25: Sudden Attack

3.6K 200 19
                                    

"Forgive those who seek forgiveness and you shall be rewarded,"

Anonymous

Kabanata 25: biglaang atake

Isang buwan nagsanay ang tatlong kaharian ng sama-sama. Hindi nila inimtindi ang mga kasariam ng bawat isa. Nalaman ng lahat na marami pa lang kayang gawin ang mga kababaihan na hindi kayang gawin ng mga kalalakihan.

Nakita nila ang halaga ng bawat babae sa kanilang lipunan at unti-unti na nila itong tinatanggap. Ganon pa man, sa tatlong kaharian lang ito nangyayari dahil mas lalo lang nagagalit ang karamihan sa mga kalalakihan sa labas ng tatlong kaharian.

Hindi na lamang ito inintindi ng tatlomg kaharian at naghihintay pa rin sila kung kailan manghihingi ng tulong ang walo pang kaharian.

Pinagpapatuloy nila ang pagsasanay ng hindi pinapansin ang walo pang kaharian.

Samantalang si Edelyn naman ay hiwalay na nagsasanay sa iba tuwing umaga bago magsimula ang oras ng pagsasanay ng lahat.

Sinimulan niya na kasing kapaim ang kapangyarihan mg triple primary vizsa birthmark niya. Marami siyang matutunan sa paggamit lamang nito at mas lalo lang nitong napapalakas ang orihinal niyang kakayahan.

Ilang sandali lang ay biglang dumilim ang paligid. Nakaramdam ng masamang enerhiya si Edelyn na siyang nakapagpatigil sa kanya sa kanyang pagsasanay.

Tumayo siya at nakita si Jen na tumatakbo papunta sa kanya. "Mahal na reyna. Ang labas ng kaharian, inaatake sila ng mga itim na nilalang. Hindi ko mawari kung anong uri sila ng tao pero pinapatay nila ang mga tao sa sampung kaharian sa labas. Hindi nadamay ang kaharian natin dahil sa nakatago ito," nagpa-panic na sabi ni Jen tinanguan niya lang ito saka mabilis na naglakad papunta sa meeting room.

Karamihan sa mga opisyales ay naroon na at handang makinig sa utos ng Reyna.

"Prime Minister, i-monitor mo ang mga galaw ng mga tao sa sampung kaharian specially the Jorfa and Koryo Kingdom. Minister of War, ihanda ang mga sundalo at mga taong handang lumaban sa isang lugar, hintayin mo ang iba ko pang utos pagkatapos mong gawin ang utos ko, Minister of Revenue at Minister of Agriculture, siguraduhin niyong may sapat na pagkain ang lahat ng ililigtas ng ating kaharian, Minister of Health, ihanda mo ang medical team saka pagalingin ang mga magkakaroon ng injuries at sumunod kayo kay White mamaya pagkatapos ko siyang kausapin. Sa iba pang ministro, sumama kayo sa minister of health at kumuha ng mga tauhan niyo para makatulong sa kanya," nagsitanguan naman ang lahat sa utos ng Reyna.

Tumayo na si Edelyn saka tinawag si White at Blue. Mayamaya ay dumating na kaagad ang mga ito. "White gumawa ka ng lugar sa ilalim ng lupa mas malawak mas maganda, gawin mo itong lugar para sa mga magkakaroon ng injuries gumawa ka rin ng mga equipment para sa medical team at siguraduhin mong kumpleto ang lahat. At bigyan mo ng access ang lahat ng nasa tatlong kaharian sa portal papunta sa lugar na iyon pati na rin ear piece para makapagusap ang lahat," utos muli ni Edelyn.

Mabilis namang tumango si White at lumipad papalayo kay Blue at Edelyn.

Lumabas ng portal si Edelyn saka tingnan ang dapat niyang gawin. Isang oras ang makalipas, bumalik na kaagad siya sa conference room at nakitang naroon na ang lahat.

"Lalaban tayo sa labas. Hangga't kaya niyo, wag kayong mamamatay. Iligtas natin ang mundong ito para sa kalayaan ng lahat at pagkapantay-pantay," Nagsitanguan ang lahat bilang pagsang-ayon kay Edelyn.

"Proceed to our first Plan," pagkasabi noon ni Edelyn ay nagsialisan ng muli ang lahat.

Kagaya kanina, lumabas ulit siya ng portal pero ngayon naman ay para tumulong sa labas. Kinontrol niya mula sa itaas si Blue at pinapataan ng Yelo ang lahat ng kalaban.

Kada nakukulong sila sa yelo, bigla na lang itong magkakapira-piraso. Walang lumalabas na dugo sa tuwing nangyayari ang ganoon.

Mabilis ang kilos nila Edelyn at Blue habang nagpapatamd ng kalaban sa itaas. Ilang sandali pa, naririnig na niya ang mga ungol ng mga Spiritual Beast mapasa-ibaba o sa itaas.

Napangiti siya habang nakikita ang mga kababaihan at kalalakihan na nagtutulungan para masugpo ang kalaban. Ito ang gusto niyang mangyari, ang magkaisa ang lahat at magkaroon rin ng kalayaan ang katulad niyang babae sa lipunan kung saan ang namumuno lang ay mga lalaki.

Gusto niyang ma-realize ng mga lalaki ang halaga ng kababaihan sa lipunang ito.

Ano man ang magimg resulta ng labang ito, lalaban siya hanggang kamatayan para matapos na ang kalbaryo ng mga babae.

Halos sira na ang paligid at puro pagsabog ang naririnig. Lumalaban ang lahat para sa kaligtasan nila.

Nakikita rin ni Edelyn ang biglaang pagbukas at pagsara ng mga maliliit na portal. Alam niyang papunta iyon sa inutod niya kay White.

"Blue, we need to find where this creatures came from. We need to destroy it I think there is a portal connecting to Kingdom thats why even if we kill a lot, they are not even lessen," saad ni Edelyn. Tumango naman si Blue saka lumipad ng mas mataas.

Gumamit ng kapangyarihan si Edelyn para mahanap ang pinanggagalingan nito habang tumutulonh siya mula saitaas.

Punong-puno ng determinasyon si Edelyn na matapos ang digmaang ito. Kahit sino pa ang maging kalaban niya, hindi niya uurungan.

Samantala, sa Underground Hospital na ginawa ni White, marami sa mga sugatan ang mabilis na gumagaling. Halos lahat ng gumagamot sa kanila ay puro babae. Ang mga kalalakihan naman ng walong kaharian ay halos hiyang-hiya na sa kanila.

Kahit pa dati ay halos patayin na nila ang bawat babaeng nasa harapan nila, ngayon, tinutulungan pa rin sila ng mga ito. Dahil sa ginawa ng mga babae. Tumaas ang respeto at paghanga ng mga kalalakihan sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit marami pa rin sa kanila ay nakakabalik sa labanan para lumaban ng buong puso.

Kahit ang mga hari ay halos gusto ng ibaon ang mga mukha nila sa lupa dahil sa hiya.

Ang mga babaeng dati nilang inaalipin at inaalipusta ay siyang tumulong sa kanila para maging ligtas.

Sa ngayon, iniisip nila na sana hindi pa huli ang lahat para makahingi sila ng kapatawaran sa lahat ng babaeng inalipusta nila.

--*--

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now