6 - No Ways!

62K 1.6K 51
                                    

Pagkababa niya ng hagdanan, nagtama ang mata nila ni Azael na siyang paalis nang umagang iyon. Namula ang kaniyang buong mukha.

Shit ka Amara! Kasumpa-sumpa ka sa lahat ng babae sa balat ng lupa! But no, alam kong hindi siya ang lalaking hinalikan ko kagabi kahit pa sabihin na si kuya ang naghatid sa'kin.

Napahinga siya sa bahaging iyon. Yeah, alam niyang si Theon kaya inirapan niya ito at nauna siyang nagbawi ng tingin. Hindi sila close at mas lalong hindi sila bati ng lalaking ito na ngayon alam niyang nakasunod ang tingin sa kaniya.

Bakit nga pala nandito ito sa mansiyon ng magulang nila samantalang hindi ito nagpakita nang sobrang tagal dahil sa kalalandi sa girlfriend nito? Napaingos siya nang maalala ang jowa nitong manika. Si Annabelle.

Dumeritso siya sa kusina at umupo agad sa mesang nando'n.

"Nanang gutom na po ako, ano po breakfast natin?" magalang na tanong niya sa kanilang mayordoma na simula bata siya nasilayan niya na ito.

"Aba'y bata ka! Umabsent ka naman," puna nito.

Ngumisi lang siya. "Nanang gutom na po ako..."

"Serve her coffee with lots of cream and pancake, Nanang," sabad ni Azael na sumunod sa kusina at umupo pa talaga sa harapan niya. "Black coffee sa'kin," pahabol nito.

Agad naman tumalikod ang mayordoma nila. May mga katulong naman sila pero kapag umagahan, ito ang naghahanda lagi para sa kanilang dalawa ng kaniyang kuya.

"So..." panimula nito.

"So what?" nakataas ang kilay na gagad niya. Akala ba niya aalis na ito papuntang work?

Napatitig ito sa kaniya at napahugot ng malalim na buntonghinga. Umiling-iling ito at hindi na nagsalita pa. Napairap siya sa hangin at hindi ito pinansin samantalang ang ingay nila dati kapag nagtatagpo sila lagi. Wala na, nawala na iyon simula nung iniiwasan siya nito sa hindi niya alam na dahilan at laging wala ng oras sa kaniya. Maiintindihan naman niya iyon kung sasabihan siya na kesyo ganito, ganiyan, pero hindi. Kaya bahala ito, malaki ang kaniyang hinampo at hindi siya madadala sa kagwapuhan. Hmp!

Tahimik siyang kumain. Sinadya pa niyang binilisan iyon dahil naiinis siya sa pagmumukha nito kasabay pa sa alaala niya na ito ang naghatid sa kaniya kagabi... Hindi naman siguro niya ito hinalikan. Hindi nga ba?

"Mara," tawag nito.

Hindi siya natinag. Tatawagin siya nito sa palayaw niya kapag may gusto itong sasabihin but whatever, busy rin siya. Finish! Mabilis niyang nilagok ang kapeng hindi na masyadong mainit at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Nakapag-decide na siya, papasok siya sa araw na iyon!

NAGLINYA ang kilay ni Azael nang tawanan siya ni Cuhen nung magkita sila sa pribadong opisina niya. Ang linya ng kaniyang negosyo ay Real Estate at pinamumuhan niya ang ilan sa malalaki't sikat na mall hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Pagmamay-ari ng pamilya nila iyon at bilang nag-iisang anak na lalaki ng Legrand, alam ni Azael na sa kaniya ito ipapasa lalo na't walang kahilig-hilig ang nag-iisang kapatid niyang si Amara sa mga negosyo.

Sa edad na bente-syete, mas lalo niyang napalago ang negosyo ng kanilang pamilya. Minsan, naiiling na lang si Azael lalo na kung babae ang client dahil oras na nasisilayan ng mga ito ang ngiti at nang kaniyang kagwapuhan, close deal na agad at share holder na. Ang laki rin ng gamit nang pagiging mestiso niya.

"You look miserable," puna nito.

"Yeah, she's avoiding me."

"Who? Fling mo o ang little sissy named Amara? Fuck dude, come on get a life! He's your damn sister!" nawala ang tawa sa mukha ni Cuhen at nagseryuso.

Hindi siya sumagot. Kung ganun lang sana kasimple, ginawa niya.

"Look, hindi naman masama magmahal. But damn! Loving your own sister? Naiintindihan kita dahil magkaibigan tayp pero paano pag nalaman ito ni tita at tito? Gago ka talaga."

"She kissed me last night."

"Puta!"

"Lasing si Amara at napagkamalan niya akong si Theon."

Biglang napangisi si Cuhen sa kaniyang sinabi. "That's reality. Looks like she fancy him most. Can't blame her, magkapatid kayo."

Napailing-iling siya at napabuntunghinga. May puntong tama nga ang pinsan niyang gago. Siguro kailangan niyang iwasan na rin ito at ibaling sa iba ang nararamdaman niya. Masyado lang yata siyang naging attached sa nakakabatang kapatid. Ipapagpatuloy niya ang pag-iwas dito at sikapin kalimutan ang dalagita. Pero makakaya ba niya?

Alam niyang masama at bawal ang kaniyang nararamdaman kaya natiis niyang hindi magpakita nang ilang buwan dito. At sa pagtitiis niyang iyon, nagdesisyon siyang ibaling sa ibang babae ang kaniyang paningin. Sa babaeng kasama niya kagabi na nagngangalang Yve niya binabaling ang nararamdaman niya. Ilang beses na din may nangyayari sa kanila pero ando'n pa rin sa sistema niya si Amara at nahihirapan siyang paalisin ito. Fuck his heart! Sa dami-daming ibigin, sa kapatid pa niya.

"Theon!" tawag ni Amara sa binata nang makita niya itong naglalakad kasabay ang mga barkada nito sa hallway.

"Bakit, aking mahal na binibini na ubod ng ganda?" malambing na banat nito. Ang landi talaga!

Kikiligin na sana siya pero mas importante ang kaniyang tanong kaya sige, sa susunod na taon na siya kikiligin.

"'Di ba ikaw ang naghatid sa'kin kagabi at sa kwarto ko?"

Umugong ang malakas na tuksuhan sa paligid gawa ng mga barkada nito. "Hayop ka, Theon!" Sabay-sabay na sapak at batok ng mga ito sa binata. "Paano mo nalusutan ang kapatid niyang parang Lion kung lalapa ng tao?! Turuan mo kami!"

Inosente siyang napatingin sa mga ito. Siya ba ang pinag-uusapan ng nga ito? Tawa-tawang nagtaas naman ng kamay ang binata para tumahimik ang mga tropa nito saka humarap ulit sa kaniya.

"Hindi ako binibini... si Azael." Kumindat ito sa kaniya at sabay napahinga ng maluwang ang mga barkada nito. Walang sabing hinila ng mga ito si Theon at kinaladkad papalayo sa kaniya.

Napaikot siya ng eyeball nang wala sa oras. Mga bwesit din ang mga kaibigan nito, eh! Pero agad siyang napangiwi nang maalala ang huling sinabi ni Theon.

Hindi ako... si Azael.

Hindi ako... si Azael.

Si Azael...

Jusko! Napatakip siya ng bibig at parang gusto niyang maglaho bigla sa kinatatayuan. So ang hinalikan niya ay ang sarili niyang kuya?! Nahumindig siya sa reyalisayong hinalikan niya ang sariling kapatid! Napatakip siya ng mukha at napatili nang wala sa oras. Napatingin sa kaniya ang ilan sa estudyante pero wala siyang paki! Shit! Shit! Bakit?!

Mabilis siyang tumakbo sa malapitan restroom at naghilamos ng mukha sabay mugmog ng bibig. Tinampal pa niya ang sarili at dinuro ang repleksyon sa salamin. Ilang beses siyang nagmugmug at naghilamos. Ang weird sa feeling at shit, kahit crush niya si Azael hindi pwede iyon! Kuya niya ito. Kuya at kuya lang talaga.

Paano kaya niya haharapin ang mukha nito? Kung sabagay may sarili na pala itong bahay kaya medyo nakahinga siya sa isipin iyon. Ibig sabihin hindi niya ito makikita at makakalimutan niya rin ang pangyayaring iyon. Iisipin na lang niya na masamang bangungot lang ang lahat.

Umuwi siyang bangag nang araw na iyon. As usual, deritso siya ng silid at inisip bawat isa isa ang kaniyang ginawa kagabi. Talaga bang halik lang ginawa nila? Hindi kaya? Oh my God! Hindi kaya ni-rape niya si Azael at hindi ito makasigaw ng tulong o magawa siyang pigilan dahil sobrang ganda at wild niya kagabi kaya pikit na umuoo na lang itong nagpaubaya sa makasalanan niya ng kamay?!

Napasigaw siya sa hiya para lang mapangisi. Siya nga pala ang babae rito, imposible yata ang kaniyang iniisip. Nagpasiya na lang siyang maligo sa pool at isipin kung paano kalimutan ang gabing iyon. Bwesit kasi ang Theon na iyon, eh. Nahawa siya sa kalandian nito at pagiging pokpok.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now