24: Attack

3.9K 196 6
                                    

"Dahil hindi matatapos ang away sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan kung patuloy tayong magtatanim ng sama ng loob sa kanila. Kailangang may isang magpakumbaba para maayos na ang napakatagal ng away dahil sa totoo lang, nakakasawa na,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 24: Paglusob

Ilang buwan na ang lumipas simula ng mabuhay ulit si Jen. Nasa trono ngayon ng kanyang kaharian si Edelyn ng biglsng pumasok ang taga anunsyo saka malakas na sumigaw. "King Kevin of Jorfa Kingdom and King Zai of Koryo are asking for audience," mabilis namang pinapasok ni Edelyn ang mga ito. "Queen Edelyn, did I bothered you?" Magalang na tanong ni King Kevin. "Not really, I'm not busy at all," ngiting sabi ni Edelyn. "How may I both help you?" Dagdag na tanong ni Edelyn.

"Paano ka naging fluent sa ingles? Walang kahit sinong babae ang may alam kung paano salitain," takang tanong ni Haring Zai."Hindi kasi lahat ng lalaki, ayaw sa babae, Ama," napalingon naman si Haring Zai at nakita ang anak na babae. Napakasimple lang bg suot nito. Isang mahabang bestida na walang caroline cage.

Napakasimple lang din ng headdresser nito pero angat ang ganda. "Ashley? Ikaw pala, may kailangan ka?" Takang tanong ni Edelyn. "May nagsabi sa akin na nandito raw ang aking Ama kaya pumunta ako," ngiting sabi ni Ashley.

"Father, just like whst I have been said, not all the men are cruel just like you. For example, King Kevin, Prince Darren and of course, Prince Geoffey which is my half brother," nagulat si King Zai ng makita ang anak na babaeng pinahanap niya sa isa pang anak. Nang maka-recover, mabilis na umatake si King Zai sa kanya. Pero hindi umalis ng pwesto si Ashley at gumawa lang ng isang solid Water Shield.

"Isa akong Grade 7 Triple Elementalist major in Water, Fire, Earth. Walang laban ang mga atake niyo, Ama," ngiting sabi ni Ashley. Nanlaki ang mga mata ni king Zai at hindi makapaniwala sa nangyari. Ngumisi lang si Edelyn saka bumaba sa kanyang trono. "Eunuch, ask prince Geoffrey to audience here, his Father is waiting for him," yun na ang huling salita ni Edelyn bago umalis.

--*--

Kasama si Jen, pumunta si Edelyn sa Library, para tingnan ang isang bagay. Kailangan niya pa ring maghanda dahil alam niya, na may malaking delubyo ang paparating. "Kailangan na ata nating gawin ang planong ito," seryosong saad ni Edelyn.

Nagtataka naman si Jen sa ikinikilos ni Edelyn pero hindi na siya nagtanong pa.

--*--

Ilang araw lang ang lumipas, naging maayos na ang relasyon nila King Zai at Prince Geoffrey. Nakipag-tulungan na rin sila sa totoong pakay nila. Lahat ay naghahanda na para sa malakimg delubyo ng kanilang buhay kahit pa si Edelyn ay hindi magkanda-ugaga sa sobrang dami niyang dapat gawin.

Hindi niya alam pero, pakiramdam niya, malapit ng mangyari ang kinakatakutan niyang mangyari.

Nagbabasa siya ng mga papeles ng biglang sumakit ang ulo niya. Naramdaman din ito ni White at Blue kaya lumabas silang dalawa sa gilid ni Edelyn at nag-anyong maliit. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Blue tumango naman si Edelyn kahit hindi.

"Mukhang pangitain ang nararamdaman mo," seryoso namang saad ni White. Biglang gumalaw ang lahat sa paligid kasabay ng pagbukas ng pinto ng kanyang Opisina.

"Mahal na Reyna, ang iba't ibang kaharian sa labas maliban sa kaharian natin, sa Koryo, at Jorfa, lahat nilululsob ng hindi namin malaman-lamang hukbo. Sila lang naman ang mga kahariang hindi sumang-ayos sa inyo," saad ng babaeng nagbukas ng pinto.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, hatiin niyo ang ating hukbo at magtira para magbantay sa ating kaharian, ipadala niyo kaagad sa lugar nila," seryosong saad ni Edelyn.

"Pero mahal na Reyna, bakit niyo sila tutulungan?" Nagtatakang tanong ng babaeng nasa harap niya.

"Dahil hindi matatapos ang away sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan kung patuloy tayong magtatanim ng sama ng loob sa kanila. Kailangang may isang magpakumbaba para maayos na ang napakatagal ng away dahil sa totoo lang, nakakasawa na," malumanay ngunit malamang saad ni Edelyn.

Tila natauhan naman ang babae kaya mabilis siyang lumabas at ginawa ang utos ni Edelyn. "White, Blue aalis tayo. Titingnan natin ang kalagayan ng lahat," tumango naman ang dalawa saka lumabas sila sa balkonahe. Sumakay si Edelyn kay Blue at pumunta muna sa Jorfa. Doon nakita niya si King Kevin na nag-uutos din sa mga tauhan niyang tumulong sa ibang kaharian.

"Ikaw pala, mahal na Reyna anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Takang tanong ni King Kevin.

"Tama ka, walang patutunguhan kung magpapataasan ng pride ang bawat isa. Ang gusto kong mangyari ngayon ay ang maging pantay ang lahat sa paningin ng lahat. Ayoko ng tratuhin ang kapwa ko babae na parang isang basura. Gusto kong magbago ang tingin ng bawat kalalakihan sa min. Na kaya naming makipaglaban ng harapan sa lahat ng kalaban kasama ng mga kalalakihan," walang pag-aalinlangang sinabi ni Edelyn.

Ngumiti naman ai King Kevin kay Edelyn. "Kakaiba ka talaga," pinatawag nila ang Koryo para sa isang malaking pagpupulong. Dahil sa ang tatlong kaharian lang na ito ang nakapaghanda sa delubyong ito, kaya sila rin ang tutulong sa lahat.

Wala pa silang alam kung sino ang kalaban kaya medyo nababahala sila kung tama lang ba ang kanilang paghahanda. Pero hindi naman sila nawalan ng pag-asa dahil alam nilang ang pagtutulungan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Lahat ay handang tumulong at handang mag-alay ng buhay para sa inaasam na kapayapaan ang pagiging pantay. Babae man o lalaki, lahat sila ay dumating sa pagpupulong sa kaharian ng Feminist ng may paninindigang maaayos nilang ang lahat sa pagtutulungan.

Lahat ng tao na nasa pagpupulong ay tanggap ng makikipagtulungan sila sa mga kababaihan. Alam na rin ng bawat isa na hindi dapat maliitin ang mga kababaihan dahil isa sa kanila ay nakapagpatayo ng malakas na kaharian at nakapag-training ng malalakas na kababaihan. Kaya tumaas ng isang lebel ang kanang respeto sa mga babae.

Ngayon, nagsama-sama sila para sa isang misyon. Iyon ay ang protektahan ang lahat sa kamay ng kalaban.

--*--

May binago aki ng kaunti sa ibang chapters sa itaas dahil na rin sa hindi aakma sa mga idea ko kung itutuloy ko iyon.

Ybrehl

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now