Nanatili akong nakatingin kay Denise habang pinoproseso ko ang kaniyang sinasabi. Hindi ko alam na ganito ang pinagusapan nila no'ng araw na iyon. Hindi niya nasabi ito sa akin.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natakot sa asawa mo, duh. Pero... nilabanan ko ang titig niya no'ng mga oras na 'yon. Sobrang seryoso. Tapos no'ng araw na iyon, naramdaman ko na seryoso talaga siya sa mga sinabi niya tungkol sayo sa akin at narealize ko na, no'ng una palang, may naramdaman na siyang kakaiba sayo. Pero hindi niya alam kung ano 'yon." Ngumiti sa akin si Denise, lumapit at tiyaka ako niyakap.

"Masaya ako, kasi tinupad niya ang sinabi niya sa akin. Ngayon, may tao nang po-protekta sayo bukod sa sarili mo at masaya ako na hanggang sa ganitong pagkakataon ng buhay mo, kasama mo ako." Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Nararamdaman ko nalang ang pangingilid ng luha ko.

Masaya rin ako, Denise. Masaya rin ako dahil nandiyan ka.

"Oy, huwag kang umiyak. Ang ganda-ganda mo na eh. Masisira ang make up, matatalbugan kita mamaya, tingnan mo." Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko.

"Basta tatandaan mo ha." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Simula noon at hanggang ngayon. Hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako hanggang sa pag-aalalaga at pag protekta ng pamilya mo." Her words. Damn it. Oo na, sobrang mahal ko 'tong maingay na babaeng ito.

Madaldal siya, bungangera, makulit... pero siya ang pamilya ko, simula't sa umpisa.

Muli kaming nagyakapan, nagngitian at nagtawanan dahil sa aming kadramahan.

"Can i see my fvcking wife now?" Narinig ko ang boses ni Zander mula sa labas. Napatigil ako sa pag re-retouch ng sarili ko.

"Pwede bossing pero hindi matutuloy ang kasal niyo." Rinig kong sagot ni Joshua.

"What the fvck, Joshua?" Napa ngisi ako nang marinig ko ang iritasyon sa boses ng asawa ko.

"Pamahiin 'yon bossing. Pag nakita mo ngayon si Ma'am Athena, may mangyayaring hindi maganda at hindi matutuloy ang kasal niyo dahil doon." Natahimik sila ng ilang sandali. Inaabangan niya ang sagot ng asawa niya.

"Damn it." At narinig niya na ang mga papaalis na yabag.

Napa iling nalang siya. Ang asawa niya talaga. Hindi makatiis na hindi siya makita.

Ramdam niya na simula pa noon ang pagmamahal sa kaniya ng asawa niya pero mas lalo niya itong nararamdaman ngayon. Nang magka anak sila.

Lagi siya nitong hinahanap. Hindi mapakali kapag hindi siya nakikita. Lagi siya nitong kinukulit o di kaya ay kinakausap.

Mahal na mahal siya ng asawa niya at ganon din siya.

"Ma'am, Ready na po kayo? Mag s-start na po in ten minutes." Masaya siyang tumango sa isa sa mga nag a-assist sa kaniya.

Handa na ako...

Nasa loob siya ng sasakyan ngayon. Papuntang simbahan. Kanina nasa may isang hotel siya at magka iba ang hotel nila ng asawa niya. Pumunta ang asawa niya sa hotel niya para subukang silipin siya.

Ang nag d-drive sa kaniya ay si Jackson tapos napapaligiran ang sasakyang sinasakyan nila ng iba pang sasakyan na ang mga nasa loob ay tauhan ni Zander.

"Nasaan nga pala ang mga anak ko, Jackson?" Tanong nito kay Jackson na naka suit at may suot pang shades.

"Andoon narin, Ma'am. Naghihintay narin sayo." Nakangiti nitong sagot sa kaniya na ikinangiti niya rin.

"Jackson, gusto kong magpasalamat sayo. Hindi mo kami iniwan ni Zander. Kayo. Hindi niyo kami iniwan ni Zander. Hindi niyo ako pinabayaan no'ng nagkakalabuan kami ni Zander. Maraming salamat at hanggang ngayon, kasama parin namin kayo. Napaka swerte namin ng asawa ko sa inyo," masaya kong sabi. Hindi mawala-wala sa aking labi ang ngiti.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon