"Well, I like conflicts." Aniya at ngumisi.

Nagulat si Samuela doon. May kung ano sa kalooban niya ang nag-init. Hindi niya napigilan at bigla siyang ngumisi.

Mas lumawak ang ngisi ni Athos doon. Bihira ang ngiti sa mukha ng abogada. Iyon ang isa sa mga obserbasyon niya simula ng makilala niya ito.

"You look pretty when you smile. You should do that often" He said.

Agad nawala ang ngiti ni Samuela. Tumikhim siya at tinagtag ang lapis sa kanyang buhok.

"Whatever." Iyon lang ang nasabi niya sa gitna ng pagpula ng kanyang pisngi.

Hindi niya namalayan na nakangiti na din siya sa binata.

"Tsk. Cute." Bulong ni Athos at ginulo ang buhok ni Samuela.

Nagulat si Samuela doon. Walang pag-iisip na tumayo si Athos. Hinugasan nito ang baso sa sink at nilagay ito sa cabinet.

"Matulog ka na, Samuela. Kung hindi ka makatulog dahil naninibago ka pa, may gatas sa ref. Masasanay ka din. Kumatok ka lang kapag may kailangan ka. Magandang gabi." Pamamaalam ni Athos.

Lumunok si Samuela ng tuluyang magsara ang pintuan ng kwarto ni Athos. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Fuck, Samuela. You can't."

××××

Late na nagising si Samuela. Kinapa niya ang cellphone niya sa ilalim ng unan. Bumungad sa kanya ang maraming missed call mula kay Stephen.

Tinawagan niya ito.

"Babe! What the hell? Nasa police station na ko to report. I came to your house and I saw that it is empty! Hindi ka din macontact so I thought you're abducted by our enemies!" Nag-aalalang bulalas ni Stephen.

"No, I am not. I just moved from a safe house. My death threats ako. A friend secured a place for me." She whispered.

"What? Then, where are you? I will send security details for you."

"No, thanks. I hired mine last night. Don't worry about me, Stephen. Worry about yourself."

"What? I am your boyfriend. Can you tell me where are you? I will pick you up."

Umiling si Samuela at bumangon para lumabas ng kwarto.

"No, I can't. I choose not to tell anyone for my safety and yours. I will see you in the office okay? Can you hold our meeting for 3 pm? I'm gonna be late, babe." She tried to act normal.

Nilingon niya ang condo. Walang tao doon. Tahimik na. Pumunta siya sa dining.May isang plato doon na may takip.

Binuksan niya iyon. Dalawang waffle at na may chocolate syrup pa. May message din doon.

Just reheat it when you wake up. I will report for the whole day. Once you get out for work. Tyler and Pong will tail you from afar for your safety. No buts, Atty. Montecillo. -A

Napailing na lang siya doon. Hindi na talaga siya tinatanong ni Athos. He's equally stubborn. Kinagat niya ang labi at kinuha ang plato para initin sa microwave.

Wala siyang magagawa. Pong and Tyler, they are very loyal to Athos. Tahimik niyang kinain ang pancakes. This should happen a long time a ago.

Noong nasa serbisyo si Serge, gusto na nitong kumuha ng bodyguards para sa noon ay bagong attorney na kapatid.

But she insisted no. At dahil matigas ang ulo niya, walang nagawa si Serge rito. But Athos will be not shaken.

Athos is always a step ahead.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now