This Annoying Girl 5

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dj, tignan mo si Julia, ang ganda. Pero alam ko namang mas panalo ang ganda ni Kath sa paningin mo." Tinignan ko naman si Diego pero 'di siya nakatingin sa'kin. Nakatingin kay Julia. Tss. 

"Tss, huwag kang imbento." Nakita ko naman umiling siya at tumingin na sakin.

"Grabe, bro, ano ba talaga ang tipo mo na babae, ha? 'Di ka pa nagkaka-girlfriend, o." Nagseryoso na 'yung mukha niya kaya  kumunot ang noo ko.

"'Di ko talaga alam tipo ko sa babae eh. Tsaka girlfriend? Bro, 'di pa naman ako gano'n katanda para madaliin ang mga bagay bagay. Gusto ko kasi, 'pag nagka-girlfriend na ako, siya na 'yung the one. Gusto ko siya na talaga.. 'yung tipong siya 'yung magiging first and last ko." Sabi ko.

"Wow, lumabas ang romantic side mo ah. Eh bro.. si Kath ba't 'di mo i-try? Malay mo siya na pala, deny ka lang ng deny." Nanlaki mata ko. Yak!

"Seryoso ka? Malamang dinedeny ko kasi hindi naman talaga. Tsaka hindi bagay sakanya 'yung label na girlfriend at the one." Umiling si Diego.

"Talaga lang, bro ah. Sigurado ako, in the future, kakainin mo lang 'yang mga sinabi mo. Tsaka uy, masyado kang masakit magsalita, dahan dahan naman, bro. Appreciate mo nalang 'yung mga ginagawa niya.. bihira lang magkaron ng isang Kath sa buhay mo." Tumingin ako sa baba kasi masyado na nga ata akong hard.

"Naaappreciate ko naman 'yung mga efforts niya.. pero 'yung puso ko, hindi tanggap." 

"Kawawa si Kath, Dj," Bigla namang sumulpot si Khalil. Pareho kaming gulat ni Diego pero 'di nalang namin pinansin.


Edi kawawa.

Kanya kanyang ginagawa 'tong mga kaibigan ko, ako naman, biglang napatingin sa gawi nila Kath at naalala 'yung mga ginagawa niya sa'kin the past few years.



[ FLASHBACK ]

Second year High School

Kasalukuyan kaming nakikinig sa tinuturi ng teacher namin. Ang ganda kasi ng topic at kahit tamad ang maka-witness nito, talagang makikinig ka. 

At nasabi ko na bang seatmate ko si sayad? Buti nga at 'di siya nangungulit ngayon eh. Baka naman natauhan na, at sumuko narin sa wakas? Aba sana nga gano'n.

Bigla namang may pinasa na papel at sinabing idikit 'yun sa notebook namin tapos biglang nagsalita si Kath. "Dj, may glue ka?" Tumingin naman ako sakanya at binigay nalang 'yung glue ko. Ayoko magsalita eh.

Tinitignan ko lang siya habang nagdidikit.. ang cute niya. Psh. Umiwas na ako ng tingin.

Binalik na niya 'yung glue, "Salamat, sana kaya rin tayo pagdikitin niyan, 'no?" Napatingin naman ako sakanya nun. Siraulo. Kinuha ko nalang 'yung glue sakanya at tumingin sa harap.

Third year High School

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Ako lang mag-isa dahil 'di kami magkakaklase nila Diego at sa kasamaang palad, iba rin ang oras ng break time namin. Bakit uso 'yun sa high school? 'Diba pang-college lang naman 'yung iba iba 'yung break time. Tch.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon