CHAPTER SIX: WEIRD

118 132 4
                                    

ARIANA'S POV

"Ariana was my girlfriend." Jm said. Share mo lang? Oo at hindi lang ang pwede niyang isagot kay Justin. Kambal niya lang ang pwede niyang isagot kay Dennise pero mas pinili niyang sabihin ang relasyon namin.

"Hala! Edi may girlfriend ka na pala! Huhuhu! Ang swerte ng sizzy mo, CriCri!" Naiiyak ng sabi ni Dennise.

"Ano ka ba? Was nga eh, edi past. Wala na sila." Sabi ko. Wala naman na talagang kami.

"Oh yes? Oo nga 'no? Hahaha." Ang sabi niya. Nakakatawa ba 'yun? May magugulpi ako dito.

"Oh Dennise, you are living here for so many years but you are still slow in understanding English." Natawa si Justin. "So, you are her twin sis' ex?" Seryoso nang sabi ni Justin. Mukha siyang nagselos dahil inakbayan niya ako at inilapit sa kaniya.

"Yes? But that's past. It's already over. Actually, Dennise, parehas lang tayo. Hindi ko alam na triplets pala sila. Ang kilala ko lang ay si Ariana at ang ama nila." Nakangiting sabi nito.

"So your ex didn't told you about this. I'm happy that Cricri told me that she has twins." Nakangiting sabi ni Justin.

Bakit ko naman iyon sasabihin sa kanya? Magiging magulo lang dahil kilala kong tao si Jm. Kahit na lalaki pa 'yan ay chismoso at ususero siya. Magtatanong at magtatanong 'yan. Ayaw ko kasing malaman na mga spy kami.

Nakakapagtaka lang. Nakakaintindi ng tagalog itong si Justin eh wala nga sa hitsura niya ang pagiging Filipino.

"You can understand tagalog?" I asked.

"Yes. Our maid is a filipina and she taught me before. And you, you are teaching me before." Ang sabi niya ng nakangiti. Inalis na niya ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Uh, excuse me, Criana. I already have our plans. Here it is." May binigay siya sa aking papel. Nang tingnan ko ito ay sumakit ang aking mga mata. Wala akong maintindihan dahil puro formula. Hayst napakakomplilado naman ng pag-aaral ni Criana.

Nagulat ako ng bigla itong mawala sa harapan ko. Akala ko noong una ay nilipad ng hangin ngunit kinuha pala ito ni Justin.

"I'm the one who will keep this. I know that your brain might be a little mess because you don't remember this. Okay babe?" Nakangiting sabi ni Justin. Ang ganda ng kanyang ngipin at ang cute nyang ngumiti. Napakaswerte ni Criana sa kanya, sa totoo lang.

Tumango na lang ako dito. Hindi ko alam pero wala talaga ako sa mood ngayon. Maaring dahil nandito sa tabi namin si Jm.

Nagsimula na kaming kumain at uminom ng aming kape.

-

"Where is your next class?" Bulong sa akin ni Justin. Hindi ko alam kung bakit pa niya kailangang ibulong iyon dahil hindi naman 'yun sikreto. Ang dami naman niyang alam.

Ipinakita ko sa kanya ang schedule ko at nalungkot siya ng makita ito.

"We are not the same. It's okay, Ihahatid na lang kita sa next class mo." Bulong niya sa akin.

"Bakit kailangang ibulong?" Tanong ko dito. Napatingin naman sa akin ang lahat dahil medyo malakas ang pagkakasabi ko. Napangiti lang si Justin ng mapansin niyang nakatingin na ang tatlo naming kasama sa akin.

"Wala, gusto ko lang na malapit sa'yo." First time ko syang marinig ng nagtatagalog at hindi ko alam pero bagay iyon sa kanya. Ang ganda ng boses nya.

Tumango na lang ako sa kanya. Sumimangot siya ng hindi ako sumagot at bumulong ulit sa akin.

"I love you." Hindi ko alam kung bakit pero nakuryente ako sa pagkakasabi niyang iyon. Para bang nanumbalik sa akin ang kilig na naramdaman ko dati kay Jm. Pero wala na siya ekis na siya. Past na nga eh diba? Past.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Where stories live. Discover now