7 - Travel Goals

56.2K 1.5K 43
                                    

HINDI na umasa pa si Amara na bumalik pa ang dating closeness nila ni Azael. Hindi na rin niya ito nakita, last na 'yong nagkasabay sila sa hapagkainan and after that, wala na siyang narinig na balita nito. Nagtatampo siya pero mas maigi na rin iyon kasi alam niyang hindi naman pwede na sa kaniya iikot ang mundo ng kapatid. May girlfriend ito at balang-araw magpapakasal na ito sa ayaw man niya o hindi.

"My, please pumayag na kayo. Seventeen na po ako at si Theon naman ang sasamahan ko po, eh," atungal niya sa ina. Nasa hapagkainan sila nang gabing iyon kasama ang ama niyang tahimik lang na kumakain.

"Amara, ilan beses ko ba sabihin sa'yo na hindi ka pwede——"

"Daddy please?" hindi niya pinatapos ang kaniyang ina. Nagmamakaawa siyang tumingin sa ama. Alam niyang papanigan siya nito. Napabuntunghinga ito at napasulyap sa asawa.

"Huwag mo sabihin na papayagan mo ang anak mo na umalis kasama si Theon?" may halong inis at galit ang boses ng kaniyang ina. "Naku lang!"

Napangisi si Amara. Kapag ganito ang usapan, aba, pupusta siya ng wamfefti panalo na siya. Kaya lihim siyang nagpapalakpak sa sarili sabay subo ng kanin, ang sarap pala ng ulam nila nang gabing ito!

"Honey, okay lang iyan. After all si Theon ang mapapangasawa niya pagtungtong ng legal age. Nasa testamento na iyan kaya legal na sumama siya sa binata."

Napabuga siya sa kaniyang kinain pero nang makitang lihim na kumindat ang kaniyang ama. Napangisi siya. Ibig sabihin sakyan niya ang trip nito para pumayag nang tuluyan ang Godzilla niyang ina.

"Yes My, mahal ko 'yon. Payagan mo na ako, papakasalan ko naman 'yon, eh," gusto niyang matawa sa loka-loka niyang sagot sa ginang. Teka, bakit sinabi niya iyon? Hindi niya mahal ang binata. Crush lang niya at hindi mahal. Pero nasabi niya kaya panindigan niya at may tiwala siya sa kindat ng kaniyang ama.

Magta-travel and tours kasi sina Theon kasama ang tropa feels nito pati ang crush niyang si Herrence her loves kaya sasama siya. Pagkakaalam niya wala ang bwesit niyang kuya kaya maganda iyon. Hindi lang naman siya ang babae, katunayan nga ay lahat nang sumama ay mag kaparehas at siya... Si Theon na lang siguro kahit na pokpok ito, mabait at gentleman ito sa kaniya.

Sagada ang pinili nang mga ito at 3 days and 2 nights iyon. Tama lang dahil wala siyang pasok this coming friday. Gusto lang niyang maranasan na isang teenager kahit saglit at may tiwala naman siya sa mga kasama niya.

"I beg your pardon, Dad."

Nagulat siya sa biglaan pagsulpot ng kaniyang kuya Azael. Hindi niya nakita ang hitsura nito dahil nakatalikod siya at alam niyang nasa tabi niya ito ngayon. Kinabahan siya bigla pero agad din napaismid. Alam niyang makikisawsaw na naman ito sa usapan nila at ang ending hindi siya papayagan ng tuluyan ng kanilang ina. Pero kakampi niya nga pala ang Daddy nila kaya okay lang.

"Azael you're here!" lumarawan ang saya sa mukha ng Mommy nila.

Lumapit naman ang binata rito at humalik sa pisngi at nagmano sa kanilang ama. Bahagya siyang napangiti, isa sa nagustuhan niya sa kuya niya ay pagiging marespito nito pero nang sumulyap ito sa kaniya, irap ang kaniyang binigay. Umupo ito paharap sa kaniya at nagsimula siyang mainis sa kagwapuhan taglay nito. Bakit ba ito pinanganak na gwapo? Binigyan niya ito nang masamang irap.

"Tama ba ang narinig ko? Naka-arrange marriage si Amara kay Theon na walang alam kundi ang pambabae at puro tubig ang laman ng utak?"

Hindi niya alam kung matawa ba siya sa description nito sa kaniyang crush o mainis dahil naaamoy na talaga niyang sasalungat ito. Anong arranged marriage? Trip lang iyon ng ama nila at sinakyan lang niya. Alam naman niyang hindi magagawa ng Daddy nila iyon.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now