CHAPTER TEN: Ari and Bri

100 123 3
                                    

Chapter 10: Ari and Bri

Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ni Lola Mercedes.

"Criana apo, are you okay now?" Tanong ni lola at hinipo ang noo ko.

"Opo mamita. Keri ko naman na." Sabi ko at ngumiti. Napansin kong wala si lolo kaya tinanong ko. "Si Lolo po?" Tanong ko.

"You mean your papito?" Tanong ni lola habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

"Ah yes po." Muntik ka na, Ariana.

"He's with his amigo. By the way, rest now and later we will go to shopping, if you will recover fast." Sabi ni lola.

"Mamita I'm not sick. Nahimatay lang po ako. Itutulog ko lang po ito." Nakangiti kong sabi. Masaya siguro kung magshoshopping ako kasama si Lola.

"Okay then go to your room and take a rest." Sabi niya.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at pagbukas ko ng ilaw ay parang nakita ko ang sarili ko. Ngunit magkaiba kami ng suot na damit, may make up siya at wala ako. Pati na ang mga buhok namin ay iba, hindi pala ako iyon at ang kambal kong si... hindi ko alam.

"What's up, older sis Ari?" Sabi niya habang nakatutok ang pistol na baril sa akin. Nakahiga ito sa kama ni Criana, ginagamit niyang unan ang kaniyang kamay. Siya'y nakasuot ng longsleeves na gold at pantalon na gold. Nakakulot ang blonde niyang buhok.

Hindi ko matukoy kung si Briana ba ito, dahil alam ko namang galit siya sa akin dahil sa pagkukumpara ng ibang tao sa akin at sa kanya o si Criana ba dahil ako ay nagpapanggap bilang siya.

"Do you miss me?" Tanong niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Umikot siya sa akin at tumapat sa mukha ko. Tinapat niya sa noo ko ang baril na hawak niya.

"Una sa lahat, sino ka ba?" Inis na sabi ko. Sobra na ata ang ginagawa niyang ito. Kung si Criana man siya, ayos lang pero kung siya si Briana...

"How pathetic! It's me, Briana. Do I look like Cri--ouch!" Sabi niya. Agad ko siyang sinapak, direkta sa panga dahil sa ginawa niya sa akin.

"Alam mo? Para kang tnga! Hindi naman kita inaano diyan tinatapatan mo ako ng baril eh kung itulak ka diyan ng masamang espirito?" Inis na sabi ko sa kanya. Napahiga siya dahil sa pagkakasapak ko.

"Well it's better! Hey what a stpid of you? Nadamay pa si Criana instead of you and now you are living her life. Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Inis na sabi niya.

"Hiyang-hiya ah? Eh ikaw, wala ka na bang magawa sa buhay mo kung hindi ang kainggitan ako? Ganoon ba ako kaganda?" Inis ring sabi ko sa kanya. Kailangan ko palang kumalma dahil nandito kami sa bahay nila lola.

"Hindi ako naiinggit sa'yo 'no? Excuse me!" Tumayo siya at tinulak ako sa pinto. "Naiinis lang ako sa presence mo and the fact that you are lying because you are a liar and dinamay mo pa talaga sila Lola at Lolo. What kind of grandchild are you?" Sigaw niya.

"Apo what is happening?" Tanong ni Lola Mercedes. "Briana?" Tanong niya. Ang galing hindi siya nalito.

"Hi Lola Mercy!" Bati niya. Umayos ito at nagpanggap na parang walang nangyari.

"Hindi ka nagsabi na bibisita ka dito, Briana." Sabi ni lola at tinaasan ng kaliwang kilay si Briana. Napansin ni Lola ang baril at kinuha niya ayun. "Stay away from this sht!"

"Lola Mercy!" Inis na sabi ni Briana. Sinubukan niya iyong bawiin ngunit itinaas ito ni Lola. Para namang hindi iyon abot ni Briana.

"No!" Sabi niya. Kinakabahan ako dahil baka sabihin ni Briana na ako si Ariana. Lagot na!

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora