31 - Kuya Will Be Gentle

53.3K 1.2K 88
                                    

Naiiling na tumingin si Celestine kay Amara at magalang na nagtanong. Kanina pa niya kasi ito tinititigan na halos ayaw niya ng iwaglit ang mata. Bumalik na ang kalusugan ng babae, though hindi tulad sa kaniya. Ilan sa mga piklat nito ay nawala na rin dahil sa mga beauty product na pinagamit ng kaniyang ina sa dalaga.

Same age sila pero mukha pa rin itong seventeen. Late ang pag-developed ng katawan dahil na rin siguro sa pambubugbog na nakuha at halos 'di makakain ng isang beses sa isang araw nung nasa probinsya pa ito. Halos umiyak ito sa sobrang tuwa nung nag-celebrate sila 18th birthday nito.

"Bakit po Ma'm Amara?"

Napangiwi siya sa pagtawag nito sa kaniyang pangalan at may ma'm nakadugtong. Bakit may Ma'm pa rin? Masyado talaga itong pormal at mahiyain.

"Wala." ngumiti siya pero ang totoo, may katanungan naboboo sa kaniyang utak.

Habang tinititigan niya ang dalaga, napapansin niyang nagiging kahawig ito ng mommy nila ni Azael. Posible ba ang bagay na ito? Una-unang mapapansin hawig ay ang mga mata nito. It was round, surrounded by thick lashes like a barbie's eyes. Samantalang sa kaniya ay tamang mata lang.

"Naglilihi ka na ba hija? Pansin kong kanina mo pa tinitigan si Celestine," nanunuksong saad ng ginang nang makalapit ito sa kaniya sa lanai. Bumisita siya nang araw na iyon sa mansyon.

Natawa lang siya. Gustong-gusto na talaga nito magkaapo pero paano mangyayari iyon, walang nangyayari sa kanila ni Theon. Mag-asawa nga sila pero sa papel lang iyon at sa mata ng mga tao.

"Just wondered. Pansin mo My, magkahawig kayo ni Celestine. Weird, right?"

Napatingin naman ang kaniyang ina kay Celestine na ngayon ay tumalikod at may bitbit na bagong pitas na bulaklak. Mahilig ito sa halaman.

"Of course I do. Pero gaya nga nang sabi ko, sa 8 billion katao sa mundo, there's a big possibilities na magkakamukha ang tao kahit hindi sila magkadugo."

Tama nga naman. Nagkibit lang siya sa bagay na iyon at hindi na pinansin. Kung anu-ano na ang napapansin niya at naiisip, na alam niyang sobrang imposible.

Pero biglang umasim ang kaniyang mukha nang makita ang mukha ng babaeng ayaw niyang makita. Plastikan itong yumakap sa kaniyang Ina at humalik sa pisngi. Anghel na anghel ito tingnan, ah.

Nang makita siya nito, ngumiti ito at kumaway na akala mo close sila. Tiningnan lang niya ito at inirapan. Wala siyang planong makipagplastikan. Maarteng umupo ito sa harapan niya at sandali naman umalis ang kaniyang ina at iniwan silang dalawa sa balkonahe.

"Kung alam ko lang na makikita ko 'yang pagmumukha mo rito, hindi na sana ako nagpunta. Nakakawalang gana kasi."

Tinaasan niya ito ng kilay, "Nauna akong nawalan ng gana. Mukha ka kasing naglalakad na kubeta. Mabaho."

Galit na tumayo ito nang biglang dating ni Azael kasama ang kanilang ina. Ganun pa rin, mahaba ang buhok nito at rugged manamit. Hindi yata uso ang haircut sa kapatid niya. Nagkatitigan sila pero wala siyang makita at mabasa sa mga mata nito. Para lang siyang estranghero na hindi nito kilala.

"Where's Theon, honey?" Mommy nila.

"Out of town, My," simpleng sagot niya.

Nagkibit ito ng balikat at nag-excuse ulit sa kanilang harapan. Nagpunta ito sa kusina. Magpapahanda raw ito ng lunch at doon na sila kumain kasama ang ama nila.

Nagkunwari siyang kinuha ang cellphone para hindi ma-out of place nang umupo si Azael sa tabi ni Penelope. Mula sa kaniyang peripheral vision, kitang-kita niyang malambing na sumandal ang babae sa balikat nito at hinaplos ang pisngi. PDA lang 'teh? Napairap siya nang akbayan ito ng kuya niya at hinalikan sa noo.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon