CHAPTER 8

28.7K 952 50
                                    

MWBH08

HELLY

MENTAL RETARDATION- it is the patients who is below-average understanding and lack of skills who can't keep their pace to others in a day-to-day living. Most of them really obsolescently contrariwise.

Bale, ito talaga ang klase ng sakit ni Brent. Mental retardation or what we call intellectual disability. Habang tumatanda sila o lumalaki, ang isip nila ay lalong bumabata. Kung ang ibang normal na tawag rito ay childish. Pero ang hindi nila alam ay serious case na ito. Masyado silang sensitive. Ang mga luho ay dapat ibigay kung ayaw mong magwala sila.

Pero ang pinagtataka ko, why does it like he is attached to me that way? Una naming pagkikita sa Jollibee pero dikit na agad siya sa akin. Hindi kaya may sakit rin siyang obsession? Pero dapat alam na nila iyon.

Mahihinang katok ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Lumapit ako sa pinto at bumungad sa akin si Mrs. Villanueva.

"Helly, let's come downstairs. Dinner na tayo." Nahihiya akong tumingin sa kaniya.

"Naku, nakakahiya naman po. Kayo pa ang sumundo sa akin dito."

"Nah. It's okay. I'll ask for favor din kasi hija." Nakangiti ko siyang tinignan.

"Ano po 'yun? "

"Pwede bang ikaw ang mag-aya kay Brent? Ayaw niya kasing lumabas kapag hindi daw ikaw ang nag-aya sa kaniya."

"Pwede po Mrs. Villanue-" pinutol nito ang aking sasabihin.

"Tita. Just call me Tita. Matagal din tayong magsasama."

"Okay po, T-tita."

Tumango ito sa akin at umuna na. Ako naman ay dire-diretsong pumasok sa kwarto ni Brent without knocking. What's the use of it? Hindi naman niya pagbubuksan. Mas maganda siguro kung susurpresahin ko siya.

Nakahiga ito sa kaniyang kama at nakatalukbong ng kumot. Marahan ko siyang tinapik.

"I said go away! " parang batang nagta-trantums nitong sigaw.

"Ayaw ko na sa'yo. Sinisigawan mo ako." I use my tiny voice to sound like a kid girl. Lumingon ito sa akin at nanlaki ang mata.

Ang gwapo niya talaga. Hollywood star ang datingan niya. Mula sa mata niyang ocean-like. Ilong niyang ang tangos, hindi masyadong patusok at hindi rin papango.Nakaawang pa ng kaunti ang mamula-mula nitong bibig. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapatitig sa kaniyang labi. Naalala ko nanaman iyong-

Haist, stop thinking about it Helly.

"Mommy! " matinis na tili nito.

"Hey, Brent! " magiliw ko ring bati sa kaniya. Nang makayakap siya sa akin ay nakanguso siyang tiningala ako.

"Ehhhh..call me baby." Utos nito.

"Okay b-baby." Ba't ganu'n? Parang may malisya na 'nung sinabi ko iyon. Arrggh. Nakakaasar naman.

"Mommy a'm hungryyy.." Biglang ungot nito. Inaya ko na siya pababa nang makakain na ang alaga ko. Ang kulit talaga.

Habang naglalakad kami pababa ay kung anu-ano ang pinag-gagagawa niya. Titigil sandali, tapos uupo. Maya-maya ihahakbang niya ng malaki ang paa, lalagpasan ang isang hagdan. Napakagulo.
Nang makababa na kami ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko ay madidisgrasya muna kami bago makababa.

Tumungo kami sa dining area at naabutan namin ang bawat miyembro ng Villaueva na hinihintay kami. Bigla naman akong nahiya, baka isipin nila pa-VIP kami.

"Sit down hija. Halika Brent, tabi ka kay Mommy." Aya niya sa anak. Ako naman ay umupo na.

"No! I want to sit beside her." He said while pouting, again.

Umupo siya sa aking tabi at inusog ang upuan niya palapit sa akin. Nakamasid lamang sila sa aming dalawa. Jusko, feeling ko mag-jowa kami na aamin sa harap ng magulang.

Ang haba ng mesa nila. Mga kinse katao ang pwedeng maupo. Ang dami ding iba't ibang putahe sa hapag na para bang may fiesta o pa-despidida. Grabe lang.

"Ehem. So, Helly will be stay here for about two months, am I right? " pagbabasag sa katahimikan ni Mr. Villanueva.

"A-ahm. Opo." Kabado kong sagot. Why am I nervous anyway?

"Sana hindi ka mahirapan kay Brent. Mula noon hanggang ngayon ang gulo ng batang iyan." Parang sakit sa ulong anito. Natawa kami sa kaniyang tinuran. Si Brent naman ay mariing tumanggi.

"I'm not! " he angrily said. Hala ang bata, naiiyak nanaman.

"Tama na nga yan. Kumain na tayo at baka maiyak na ang unico ijo ko." Sabi naman ni Mrs. Villa- I mean Tita.

Masaya kaming nagsalo-salo sa hapag. Masarap silang kasama. Hindi sila tulad ng ibang mayaman na matapobre, mapangmata. Kahit ang mga kasambahay nila ay parang kaibigan lang nila kung ituring. Nakakatuwa lang.

Matapos naming kumain ay nagtangka akong tumulong para linisan ang mga pinagkainan pero mariin akong pinagbawalan ni Brenda, kambal ni Brent. Sabi niya ay nurse ako, hindi kasambahay. Napag-alaman ko rin na may pagkamataray siya. Pero mabait pa din naman.

Inayos ko na rin ang gamit ko na dinala na rin dito kani-kanina lang. Nag-half bath na rin ako ay ngayon ay matutulog.

Time check 11:22

Arrggh, I can't sleep. Namamahay ata ako. Kanina pa ako pagulong-gulong sa king size bed na kinahihigaan ko. Pilit na hinahanap ang antok ko. Maybe I should fo something to make me sleep.

I decided to get my phone and starts streaming, surfing and gaming but nothing happened. Lalo akong hindi makatulog. I get my headset and listen along the music.

MALALAKAS na katok ang nagpagising sa aking mahimbing na tulog. I'm still sleepy. Nakatulog lang ako mga around 1 kaya talagang antok na antok ako. I really hate getting homesick.

Mas lalong lumakas ang katok sa pinto. Siguradong inip na inip na ang taong iyon. Tumayo na ako at naghilamos sandali. I keep my hair into a messy bun because of hurry.

"What is it-"

"Wifeyyyy! " he hugged me tightly that I nearly can't breath. The heck?! Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko at tiningala siya. Tangkad eh, hanggang dibdib lang ako.

"My gosh Brent. You don't know how shock am I! " sigawa ko sa kaniya. Pilyo lamang itong humagikhik. Sarap kurutin ang abs- este pisngi. Paano ba naman kasi, ang nipis suot at nakasando lang kaya talagang kita ko ang mabatong pandesal. Oh God! I got a naughty mind.

"Wifey I want to walk around. Sama mo 'ko puhleaseee? " pacute nitong angil. With matching his pleading eyes.

"Okay. Wait me downstairs. "

✂---------------------

V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now