4: The King

5.8K 308 17
                                    

"Lets get rid of this poison,"

-Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 4: Ang Hari

Nagising sa pagkakatulog si Edelyn ng masakit ang ulo. Ramdam niya pa rin ang panghihina dahil na rin sa lason na nasa loob ng katawan niya. "Mahal na prinsesa!" Agad siyang inalalayan ni Jen na maka-upo ng maayos.

"Mahal na prinsesa, inimbita kayo ng mahal na Hari sa isang pagdiriwang. Kailangan niyo na pong maghanda lalo na't malapit ng magsimula ang pagdiriwang," nag-aalalang sabi ni Jen.

"Kung gano'n maghanda na tayo para sa pagdiriwang na iyan," saad ni Edelyn. Mabilis naman siyang inayusan ni Jen saka sila nagmadaling pumunta sa Main Castle. Ramdam na ramdam ni Edelyn ang hilo pero kinaya niya pa rin ang makapasok sa loob.

Agad siyang hinatid ni Jen sa lugar kung saan nag-iistay ang mga kababaihan na lahat ay magaganda ang kasuotan. Ang problema nga lang, lahat ay pawang nakatayo at nag-uusap lang. Wala siyang makitang pagkain o kaya naman upuan at lamesa. Siksikan pa sa loob pero kaya naman niyang makahinga ng maayos.

Samantalang ang kalalakihan naman ay tanaw sa kabilang kwarto na may mga pagkain na nakahanda sa mga lamesa nila at napakalaki pa ng espasyo nila. Kumportableng-komportable sa kinalalagyan niya.

"Hindi ba tayo pwedeng umupo?" Tanong ni Edelyn. "Ikaw pala, ikalabing lima, hindi ko inaakala na inimbita ka dito. Hindi mo nga pala alam ang patakaran ng mga ganitong pagdiriwang hindi ba? Hindi na ako nagtataka," ngising sabi ng kanyang kapatid na babae.

"Ika-ipito, bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?" Malumanay niyang tanong.

"Hindi tayo pwedeng umupo hanggat hindi tapos ang pagdiriwang. Makakakain lang tayo kapag natapos ng kumain ang mga kalalakihan. Palibhasa kasi, hindi ka pa nakakadalo ng pagdiriwang kaya hindi mo alam," ngising sabi ng ikaw pito niyang kapatid.

Hindi na lang pumatol si Edelyn dahil na rin sa pagod ang kanyang katawan at nanghihina pa siya. "Prinsesa Edelyn. Pinapatawag kayo sa labas ng mahal na Hari," biglang saad ng isang knight ng palasyo sa kanya. Agad siyang sumunod sa kabalyero at doon ay hinarap siya sa harap ng trono ng hari.

"Parangal sa kataas-taasang kamahalan," nag-bow pinaghawak niya ang mga kamay niya at pinantay sa kanyang dibdib saka lumuhod sa harap ng trono.

Nasa dulo siya ng mataas na hagdan na may 50 steps ang taas.

"Do you even know why did I summon you here? Oh I forgot that you can't even understand English!" Nagtawanan ang lahat ng nasa loob. Hindi naman sa pinagbawal sa mga kababaihan ang matuto ng English. Ang problema ay ang magtuturo. Lalaki lang ang nakaka-alam sa English. Dahil nga sa tinuturing na mababang uri ng tao ang mga kababaihan kaya walang lalaki ang nagturo sa kanila na gamitin ang lengwaheng iyon.

"I certainly did not know your highness. It is your first time to let me join banquets that you made," mahinang saad ni Edelyn. Nanlaki naman ang mata ng lahat ng nasa pagdiriwang. Hindi nila inakalang maiintindihan iyon ni Edelyn at masasagot din ng Maayos gamit ang English.

"Pinadala kita sa pagdiriwang na ito para sabihin na simula ngayon, titira ka na sa West Mansion," malamig na saad ng hari. Agad na magbulungan ang lahat dahil sa narinig.

Ang West Mansiin ay isang bahay na hindi mo matuturing na mismong bahay. Mas luma, mas sira at mas nakakatakot ito kumpara sa mansion kung saan siya nakatira ngayon. Kung luma at sira na ang 15th Princess Mansion, mas malala ang magiging kalagayan nila doon.

"Kung iyan ang makapagpapasaya sa inyo, doon na ako titira," saad ni Edelyn.

"Kung nagkakaintindihan tayo, pwede ka ng umalis para makapag-impake ka ng gamit mo," malamig na saad ng Hari. Nag-bow muli si Edelyn bago lumabas ng Venue. Doon at nakita niya si Jen na nag-abang sa kanya.

"Mahal na Prinsesa! Ang aga niyo namang lumabas," nag-aalalang saad ni Jen.

"Lilipat tayo ng West Mansion," nanghihinang sabi ni Edelyn.

"Mahal na Prinsesa, ba-bakit po?" Nag-aalalang saad ni Jen.

"Hayaan mo na, bumalik na tayo sa Mansion," saad muli ni Edelyn.

Sa sobrang panghihina ng katawan ni Edelyn dahil na rin sa matinding lason na nasa loob ng katawan niya, bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Nanlaki naman ang mata ni Jen ng makita ang Blue Phoenix na biglang lumapag sa harap nila. Tiningnan niya ang paligid at kahit may tao, parang wala silang napapansin.

"Hanggat hindi ako pinalalabas ni Master, hindi ako makikita ng kahit sino. Sumakay na kayo at ihahatid ko kayo sa 15th Mansion," malamig na saad ni Blue. Mabilis namang umalalay si Jen para mailagay ang katawan ni Edelyn sa Phoenix.

Habang lumilipad sila kasama ng Phoenix ay napansin ni Jen na nagbago ang kulay ng buhok ni Edelyn. Mula sa kulay itim naging kulay Lila ito. Mas kumutis ang kulay ni Edelyn at napapansin niya na literal na naggo-glow ang balat niya.

Manghang-mangha naman si Jem dahil sa nakikita. "'Yan ang nagiging epekto ng paglapit ko kay Master. Sadyang pwede niyang gawing ilaw ang sarili niya lalo na kung malapit lang siya sa akin. Maaari ring mabilis na bumalik ang lakas niya lalo na't malakas ang bond namin," paliwanag ni Blue. Unti-unti ay nagising si Edelyn at napansin kaagad na lumilipad.

"Maaasahan ka talaga Blue. Kahit papaano ay nadadagdagan ang lakas ko habang nakasakay sa iyo," malumanay na saad ni Edelyn.

"Master, malapit na po tayo sa 15th Masion," saad ni Blue.

Ilang sandali lang ay lumapag sila sa open area ng 15th Mansion at saka doon na sila bumaba. "Jen, mag-impake ka na ng mga gamit natin. Hahanap lang ako ng lunas dito sa nararamdaman ko. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kitang maglipat ng mga iyan. Habang wala ako, wala kang papapasukin na kahit sino, maliwanag ba?" Tumango naman si Jen bilang sagot.

Pinalipad muli ni Edelyn si Blue kaya agad na binilisan ni Blue ang paglipad. Lumilipad na ang buhok ni Edelyn dahil na rin sa lakas ng hampas ng hangin. "Saan tayo ngayon Master?" Tanong ni Blue.

"Lets get rid of this poison," utos ni Edelyn. Alam na kaagad ni Blue kung saan sila tutungo.

--*--

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon