Chapter 37

8.4K 202 0
                                    

Natapos kaming kumain ni Zander nang masaya at chill lang. Tinanggal ko sa isipan ko lahat ng mga bumabagabag sa akin kanina.

Ngayon, nasa bahay na kami. Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon dito sa loob ng may closet. Nasa loob ng kwarto naman si Zander.

"Yes, i'm home. You? How are you? You okay?"

Kumunot ang noo ko ng marinig kong may kausap si Zander. Bakit parang bumubulong siya?

"You're in pain!? What? Why!? Because of that transaction, again. I told you to be careful." Napa higpit ang hawak ko sa damit na pinaplano kong suotin. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko.

"Ofcourse, i'm fine. Yeah, kumain kana ba?" Hindi ko gaanong naririnig ang ibang sinasabi ni Zander pero ang mga huling salita ay medyo malinaw sa pandinig ko.

"Okay. I need to go and check for Athena. Baka tapos na siya." Napakagat ako sa labi ko.

Athena... tinawag niya ako sa pangalan ko.

Kaagad akong pumasok ng banyo at nagkunwaring kakatapos ko lang maligo.

"Wife..." I smiled at him. Kunwari na wala akong narinig.

"You done?" He's smiling at me. Damn, Zander. Sino 'yong kausap mo? Ano nanaman itong sikreto mo?

"Yeah. Magpapalit lang ako." Tumungo ako sa closet at kunwaring naghahanap ng damit kahit na, nasa tabi lang naman ang damit na binabalak kong suotin.

Naramdaman kong yumakap sa akin si Zander mula sa likod. Uminit ang mata ko, pakiramdam ko, anytime tutulo ang luha ko.

"Nag enjoy ka ba? Sa dinner natin? Nag c-crave ka ba? Tell me at nang maipa-deliver ko." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"W-wala." Damn. Nautal ako.

"Wife? You okay?" Stop it, Athena. Mahahalata ka niya.

Pero... niloloko nga ba ako ni Zander?

"Nah. I'm fine. Can you get ready my blower, hubby?" saad ko habang nakatalikod parin.

"Hmm... okay." He kissed me on my cheeks bago siya humiwalay sa akin.

Lumingon ako sa pinaglabasan ni Zander. Niloloko ba ako ni Zander? Sino 'yong kausap niya?

Tila... importante sa kaniya ang taong 'yon. Hindi niya ako tinawag na 'wife'... binanggit niya ako sa pangalan ko.

Nanginig ang labi ko. Damn. Zander, paano kita pagkakatiwalaan?

Dapat pa ba kitang pagkatiwalaan?

Nagbihis ako ng maraming katanungan sa isip ko. Huminga ako ng malalim at pinilig ko ang ulo ko para mawala saglit sa isipan ko lahat ng pagdududa ko.

Nang lumabas ako ay ready na ang blower ko. Umupo ako sa harap ng salamin. Kaagad namang lumapit sa akin si Zander at sinimulan ng i-blower ang buhok ko habang sinusuklay ito.

I smiled nang magkasalubong ang mga mata namin sa salamin.

"You okay, wife?" Damn.

I yawned. "Yeah. Napagod lang siguro ako." Umiwas ako ng tingin. Ayoko siya tingnan. Pakiramdam ko, anytime iiyak ako pag nagsasalubong ang mga mata namin.

"My wife is sad. Why? Napagod ba kayo ni baby? Hmm?" Mula sa likod ay hinagod ng kamay niya ang tiyan ko.

I smiled. Ngayon ay tunay na ngiti ang nasa mga labi ko. It makes me smile everytime na nakikita ko siyang hinahawakan ang tiyan ko. Kung nasaan ang magiging baby namin.

"Yeah. We want a hug from daddy." I said and looked at him. Kinagat ko pa ang labi ko dahil nanginig iyon.

Kaagad niyang hinarap ang upuan ko sa kaniya at yumuko siya para mayakap ako.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon