Chapter 14

15.1K 398 25
                                    

Parang pampatulog ang halik ni Zander. Kaagad ako nitong napakalma at hinayaang makatulog ulit.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'yon o ano, basta ang sarap ng tulog ko.

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para makita si Zander na nakatitig sa akin.

Ilang beses niya na akong nakikitang bagong gising? Kamusta naman ang itsura ko ngayon?

"How are you feeling? Masakit parin ba ang braso mo?" He asked me with his concerned eyes.

Napanguso ako. Hindi ako sanay ng ganito si Zander. Sanay akong masungit siya sa akin.

Pero simula nang lumipat ako sa bahay niya, unti-unti napapansin kong nagbabago 'yong pakikitungo niya sa akin.

What do you expect, Athena? Eh, nag confessed na siya sayo diba?

Napapikit ako ng mariin. Tangina, sinong marupok ngayon?

"Why? Does it hurt?" Agad akong napadilat. Mukhang nakita niya ang pagpikit ko nang mariin. Dahan-dahan kong ginalaw ang braso ko, takot na baka masakit parin ito.

Pero nagulat ako nang hindi na ito gaanong masakit. Ginalaw ko ito ng ginalaw. Namamangha sa nararamdaman.

Sanay na ako sa mga pasakit ng katawan, pero ang pinaka mahirap ay hintayin ang paggaling ng mga nito.

"Bakit h-hindi na gaanong masakit?" Ang bilis naman. Umupo ako. Kahit na nagawa ko namang umupo, inalalayan parin ako ni Zander.

Tiningnan ko ang braso ko, may mga onting galos parin ako pero hindi ko na talaga maramdaman kung gaano ito kasakit kahapon. May kirot parin pero, nagagawa ko na itong maigalaw.

"I hired the best doctor para mabilis gumaling ang braso mo. Your back? How's your back?" No'ng una ay napakunot pa ang noo ko sa sinabi niya pero nang maalala kong napalo nga pala ako sa likod, ay pinakiramdaman ko ang likod ko.

Napangiwi ako. "May konting kirot pero okay narin." Ngumiti ako sa kaniya.

Napatigil ako nang hinagod niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Im relieved that you're now okay."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ngumiti na lamang ako.

Nasaan na ang tapang ko ngayon?

Mas lalong hindi ako makatingin sa kaniya. Pakiramdam ko, sobrang nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang diretso. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"You okay?" Hinuli niya ang tingin ko pero todo iwas ako.

"Hey..." Nag-isip ako ng pwedeng sabihin, shete naman.

"U-uhm, anong nangyari sa bar?" Hindi parin ako makatingin sa kaniya pero agad na napa angat ang tingin ko sa kaniya nang hinawakan niya ang baba ko para mahuli ang mga mata ko.

Kahit na magka level na ang mga mukha namin, ay sa baba parin ako nakatingin.

"You're avoiding me." Doon palang ako napatingin sa kaniya. Nakanguso siya, may itinatagong ngiti.

Napakagat ako ng labi ko. Damn, bakit ang sweet niya?

The way he touched and talked to me..

"I-im not." Talaga lang ha? Nagawa ko pa talagang mautal.

Muli niyang hinuli ang mga mata ko pero agad akong umiwas. "Yes you are, Wifey." Kung kanina ay nakanguso siya, ngayon ay hindi niya na talaga mapigilang ngumiti.

"I-im... Ah.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang init na ng mukha ko at sobra akong kinakabahan sa sobrang lapit namin.

"Damn, you're so beautiful everytime you blushed." Isang halik ay tuluyan na akong nawalan ng huwisyo.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon