CHAPTER 22

25K 724 92
                                    

MWBH22

HELLY

"I WANT that colorrrr! My favoriteeee.." Ani Brent. Humarap naman ako sa babae at tinuro ang gusto niya.

"That purple one please."

Kinuha niya ang cake na may mini Barney na nakatayo roon. Inilagay niya ito sa isang kahon na sakto lamang sa size ng cake.

"Thank you Miss. Come again." Magiliw niyang sabi. Ngumiti lang ako rito saka inayang umalis na si Brent.

Nasa pent house lang sana kami ngayon kung hindi lang siya nagta-trantums kanina. Gusto raw ng icing. Yes, icing lang ang gusto niya. Ewan ko kung ano na namang trip nya.

Pagkauwi sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kusina bitbit ang kahon ng cake. Sumunod naman ako sa kaniya.

"Let me." Kinuha ko sa kamay niya ang kutsilyo. Pinalitan ko ito ng spatula, iyon naman kasi talaga ang gamit sa pag-slice ng cakes.

Ibinigay ko sa kaniya ang nahating cake. Agad niya naman itong kinuha at saka dinaliri na kainin ang icing nito. Binibigay niya naman sa'kin ang magiging tira ng cake niya, bale parang tinapay na malambot na lang ang kinakain ko.

Nang magsawa siya ay iniligpit ko na iyon habang siya ay dumiretsong sala para manood.

Sumunod naman ako sa kaniya matapos kong magligpit.

"Why do you love Barney anyway? "

"Because she loves it too." She? Who's she?

Hindi ko na lang tinanong kung sino ang tinutukoy niyang she.

"I really miss her. I haven't seen her that day she left. I didn't even know why did she left without telling me. "
Pagtango na lamang ang nagawa ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat kong sabihin.

Akalain mo nga namang minsang naging sawi rin sa pag-ibig si Brent. Ang akala ko pa naman ay wala siyang ni isang experience, lalo na't 'ganyan' siya. Hindi naman sa pang-aano pero, parang ang imposible naman kasi.

Nang hapon ay pumasyal-pasyal rin kami dahil kinabukasan ay kailangan na naming bumalik sa Pilipinas. Two days lang rin kasi ang pamamalagi namin dito.

"How's your trip? " ani Mrs. Villanueva.

"I've enjoyed it! We stroll around and the surroundings are so gooooodd!! Oh- and their foods are also delicious!!" Magiliw na kwento ni Brent.

Hinayaan ko muna silang mag-ina na mag-usap. Nakinig lang ako sa kanilang dalawa. Minsan ay nakikitawa at nakikisabay. Ngunit nabaling ang tingin ko sa dumating.

"Oh you're already home. " Mr. Villanueva.

Agad naman siyang sinalubong ng asawa at hinalikan sa pisngi. Iniwas ko ang paningin ko rito ng bumaling naman sa'min ni Brent ang tingin niya. At doon ay naalala ko ang pinag-usapan naming iyon ng gabi sa telepono.

F L A S H B A C K

"I'm accepting your offer Mr. Villanueva." I said.

Ilang sandali ay sumagot ito.

"Oh, I can hear wedding bells! We'll talk about it tomorrow."

Ipinikit ko nang mariin ang aking mata. I think I just made wrong decision, again.

"But in just one condition, you let our house mine. Don't you ever touch it. " mariin kong ani.

"Of course hija. I don't break deals, just like you don't do yours."

"One more thing-"

"Ang dami mo naman atang gusto Nurse Helly." Pagpuputol niya sa sasabihin ko at nanunuya niya pang sabi.

"Ako ang naiipit rito Mr. Villanueva! Kaya't naninigurado lang ako."

"Okay. Lay your cards."

Palakasan na lang nang loob 'to Helly.

"Hindi kami ikakasal sa simbahan, sa harap ng altar. At gusto kong matapos agad ang mamagitan sa amin."

"And why? "

"I don't love your son Mr. Villanueva. " sa sinabi kong iyon ay hindi siya nakaimik.

"Okay. If that's what you want."

E N D O F F L A S H B A C K

"Hey son." Ngumiti lamang sa kaniya si Brent.

Ako naman ay hindi pa rin umiimik. Kung dati pa sana ay walang nangyayaring ilangan. Sana talaga ay hindi na nangyari pa ito.

Pagsapit nang gabi ay kumain na rin kami. Hindi nangyari ang dating masayang kwentuhan sa hapag. Bagamat, ako lamang ang hindi naimik. Iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Kung sa kanila ay wala lang iyon, sa akin ay malaking bagay.

Natulog kami ni Brent nang magkatabi, sa dating kwarto niya rin lang. Katulad nang nasa USA, hihintayin ko siyang makatulog bago ako matulog. Dahil inaalis ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Naglalagay ako ng unan sa pagitan namin. Hindi pa din kasi ako sanay.

Di bale, hindi rin ako magtatagal sa ganitong sitwasyon. Ang usapan namin ni Mr. Villanueva, matapos ang isang taon na wala pa din akong nararamdaman sa anak niya. Wala siyang magagawa kung hindi ang maghiwalay kami ni Brent. Kailangan niyang sumunod sa usapan. Kalimitan ay dalawa o tatlong taon bago pwedeng maghiwalay ang mag-asawang kakakasal lamang. Nasa batas iyon.

Pero kung may kaharasan o hindi magandang nangyayari sa loob ng relasyon ng mag-asawa, mapapadali ang annulment. Sa kaso namin ni Brent, hindi kami basta-bastang maghiwalay. Pero dahil na rin sa malakas ang kapit ni Mr. Villanueva, kaya niyang padaliin iyon.

Kinabukasan niyon ay ikinagulat ko ang inilahad sa akin ni Mrs. Villanueva. Meron na pala kaming nakatayong bahay sa Cavite.

"Let's eat and after, we'll visit your house there. Starting tomorrow or mas maganda ay ngayon, doon na kayong titira na mag-asawa. I'm so excited to the both of you." Maligayang ani ng ginang.

Tinignan ko ng makahulugan si Mr. Villanueva. Gusto kong malaman kung bakit may ganito pa.

Matapos ng kainan naming iyon ay humanap ako ng tyempo na makausap siya.

"Ano ito? " tanong ko.

"I'm sorry, hindi alam ni Klare ang tungkol sa pinag-usapan natin. Mabuti pa, hayaan mo na lang. Just go with the flow hija."

What? How can I do that if I myself don't like this kind of set up?

✂-----------------

V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now