Chapter 42

10.5K 239 17
                                    

Nakatulog agad ako. Kahit na umiiyak ako at puno ng sama ng loob ay kaagad akong nakatulog dahil sa panghihina ko.

Nang magising ako ay gusto ko kaagad ipa-check up ang sarili ko sa doctor. Kailangan kong makasigurado na okay lang ang mga anak ko.

Nang magmulat ako, naisip ko kaagad ang mga nangyari, napahawak ako sa dibdib ko. Parang pinipiga nanaman ang puso ko.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga intensyon sabihin ang mga 'yon kay Zander. Pagod na pagod ako no'ng hapon. Ang gusto ko na lamang ay humiga at matulog. Ganun kagrabe ang panghihinang nararamdaman ko.

At nasasaktan ako sa ginawa niya. May mga salitang, ginusto ko talagang sabihin sa kaniya pero hindi ko intensyon na saktan siya. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Nabunton ko sa kaniya ang pagod ko. Oo at galit ako sa kaniya, nagtatampo ako sa kaniya. Dahil naglilihim siya sa akin at hindi niya sinasabi ang mga plano niya sa akin. Hindi niya ako sinasama sa mga plano niya. Kumikilos siya ng mag-isa. Doon ako nagagalit.

Pero hindi ko intensyon na hiwalayan siya. Na sukuan siya. Kailangan ko lamang ng paliwanag niya.

Napa buntong hininga ako. Nasaan kaya 'yon? Kumikilos na naman kaya siya ng mag-isa?

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at laking gulat ko ng may tao palang naka upo sa may paanan ko.

"Z-Zander.." Sa pagkakagulat ko ay nautal pa ako. Anak ng tupa. Bakit hindi ko siya naramdaman...

Napahawak ako sa malaki kong tiyan nang makita ko kung gaano kalungkot ang mukha niya. Nanunubig ang mga mata niya.

"W-wife..." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin tiyaka ako niyakap. Nagsimula na siyang humagulgol.

"H-hindi ka naman makikipag h-hiwalay sa akin d-diba? W-we will f-fix this right?" Hindi ako nakasagot. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya.

Humiwalay siya sa akin ng hindi ako sumagot. Naiiyak narin ako.

Humiwalay siya sa akin pero hawak niya parin ang kamay ko.

"I-i'm sorry... I'm very sorry... I-i hurted you... I'm sorry wife, p-please forgive me. Huwag mo naman akong iwan. You're my life, h-hindi ko kakayanin." May panibagong luha muli akong nakita na tumulo sa mata niya.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Umiiyak narin ako.

"G-ginawa ko 'yon, kasi ayoko ng madamay ka. Nagpanggap ako na mahal ko pa si Jane. Pinaniwala ko siya na tama siya at ginagamit lang kita. Hindi siya naniwala no'ng una, dahil buntis ka. Sinabi ko na isa 'yon sa mga plano ko..." Pinipilit niyang makapagsalita ng maayos. Para marinig ko ang buong paliwanag niya.

"Sinabi ko na pati ang pagbubuntis mo, ay parte ng plano ko. Para gamitin at saktan ka. Na tama siya sa mga iniisip niya na paggamit ko sayo. Naniwala din siya ng madalas ko siyang sinusuyo. Iyong mga panahon na wala ako rito? Kasama ko siya... Pero walang nangyari sa amin. Ikaw ang rason kung bakit ko ginagawa lahat ng 'yon. Iniisip ko na matatapos din ang lahat ng ito at matatahimik na tayo' Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Bumaba din ang isang kamay niya doon at hinaplos ito.

"N-nong mga panahong may mga sumusugod sa atin? Doon ko nalaman na hindi lang pala si Jane ang kalaban natin, marami... Maraming naghahangad na patayin ako dahil sa posisyon ko..." Bumuntong hininga siya at nag-angat ulit ng tingin sa akin.

"So i planned everything. Mag p-propose ako kay Jane. Inimbitahan ko lahat ng kalaban natin sa araw na 'yon. May plano akong patayin silang lahat. Nagawa ko 'yon, except sa isa..." Kumunot ang noo ko pero nanatili akong walang imik.

"J-jane's step brother. Gregorio Casavue. Ang papa nila ang pumatay sa mga magulang mo at ngayon, ang mission naman nila ay ang patayin ka." What? Hanggang sa akin? Kailangan akong patayin? Hindi pa sila nakuntento sa ginawala nila sa mga magulang ko?

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon