17: Talk

4.4K 220 1
                                    

"Pumasok muna kayo, baka may makakita sa inyo,"

Darren Sidd Fugoso

Kabanata 17: Pag-uusap

Lumipas ang isang buwan ay mas tumatag ang Feminist Kingdom. Marami na ang mga babae na nagkakaroon ng kapangyarihan at karamihan sa kanila ay nalalagpasan na ang mga ordinaryong lalaki. Isa silang late bloomer kaya marami sa kanila ang talagang malalakas.

Tumutulong si Geoffrey sa Academy doon ay nagtuturo siya ng mga basic Martial Arts.

Marami sa mga ang buntis ng mailigtas sa kanila. Karamihan ay puro nagahasa. Ganoon katindi ang mga lalaki sa labas ng Kaharian. Para sa kanila, isa lamang laruan o kaya naman ay parausan ang mga babae. Ngayon ay nasa loob ng kanyang kwarto si Edelyn habang inaayos ang kanyang suot. Babalik siya sa nasasakupan ng kaharian ng Ferior ngayon. Gusto niyang malaman kung paano nga ba umaaksyon ang kanyang Ama sa nangyayari ngayon.

Unubos niya ang lahat ng babae sa Ferior sa loob lamang ng 1 buwan. Lahat ng binibiling babae ng kanyang Ama ay napupunta lang sa kanyang lupain.

Mabilis kung kumilos si Edelyn. Wala siyang sinasayang na oras para mailigtas ang lahat ng mga kababaihan. Hanggat maaari, higit sa isang libo ang kailangan nilang makuha sa loob ng isang araw. Minsan ay nagagawa nila minsan naman ay hindi.

Sinumon niya si Blue saka ito sinakyan. Pumunta sila sa langit saka niya doon binuksan ang portal. Dumiretso kaagad siya sa kaniyang lupain na ngayon ay Secluded Area na. Ang lahat ng nandito ay naga-undergo pa para makapasok sa kanilang kaharian.

Bago ka makapasok sa Feminist Kingdom, kakailanganin mo munang mangako ng iyong katapatan bilang isang mamamayan ng Feminist. Kapag trinaydor mo ang kaharian lalo na ang Reyna, mamamatay ka na lang bigla.

Kapalit naman ng pangakong iyon na magiging tahimik ang buhay mo. Makakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, makakahawak ka ng pera, at magagawa mo ng malaya ang ano mang gustuhin mo. Kaya marami na ang nanunumpa dito dahil na rin sa magandang offer.

Napakasimple lang ng hiling karamihan sa mga nanunumpa, iyon ay ang maging malaya. Kung tutuusin, kakaunti lang ang pumili ng pagiging maharlika. Karamihan ay gustong maging isang tindero o tindera. Ang iba ay gusto talagang magsimula sa pinakadulo hanggang pinakataas.

Lahat naman ay pinagkalatiwalaan ni Edelyn. Bakit? Kasi hawak niya ang buhay ng lahat. Hanggang ngayon ay hindi niys pa rin alam sng dahilan kung bakit siya nandito sa lugar na ito. Hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang kasagutan pero hangga't hindi niya pa alam, mananatili siya dito at aayusin ang lahat ng mga nangyayaring kaguluhan.

Alam niya na may magagawa siya bilang isang babae. Ipaglalaban niya ang karapatan niya kahit ano pa ang mangyari. "May problema ba Master?" Tanong ni Blue.

"Iniisip ko lang kung bakit ako napunta dito. O kung bakit namatay ako ng hindi inaasahan. Hanggang ngayon nangangapa pa rin ako," sagot ni Edelyn. "Alam kong malalaman niyo rin iyon Master, ikaw pa? Isa pa malakas kayo, alam kong kung ano man ang dahilan kung bakit ka nandito, magagawa mo iyon," saad ni Blue.

Nagpatuloy sila sa paglipad hanggang sa nakalabas na sila sa lupain niya bilang Shade Dale. Pinagmasdan niya ang paligid habang lumilipad. Kitang-kita niya sa taas na maraming kaguluhang nangyayari sa baba. Nagpalabas siya ng maliit na yelo sa kamay saka ito isa-isang pinababa.

"Anong ako? Kayo ang naatasan sa gawaing iyan. Wag nga kayong msgreklamo!"

"Hoy! Wag mo nga akong sigawan ng ganyan!"

Napangisi siya ng makita na nagkakagulo ang lahat ng mga kalalakihan. Nagtuturuan sila kung sino nga ba ang gagawa ng mga gawain ng mga kababaihan noon. Halos lahat kasi sila ay hindi alam kung paano gawin ang mga ito.

Walang may ideya kung paano ito ginagalaw ngga kababaihan
Ultimo pagkain nila, hindi nila kayang lutuin o ang pagtanim ng mga ito. Lahat ay nahihirapan dahil na rin sa nangyayaring dilemma sa lugar.

Lumipad siyang muli papunta sa West Mansion. Gaya ng inaasahan, marami pa ring gamit dito. May Barrier ang dalawang Mansion na tanging mas mataas lang sa Legendary 10 Grade Summoners. Nagkataon naman napaka-rare ng katulad niya dito kaya walang nakalabasag ng Barrier na ito.

Kinuha niya ang space ring saka kinuha ang lahat ng gamit sa loob. Nilagay niya sa loob ng space ring ang mga ito saka umalis. Naglagay siya ng illusion sa harap ng West Masion kung saan, punong-puno ng pagkain ang kanilang bakuran.

Napangisi siya dahul gusto niya talagang paglaruan ang kanyang Ama. Sa totoo lang, hindi man lang siya nakaramdam ng konsensya sa ginagawa. Mas gusto niya pang mas pahirapan ito para maging entertainment niya.

"Blue, ibigay mo ang space ring na ito sa Imperial Secretary. Pakisabi sa kanya na itago ito dahil kukunin ko ang space ring na iyan sa susunod na linggo," utos ni Edelyn. Agad namang kinuha ni Blue gamit ang kanyang tuka ang Space Ring bago tuluyang umalis.

Ang kaninang lilang buhok ni Edelyn ay unti-unting naging kulay Black ulit. Mabilis niyang si-nummon si White at inutusang ilabas ang kanyang pakpak. Nagbihis siya biglang Edelyn ulit dahil nagbago ang isip niya na magpakita ngayon bilang Shade Dale.

Sinakyan niya si White kaya lumipad na kaagad ito. "Saan tayo, Master?" Magalang na tanong ni White.

"Pumunta tayo sa bintana ng kwarto ni Kuya Darren, gusto ko siyang makausap," sagot ni Edelyn. Mabilis namang tinungo ni White ang dereksyon papunta sa Kaharian ng Ferior. Maiingat siyang lumipad hanggang sa marating nila ang lugar.

Gumawa ng maliliit na yelo si Edelyn saka ito binato sa bintana ng kapatid. Isa... Dalawa... Tatlo... Hanggang sa nagbukas na nga ang bintana. "Sino ba iyang nagbaba..." Nakita ni Edelyn ang pagkagulat sa mukha ng kapatid. "...to ng bato," pagtuloy ni Darren sa sinasabi.

Napatawa ng kaunti si Edelyn dahil na rin sa naging reaksyon ng kapatid. Tinodo ni Darren ang pagkakabukas ng bintana saka gumilid. "Pumasok muna kayo, baka may makakita sa inyo," mabilis na saad ni Darren. Lumapit si Edelyn sa bintana saka umapak sa railing.

Muntik ng mahulog si Edelyn dahil natapakan niya ang kanyang gown. Mabuti na lang ay nahila siya ni Darren papasok ng Kwarto.

--*--

Upsree update today hintayin niyo mamaya yung iba pang update ko sa mga ongoing stories ko.

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now