I can really see na he's eager to ask me questions. Ano ba kasi yung mga itatanong niya? Ganun ba ka-importante yun? I sighed. "Fine." sabe ko. He nodded.

Umorder nalang kami ng pagkain namin. Okay narin to, libre dinner.

"So now, pwede ko na ba malaman kung ano paguusapan naten?" tanong ko. He looked at me straight in the eye. I gulped. Kakaiba ang tingin niya. He looks like a very strict and fearless man. Mali pala ako. Iba siya kay Jiro.

"It's about you and Jiro." sabe niya. Biglang sumeryoso ang mukha ko. Bakit ba pilit na binabalik ang topic na yan?

"Bakit? Matagal na kaming hiwalay. TAPOS na kami. Wala ng kami. Ano pa bang gusto mong linawin?" inis kong sabe.

"Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa inyo. Kung ano nangyari at kung bakit kayo naghiwalay." seryoso niyang sabe. Biglang nanikip ang dibdib ko. Bwiset! Kailangan ko nanaman balikan lahat.

"He cheated on me. That's it." malamig kong sabe. He closed his eyes. I heard him sighed and open his eyes.

"Yun ang gusto kong malaman. Kung bakit siya nagloko."

Kumunot ang noo ko. "Bakit sakin mo tinatanong yan? Hindi ba dapat sa kanya? Siya ang nagloko at hindi ako."

"I just want to ask, why do you think Jiro cheated on you?" natigilan naman ako sa tanong niya.

"Why, you asked? Simple lang, dahil hindi niya talaga ako mahal." malungkot kong sabe. I tried to hide this feelings, but I can't.

I'm not tough as they think I am. Mahina din talaga ako. Yeah, they think that I'm strong enough to change myself and endure the pain. Pero hindi nila alam na, behind my tough and strong mask is a weak and fragile girl.

"Why do you say so?" I snapped out of my thoughts. Napatingin ako sa kanya. "Kasi kung mahal niya talaga ako, he wouldn't cheat on me." malamig kong sagot. Napangiti siya sa sinabe ko at napailing.

"Hindi porket niloko ka, ay hindi ka na mahal. Atsaka, are you even sure na he really cheated on you? What if it's just a misunderstanding?" napatanga ako sa sinabe niya. Sure ba daw ako na niloko talaga ako ni Jiro?! What if misunderstanding lang daw ang lahat?! WTF?!

"Bakit, ikaw ba na makita mo ang karelasyon mo na may kahalikang iba sa kwarto niya hindi ka ba masasaktan?! Hindi mo ba iisipin na niloloko ka lang niya?! You don't know how it feels like being cheated on. Kaya don't tell me na misunderstanding lang ang lahat." galit kong sabe. Napansin kong napapatingin na samin ang mga costumers. But I don't care! Nagagalit ako! How can he say that to me?! Misunderstanding?! Lecheng misunderstanding yan!

"Calm down, Akira. I know what you feel. Kahit ba hindi ko pa yan nararanasan. Pero, you should've listened to my brothers explanation. Hindi mo dapat siya hinusgahan." I stared at him blankly.

"I don't need his explanation. Past is past. And I have moved on. Wala na akong pake sa kanya." malamig kong sagot. At napaiwas nalang ako ng tingin.

Sweet Despair Where stories live. Discover now