Chapter 35

9.1K 226 0
                                    

"Wife, may lakad kami ngayon kasama ng ibang tauhan natin pero iiwan ko ulit yung tatlo rito." Naka upo ako ngayon habang pinapanood kong mag bihis si Zander.

So tama nga ang kutob ko...

"Okay. Kahit isama mo na 'yong tatlo, andito naman si Nanay Coring eh," saad ko at ngumiti nang lumingon siya sa akin.

Tumaas ang kilay niya at lumapit sa akin, inosente ko naman siyang tinignan.

"Nope. I need to make sure that you and our baby is safe lalo na tuwing wala ako sa tabi mo." Kada nagsasalita ng ganiyan si Zander, ay bumibigat ang pakiramdam ko.

"Hmm. Okay, take care then. Siguraduhin mong kumain ka wait, baunan kaya kita?" Tatayo na sana ako nang hinawakan ako sa kamay ni Zander. Pinipigilan ako.

He chuckled. "I love it when you always take care of me. Pero ayokong mapagod ka, just stay here and relax. Wait for me, okay?" Napanguso ako.

"Ayaw mo ba ng mga luto ko?" Mas lalo siyang natawa at hinalikan ako sa noo habang nakasimangot ako.

"Oh, wife. Don't you know how much i love everything that you do?" I smiled. Okay, nagwagi siya. Nabola niya ako.

"Okay. Huwag kang mambabae kung ayaw mong magalit kami ng anak mo sayo, hehehe." Sinabi ko 'yon kahit na alam ko namang hindi niya magagawa 'yon.

Mahal na mahal niya kaya kami no...

Bigla siyang nag seryoso. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko." Napa kunot ang noo ko.

"Alam ko naman 'yon. Bakit ba ang seryoso mo?" I laughed.

"Nah. Always remember that i love you, okay?" Kaagad akong tumango.

"Okay, kiss me now, wife." Kaagad ko siyang binigyan ng halik.

"Damn. Parang ayaw ko ng umalis." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Alis na. Tamad nito."

"What? Pfft." Inirapan ko siya. Ang gulo nito, sabi aalis na pero hanggang ngayon ay dinadaldal niya parin ako.

"Umalis na, Zander. Ang pasaway nito." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.

"I love you, wife.." I smiled. Ito ata ang mga salitang hindi ako magsasawang pakinggan. Mga salitang naririnig ko mula sa kaniya.

"Love you too. O siya, sige na. May mga chismoso na sa pinto." Tinuro ko sila Joshua, Dan at Andrew na nagtatago sa may pinto na akala nila ay hindi ko sila nakikita.

"H-hehehe, Hi Ma'am Athena, sinusundo lang po namin si Bossing." Ani ni Joshua.

"Oo, tama, hehehe." Si Dan.

Bakit ba mga mukha silang natatae?

Bahagya kong tinulak si Zander na masama na ang tingin sa kanila.

"Sige na, hubby. Umalis na kayo, mag-iingat kayo ha?" Napa buntong hininga si Zander bago ako hinalikang muli sa noo tiyaka tumayo na.

"See you, wife. Take care here, please?" Tumango-tango ako. Kulit ng lalaking ito.

Tinitigan ako ni Zander hanggang sa tuluyan niyang maisara ang pintuan ng aming kwarto. Hinintay ko muna na tumunog ang mga kotse nila, nang masigurado kong umalis na sila ay kinuha ko ang laptop ko.

"Dito ka nga ba papunta, hubby?"

Kaagad akong nagbihis. Nagsuot ako ng black blouse na fitted, black pants with chain, black boots, black cap at black mask.

Nagsuot din ako ng black na jacket. nang matapos akong magbihis ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

"I missed this." I missed wearing this kind of outfit.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon