Chapter 45

9K 183 4
                                    

Muli akong nakatanggap ng sampal sa kaniya. Napakagat ako sa aking labi.

"Asaan ngayon ang tapang mo?" Mahigpit muli akong hinawakan nito sa aking panga.

"Hindi ka makapalagag ngayon? Ikaw ba talaga si Rosegun!?" Muli ako nitong binigyan ng dalawang sampal sa magkabila kong pisngi.

Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko. Nanunubig na ang mga mata ko.

"Ngayon umiiyak ka!? Paano pa kaya kung bugbugin ko 'yang tiyan mo!?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito.

"H-huwag, p-please." Tila bulong nalang ang pagkakasabi ko. Ni hindi ko rin marinig ang sarili kong boses.

Tumawa ito nang pagkalakas-lakas. Tila nababaliw na ata.

Zander... Asa'n kana ba?

Iligtas mo kami, please...

Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa mga anak namin.

"Please!? Pinakinggan mo ba ang hinanaing ng kapatid ko bago mo siya pinatay, ha!?" Muli ako nitong sinampal at sa pagkakataong ito, nalasahan ko na ang likidong lumapat sa aking bibig.

Nanghihina ko siyang tinignan. Wala akong nakikitang bakas ng konsensya o pagkaawa sa kaniyang mga mata.

Puno ito ng galit at pagkasuklam.

"H-hindi mo alam ang g-ginawa ng kapatid m-mo sa amin n-ng asawa k--" hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ng muli nanaman akong sinampal nito. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Z-zander...

"Napaka selfish mo! Bakit ayaw mong pagbigyan ang kapatid ko!? Si Zander lang ang minahal niya! Si Zander lang! Nakapa inggitera mo! Selfish ka!" Ngayon naman ay sinabunutan ako nito. Napangiwi ako sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa buhok ko.

"Hindi ka pa ba natakot ng mamatay ang mga magulang mo!? Gusto mo talagang sumama sa kanila!? Then lady, i'm happy to tell you that your request, is my command." Binunot nito ang baril sa kaniyang bewang at kaagad na itinutok sa akin.

Namilog ang aking mga mata. Sa puntong ito, wala na akong iniisip kundi ang mga anak ko. Ang mga anak namin ni Zander...

Pumikit ako ng mariin.

Panginoon, hindi ko alam kung ito ba ang kabayaran sa lahat ng mga nagawa ko... Kung ito man 'yonn, tatanggapin ko po ito... pero sana, s-sana hayaan niyong mabuhay ang mga anak ko... hayaan niyo sana silang m-makita ang mundong ito... patawarin niyo po ako...

Sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko.

"Bossing! Huwag. Papunta na raw si Anderson. Kailangan natin 'yang babaeng yan para pambitag sa gagong 'yon." Dumilat ako nang marinig ko ang apilyido ng pamilya namin.

Z-zander...

Kung kanina gusto kong pumunta si Zander ngayon para sagipin kami... ngayon, ayoko na. Natatakot ako. Natatakot ako. Wala sanang mangyaring masama kay Zander. Huwag naman sana...

Nakangisi itong bumaling muli sa akin. "Ang swerte mo. Mamaya ka pa mamatay. Sinong gusto mong unahin ko? Ikaw o ang asawa mo?" Hindi ko ito sinagot. Kaya nakatanggap nanaman ako ng sampal dito.

"Ayaw mo kong sagutin!? Sino!? Ikaw o ang asawa mo!?" Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

"Aww... baka gusto mo kasing sabay kayo? Katulad ng nangyari sa mga magulang mo? Sige, mabait naman ako." Binitawan ako nito. Pero himbis na iwanan ako nito ay kumuha ito ng upuan at umupo ito paharap sa sandalan ng upuan.

"Alam mo, hindi ka naman dapat susunod sa yapak ng mga magulang mo kung hindi ka lang pakialamera, katulad nila. Kung hindi karin sagabal. Pinatay sila ng mga magulang ko kasi 'yang Papa mo, bida-bida masyado. Iyan namang Mama mo, hinahayaan ang tatay mo na guluhin ang mga plano ni Papa. Kaya ayon, pinapatay sila ni Papa. Astig diba?" Namuo ang galit sa dibdib ko. Pero kinontrol ko ito. Ngayon ako hindi dapat magpadalos-dalos.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon