Chapter 17

13.3K 355 8
                                    

Dedicated to venustomilloso

A/N: Hi venus! Hahaha! Thankyou sa pagsuporta sa akin. Thankyou sa pag i-inspire sa akin na magpatuloy sa pagsusulat. Thankyou and i love you!❤

Sa lahat nang nagbabasa ng storyang ito o sa mga taong sumusuporta sa akin, always remember na sobra ko kayong na a-appreciate! Lovelots~

***
Kaagad na hinawakan ni Zander ang braso ko nang makita niyang kinapa ko ang baril ko sa braso ko. Tinignan niya ako nang makahulugan. Yung tingin na nagsasabing, 'Not now Wifey,' ganon.

Tumango na lamang ako at nagpanggap na wala akong napansin.

Ang napansin ko kasi, merong isang lalaki na may maliit na cam sa suit niya. Iyong katulad ng cam na inilagay ko sa bahay ni Denise. Tapos tinignan ko 'yong ibang tauhan ni Zander pero wala naman.

Meaning, hindi siya part ng kapamilya ni Zander. Baka kapuso siya, ganon. Charot.

"Punta naman tayo sa taas, Wifey. Para makita mo yung bawat sulok ng hideout at makabisado mo ito." Mukba bang makakabisado ko kaagad ito ng isang araw lang? Jusko, ang taas-taas kaya ng building na ito.

May elevator sa loob ng hideout. Tingnan mo itong taong to, sa second floor lang kami pupunta pero mage-elevator pa.

"I know that look, Wifey. Hindi tayo sa second floor pupunta, doon tayo sa mismong office ko rito." Eh? Nababasa niya ba isip ko?

At sabi niya kasi sa taas daw para makabisado ko itong building. Diretso naman pala sa opisina niya. Ang gulo mo, Zander.

"Hahahaha! I can read your expression." Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya. Edi ikaw na magaling. Tingnan mo itong lalaking ito, may kalaban na sa paligid niya pero chill parin siya.

Nang tumunog ang elevator, ay hinawakan ni Zander ang kamay ko at nauna siyang lumabas ng elevator habang nakasunod naman ako.

Sa palapag na ito, mas marami ang nakabantay.

"This building contains 20th floor, wifey at bawat floor, may mga tauhan ko. Just to make sure my, and my men's safety." Nakakatuwa naman na iniisip niya parin ang kapakanan ng bawat isa sa clan nila.

Yung parang hindi 'tauhan' ang turing niya sa mga tauhan niya. Tinuturing niya talaga ito bilang pamilya.

Napatingin ako kay Zander habang naglalakad kami. Hindi siya katulad ng mga kalbong pandak na maitim ang batok na mga nakakalaban ko na part ng Mafia.

Oo part siya ng Mafia. Siya mismo ang Mafia Boss pero napatunayan ko na hindi siya masamang tao.

Ginagamit niya ang Mafia, para sugpuin ang mga masasamang tao. Magkatulad kami ng prinsipyo.

"Bakit mo ko tinititigan? Ang gwapo ba ng asawa mo?" Nako naman, bakit kailangan mag tagalog Zander? Mas lalo kang gumagwapo eh.

Hindi ko pinansin ang ngisi niya at nag-iwas nalang ako ng tingin.

Saktong napunta ang tingin ko sa isa pang tao na may cam naman sa tainga niya.

Seriously? Hindi niyo ako maloloko, lagi akong gumagamit ng mga cameras. Ito ang mga katuwang ko kada may mga missions ako lalo na't mag-isa lang ako.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon