananalo ang kasamaan sa kabutihan.

"Mahal na Reyna," tumango lang si Edelyn at doon at binuhat na ng mga dumating na tao si Fiora.

Ilalagay siya sa isang protective barrier na hindi mababasag ng ano mang kapangyarihan. Buhay man si Fiora, kailangan niyang pagbayaran ang kanyang kasalanan na naging resulta ng pagkawala ng kapangyarihan ng mga kababaihan.

--*--

Ang lame haha sorry na. Hindi ako magaling sa ganitong bagay.

Ybrehl

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon