Chapter 18

13.6K 347 14
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puro puti, asan ba ako? Maging ang suot ko ay puti.

Jusmiyo, anong nangyari sa akin?

Babangon na sana ako nang makita ko ang mukha ni Zander sa gilid ko. Seryoso at parang galit. Luh? Inano ko to?

"H-hubby?" Namamalat ang boses ko.

Bumuntong hininga siya bago tumayo at hinaplos ang pisngi at buhok ko.

"How are you feeling? May masakit ba sayo?" Tanong niya pero nase-sense ko parin sa mukha niya ang pagka irita.

Napakunot ako ng noo. "Bakit p-parang galit ka?" Napapikit-pikit ako nang makitang umigting ang panga niya at umiwas ng tingin sa akin.

Muli siyang humarap sa akin ng may matigas parin na ekspresyon.

"Sagutin mo muna ang tanong ko, may masakit ba sayo?" Agad akong umiling. Wala naman talaga akong nararamdamang sakit.

Teka?

Tumingin ako sa paligid ko. Shocks!

Oo nga pala't nabaril ako.

Huhuhu. Eh bakit galit si Zander?

Tinignan ko ang parte ng katawan ko na may tama. Nang sinubukan kong igalaw ang katawan ko ay napangiwi ako dahil nakaramdam ako ng kirot.

"Dont move. You still need to rest." Malumanay ang pagkakasabi ni Zander. Hindi mo maririnig sa boses niya kung ano ang ekspresyon niya ngayon.

"Hubby... bakit ka ba nagagalit sa akin?" Bigla akong napaiyak ng hindi ko inaasahan.

Kasi nabaril na nga ako, tapos galit pa siya sa akin.

Agad na lumambot ang ekspresyon niya at pinunasan ang luha ko. Tinulungan niya akong maka upo.

Napapikit ako nang banayad niya akong hinalikan sa aking noo. Pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama ko at tinitigan ako.

Naka nguso parin ako at nakasimangot.

"Im not mad at you. I can't be mad at you." Inirapan ko siya. Nagtatampo.

"Hindi galit? Pero 'yong mukha mo kanina ganito." Ginaya ko yung ekspresyo niya kanina na nakasimangot. Tumawa siya.

"Damn, wifey." Hinila niya ako para yakapin. Kusa nanamang tumulo ang mga luha ko. Ano bang nangyayari sa akin? Huhuhu.

Pakiramdam ko kasi galit sa akin si Zander at ayaw ko ng pakiramdam na 'yon.

"Minumura mo ba ako?" Tanong ko habang humihikbi. Dahan-dahan niya akong hiniwalay sa kaniya.

Ayoko ng pakiramdam na galit sa akin si Zander. Pakiramdam ko, hindi niya na agad ako mahal.

"No. Pero hindi ako natutuwa sa ginawa mo." Bumalik nanaman ang ekspresyon niya kanina habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Anong gusto mo? Hayaan kitang mabaril kahit na hindi mo alam na mababaril ka tapos may magagawa naman pala ako para hindi ka mabaril?"

Agad siyang tumango. "Dapat hinayaan mo nalang na ako ang tamaan ng bala kesa ikaw." Agad siyang nakaramdam ng malupitang hampas sa braso mula sa akin.

"Nakakainis ka! Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko, tapos ako ang mababaril hindi mo ba gagawin ang ginawa ko?" Tumaas ang kilay ko. Subukan mo lang magkamali ng isasagot.

Napa buntong hininga siya. "Ofcourse, i will also do that. But... pinag-alala mo ko, wifey. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo. Kapag nawala ka sa akin." He said that while looking straight into my eyes.

Mask Off, Rosegun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon