23: Jen

4K 186 13
                                    

"Ang dami na pala talagang nagbago,"

Jen

Kabanata 23: Jen

Kalahating taon ang lumipas pero wala pa ring lumalapit na Hari kay Edelyn. Pero siya naman ay nabalik na ang dating kurba ng kanyang katawan. Nakakaya niya na ring gawin ang mga stunts na kaya niyanv gawin nung siya pa si Shade Dale. Sa ngayon ay nasa libingan siya ni Jen.

Kasama niya si White at Blue. Nakaupo siya ngayon sa isang magic circle na may iba't iba ang kulay. Naka-indian sit siya sa gitna nito at nakapikit habang nagcha-chant ng spell na gagamitin. Ilang oras na siyang nasa loob at wala kahit isang tao ang umiistorbo sa kanya. Hanggang sa bigla na lang nabasag ang mga gamit sa paligid.

Isang malakas na hangin ang pumalibot sa kanila pero nilabanan ng dalawa ang pwersa para hindi sila tangayin. Habang si Edelyn, parang wala lang sa kanya ang pwersa na nasa paligid. Nabasag na rin ang salaming kabaong ni Jen at unti-unti itong lumutang. Ang puti nitong damit na napakahaba ay unti-unting binalot ang buong katawan nito.

Ilang sandali pa ay may mga maliliit na ilaw ang sumulpot sa gitna ng magic Circle. Umikot ito sa nakabalot na katawan ni Jen. Ilang minuto ang lumipas ng humupa na ang lahat ng pwersa sa paligid at unti-unting bumaba ang katawan ni Jen. Doon ay bumukas ang mata ni Edelyn. Umiilaw ang kanyang mata kahit pa ang katawan niya. Bumuka ang isang asul na pakpak na may desenyong pula, puti, luntian, at tsokolate. Napakaganda ng buong pakpak na kahit si White at Blue ay namangha rin.

"Na-nasaan ako?" Isang tinig ang narinig nilang tatlo na labis na nagpasaya kay Edelyn. Tiniklop niya ang pakpak at mabilis na pinuntahan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang iba kun'di si Jen. Mas nagulat si Jen ng mag pares ng braso ang sumalubong sa kanya.

"Ate..." Napaiyak na lang si Edelyn dahil sa nagtagumpay siya. Nabuhay niya ang taong pinakamahalaga sa kanya.

"Nasaan tayo, mahal na prinsesa?" Nagtatakang tanong ni Jen. "Ate, hindi na mahalaga kung nasaan tayo, ang tanong ko lang ay kung handa pa rin kayo na pagsilbihan ako," ngiting tanong ni Edelyn.

"Mahal na prinsesa, alam niyo na ang sagot diyan. Oo naman po, isa pa masyado na akong swerte dahil pinagtanggol niyo ako sa inyong Ama. Pero, mahal na prinsesa, nasaan po bs tayo ngayon?" Tanong ni Jen.

"Nasa Feminist Kingdom tayo Ate, ang kaharian na puro babae ang namumuno. Ang lugar na pantay ang tingin sa babae at lalaki," ngiting sabi ni Edelyn. Pumalakpak ng malakas si Edelyn at mayamaya lang ay pumasok ang tatlong babaeng servant. "Pakisabihan ang taga-ayos ng mga kwarto na ipagawa ang kwartong ito, at dalhin niyo siya sa kwarto na katabi ng kwarto ko," utos ni Edelyn. Mabilis na nag-bow ang tatlo at saka inalalayan ng tatlo si Jen.

--*--

"Te-teka, saan niyo ako dadalhin?" Nagtatakang saad ni Jen. "Dadalhin ka namin sa kwarto mo," ngitinv sabi ng isa sa mga babae.

Wala namang nagawa si Jen at sumunod sa tatlo. Mayamaya ay dumating sila sa kwarto na sinasabi niya. Pagbukas pa lang ay malalaman mong malaki talaga ito. "Masyado itong malaki para sa akin," saad ni Jen.

"Nako, mas malaki lang nag kaunti ang kwarto mo sa kwarto namin. Lahat ng kwarto dito ng mga naglilingod sa loob ng palasyo ay may ganito kalaking kwarto. Lahat ng mga gamit dito ay pwedeng gamitin ng sino man. Pwede kang magpahinga at magbuhay marangya basta matapos mo ang iyong trabaho at maayos na maibalik ang mga ito. Lahat din ng naglilingod ay nabibigyan ng sweldo kada buwan. Kaya nakakaipon kami para sa aming sarili at makakabili kami ng kahit ano," sabi ng isa sa kasama niya.

"Tama siya, kaya ayos lang sa aking maging alipin dito lalo na't trinatrato nila kami ng mabuti. Kakaunti lang ang lalaki dito at madalas na galing sa kaharian ng Jorfa," dagdag ng isa pa.

"Lahat ng lalaki sa Jorfa ay may respeto sa lahi ng mga babad kaya ayos lang na pumunta sila dito," ngiting sabi ng isa pa. "Oh paano, iwan ka na namin," doon na nga umalis ang tatlo. Nilibot naman ni Jen ang buong paligid.

Nakakita siya ng damit at doon ay naalala niya ang itsura ng damit ng tatlo. Katulad ng damit na nasa loob ng cabinet. Nung una ay nahihiya pa sihang isuot ito lalo na't kits ang kanyang binti at braso. Pero nang may boses na biglang nagsalita sa likod ay naguluhan siya.

"Bagay sa iyo ang damit mo sayo Ate," ngiting sabi ni Edelyn. "Mahal na prinsesa, masyadong kita ang aking balat," nahihiyang sabi ni Jen.

"Iyan ang kasuotan dito, Ate. Isa pa, wala namang papansin sa iyo dahil halos lahat ay ganyan ang suot. Minsan na lang magsuot ng damit na katulad ng dati nating suot, Ate," ngiting paliwanag ni Edelyn.

"Anim na taon na ang lumipas Ate, wag kayong mag-alala dahil masasanay ka rin sa lugar na ito. Sa ngayon, msy magtuturo sa iyo ng mga patakaran dito para maging maayos ang lahat," isang sandali lang ay may pumasok na isang babae. Nag-bow ito kay Edelyn saka pumunta sa likod ni Jen.

"Turuan mo siya ng mga bagay na kailangan niyang matutunan, Estelle, at kapag maayos mong nagawa ang pinagagawa mo, alam mo na ang susunod," ngumiti naman si Estelle saka nag-bow ulit at hinila si Jen.

"Uhm, ikaw si Estelle hindi ba?" Tumango naman si Estelle.

"Ano yung katayuan dito ng mahal na prinsesa Edelyn?" Tanong ni Jen.

"Hindi na siya Prinsesa ng Ferior Kingdom. Siya ang Reyna ng buong Feminist Kingdom. Siya ang nagpatayo at nagpalago ng kahariang ito kung saan maaaring mabuhay ng masaya ang mga kababaihan. Tinakas niya ang lahat ng babae sa ibang kaharian at ginawang mamamayan dito. Siya ang nagturo sa mga babae na maipalabas ang mga kapangyarihan natin," paliwanag ni Estelle.

"Kapangyarihan? Msy kapangyarihan tayo?" Gulat na tanong ni Jen. "Oo at isa akong Metal, Thunder at Air Elementalist. Mas madaling tawaging sa triple Elementalist. Isa pa lang akong Grade 3 Triple Elementalist dahil nag-aaral pa ako para sa susunod kong paglelevel up," paliwanag ni Estelle.

"Ang dami na pala talagang nagbago," sabi ni Jen sa sarili.

--*--

Sorry for late publish

-Ybrehl

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now