CHAPTER TWENTY-TWO: Graduation

81 105 1
                                    

CHAPTER 22: Graduation

Ariana's POV

AFTER NINE MONTHS

For the second time, gagraduate ulit ako. Syempre sa ngalan ni Criana. Masaya ako para sa aming dalawa. Okay na kasi kami, wala akong balita sa kanya pero atleast okay kami.

Kami naman ni Briana ay magka grupo pa din pero hindi na kami ganoon kadalas magkita. Last 5 months, nahuli nina Janelle, Ruby at Jm si Aquamarine gamit ang pang malupitan nilang mga galawan. Aquamarine was a terrorist man na isa rin sa mga nanguha ng dyamante ng mga Villa. But sad to say, hindi siya ang master nila at iyon pa ang kailangan naming mahuli.

After mahuli si Aquamarine ay wala ng sumunod na nangyari. Nabubulok na ang grupo namin dahil sa kanya kanya naming gawain. Kailangan pa naming magtapos ng pag-aaral ni Jm, si Theo naman ay kailangan niyang mag handle din ng business lalo pa't CEO pala sila ng kumpanya nilang nagbebenta ng branded ng phone. Si Janelle naman ay hindi nakapag focus dahil kinailangan niyang makauwi sa Pilipinas dahil sa nabalitaang nagkasakit ang lolo nito at wala siyang choice kung hindi bantayan na muna ito. Si Ruby? Malapit na rin kami sa isa't-isa. Pero nakakalungkot lang dahil kinailangan na rin niyang bumalik sa Korea dahil sa namimiss na raw siya ng pamilya niya at kailangan siya sa family reunion nila. While si Briana? Hindi ko alam dahil wala na akong narinig na balita mula sa kaniya. Ang huli kong narinig ay may tinitrain siyang baguhan.

"Criana apo are you ready?" Sabi ni Lolo Dom. Nakangiti ito habang nakasuot ng American suit at naka sumbrero pa. Kinindatan niya ako at tumawa. Napairap naman ako nang 360°

"Bahala ka nga diyan Lolo!" Tumayo na ako sa kama ko at inayos na ang mga gamit ko. Nilagay ko na ang mga kailangan sa mini bag ko.

"Bakit? Hindi ba Criana naman ang pakilala mo sa amin? Tsaka para mas believable na ikaw nga si Criana ay tatawagin kitang Criana." Natatawang sabi niya. Napahawak pa ito sa malaki niyang tiyan na 10 taon ng buntis.

Ngumisi na lang ako at lumabas na sa aking kwarto. Oo inaangkin ko na ang kwarto tutal hindi naman na siya nakabalik eh. Bahala siya diyan. Haha! Ang emosyonal pa noong huli kaming nagtagpo.

"Ariana apo, are you ready?" Tanong ni Lola Mercy.

"This is my second time, of course I am." Nakangiting sabi ko. Nagtaas pa ako ng aking baba. Pinulupot na ni Lolo Dominic ang kanyang braso sa braso ni lola.

"Let's go!" Sabi ni Lolo. Si Lola naman ay naka white formal dress.

Palabas na sana kami ngunit may biglang pumasok.

"How about me? Hindi ko ba ma eexperience ang graduation?" Gulat na sabi niya at nag iyak-iyakan pang parang bata. "Huhuhu! Mamitaaaa! Papitooo!" Naiiyak niyang sabi.

"Criana!" Masayang sabi nina lolo at lola at nag-unahan silang makayakap sa kaniya. Dahil doon ay natumba sila. Tipid akong natawa.

Nakasuot siya ng puting dress din pero sleeveless. Hindi ito umaabot hanggang tuhod. Ang kanyang bubok ay nakatali at mahaba na rin. Brown ang kanyang buhok at may bangs siya.

"Ano ba naman yan mamita, papito!" Inis na sabi ni Criana at dahan-dahang tumayo. Tinulungan naman naming makatayo sina lolo at lola. Pagkatapos ay humarap sa akin si Criana.

"Bebey, pwede bang ako 'yung umattend sa graduation?" Nakangiting sabi niya. Tunawag niya akong bebey at iyon ang tawag talaga niya sa akin.

"Oo naman dahil ikaw naman talaga ang dapat na nandito." Sabi ko at nagulat ako noong niyakap niya at dahil doon ay nasakal ako.

"Pero sa isang kondisyon..." pinakaba ko pa siya. Tiningnan naman niya ako at tiningnan rin ako nila lolo at lola. Nakakatawa ang moment na ito ah. "Ipakilala mo ako kay Dennise as your sister. She has been a good friend to me." Nakangiti kong sabi.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon