27: Who's Great?

3.3K 159 1
                                    

"Determination can make you to the top,"

Anonymous

Kabanata 27: Sinong mas magaling?

Isa-isang nawalan ng ulirat ang lahat maliban sa mga tao sa Feminist Kingdom, Edelyn at Blue.

Kahit ang mga spiritual neast ay hindi rin nakaligtas sa pagkawala ng kanilang ulirat.

Ang kaninang sira ng lugar ng bawat kaharian, mas lalo itong nasira sa lakas ng pwesang nilalabas ni Fiora.

Si Fiora ay ang babaeng naging dahilan kung bakit hindi na nakagamit ng mahika ang mga kabanaihan bago dumating si Edelyn.

Gustong mahari ni Fiora sa boung sanlibutan at hindi lamang sa kanilang Planeta na tinatawag na Gerva. Ginawa niya ang lahat ng paraan ar lahat ng kasamaan para lang makuha ang kanyang kagustuhan.

Maraming kababaihan ang ginamit ni Fiora noon lalo na't noong unang panahon, sadyang higit na malalakas talaga ang mga kakaihan kaysa sa mga kalalakihan.

Magaling sa salita si Fiora at kaya ka niyang bilugin gamit ang kanyang boses na siyang dahilan ng malawakang pag-aalsa ng mga kababaihan noon.

Hindi ito nagustuhan ng mga Diyos at Diyosa kaya isinumpa siya na makatulog habang buhay.

Pero ng dahil sa pagkakaroon ng problema sa kalawakan na siyang isa sa mga dahilan kung nakit muling nabuhay si Edelyn sa lugar na ito, nasira ang sumpa at nagising muli si Fiora sa mahabang pagkakahimbing.

Habang ang mga Diyos at Diyosa ay walang magawa sa ngayon dahil hindi sila makapagbukas ng portal papunta sa lugar nila Edelyn. Isa ito sa mga naging epekto ng malawakang pagkasira ng kalawakan na napipintong mangyari ano mang oras.

Walang alam sa mga ito si Edelyn at wala rin siyang alam kung bakit nabuhay siyang muli. Sinabayan niya lang ang agos ng kanyang buhay mula ng mabuhay siyang muli at hindi na nag-imbistiga pa kung bakit iyon nangyari sa kanya.

May apoy na kulay itim at pula sa paligid ni Fiora habang nakangisi siya at tinitingnan ang mga tao na nakahandusay na parang walang buhay.

Hindi man lang nangdiri o nagsisi si Fiora sa ginawa bagkus ay tinawanan niya pa ito ng malakas.

Sa mga oras na ito, hindi niya alam na may gising pa sa mga tao na nasa kanyang paligid lalo na't hindi naapektuhan ang mga tao sa Feminist Kingdom.

Ganoon pa man, hindi nag-take risk si Edelyn at tinanggal niya ang bisa ng mga singsing na nakakapagbukas ng portal mula sa lugar na ito hanggang sa Feminist Kingdom.

Ayaw niyang madamay ang iba lalo na't alam niyang siya lamang ang makakatalo sa kanyang kalaban.

Sinamantala ni Edelyn ang pagwawalang bahala ni Fiora sa kanyang paligid at gumawa ng malaking bolang puti.

Hinagis niya ito sa dereksyon ni Fiora pero bago pa ito tumama sa kanya, ilang metro lang ang layo, biglang nawala na parang bula sa kanyang kinalalagyan si Fiora.

Biglang sa isang iglap, nasa harapan niya na kaagad ito at ginamit ang kanyang espada para patamaan si Edelyn.

Kung hindi lang mabilid ang pagalaw ni Edelyn ay malamang sa malamang, ang ulo niya ay nasa sahig na.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ka tinablan ng Sleeping Curse kasama ng Spiritual beast mo gayong mukha ka namang lampa. Isa pa, isang ninth grade spiritual beast lang itong Blazing Blur Ice Phoenix mo," tila isang maliit na langgam lang ang tingin ni Fiora kay Edelyn.

Nabasa ito ni Edelyn mula sa kanyang mata pero imbis na magalit dahil sa pagmamaliit nito sa kanya, mas lalo lang siyang nasabik lalo na't alam niyang hindi pa muna gagamit ng malalakas na atake si Fiora.

Aminin man niya o hindi, hindi siys sigurado kung matatalo niya ba si Fiora.

Alam niya sa sarili niyang hindi niya pa perpekto ang totoong lakas ng Triple Visza Birthmark niya kaya medyo wala siyang confidence sa laban na ito.

Isa sa kinakatakot niya, tila may teleportation power ito o kaya naman ay speed power na siyang delikado sa kanya.

Pumorma si Edelyn at tiningnan si Fiora na tila naghahamon pero nginisian lang siya ni Fiora.

"Lalabanan mo ako? Sa tingin mo ba kaya mo ako? Isa ka lang hampaslupa pero nagnanais kang matalo ako. Masyado atang mataas ang pangarap mo," nang-aasar na saad ni Fiora.

Hindi sumagot si Edelyn ay mabilis na sumugod kay Fiora. Ilang sandali lang ay gumalaw din si Blue ag nagpalabas ng napakaraming Yelo mula sa kanyang katawan.

Sabay na umatake ang dalawa at pinagdarasal na sana isa man lang sa kanila ay makatama ng malakas kay Fiora.

Pero gaya kanina, nawala lang ito na parang bula at ang kanilang atake ay natanggap nilang dalawa.

Parehong tumalsik ng napakalayo ang dalawa at parehong nagsuka ng dugo. Hindi nila inakalang masyadong tuso ang kalaban.

Pero ang kinaganda noon ay alam na nilang isang teleportation power ang gamit ni Fiora para iwasan ang atakeng iyon.

Tinawanan silang muli ni Fiora at tiningnan ng nakaka-insultong itsura.

Pero kahit anong gawing pang-aasar ni Fiora sa kanila. Pareho silang nanatiling kalmado dahil alam nilang sa oras na mawala ang kanilang tino at gumalaw ng dahil sa galit, mawawalan ng silbi ang sakripisyo ng maraming taong lumaban sa kampon ni Fiora.

Tumayo ang dalawa at si Edelyn ay pinunasan ang kanyang labing puno ng dugo habang si Blue naman ay dinura ang natitirang dugo sa kanyang bibig.

"Blue, hindi tayo pwedeng matalo sa laban na ito. Nakasalalay ang maraming buhay sa labanang ito. St kung natalo tayo, katapusan na ng planeta natin pati na rin ang iba pang planeta lalo na't masyadong malakas ang kapangyarihan ni Fiora," saad ni Edelyn sa isip tinanguan lang siya ni Blue bilang sagot.

Sa aura pa lang ni Fiorz halata mo na lang lakas niyang taglay. Tila sinasabi niyang 'wag kayong humarang sa dadaanan ko kung ayaw niyong mamatay' masyado ring arogante ang kanyang galaw na tila sigurado na siya na magtatagumpay na siya.

Isang malaking himala para sa kanyang nasira ang Sumpa ng mga Diyos at Diyosa sa kanya. Idagdag mo pa ang kanyang pagiging immortal simula pa noon kaya iniisip niyang pinagpipilitan lang dalawa ang kamatayan nila ng maaga.

"Huwag mo kaming maliiting Fiora. Naka hindi mo alam, ang iniisip mong langgam na ito ang siyang magpapabagsak sa iyo," malamig na sabi ni Edelyn.

--*--

Ybrehl

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now