CHAPTER 15

25.6K 844 33
                                    

MWBH15

HELLY

"WHAT do you think you're doing? " It's Brent. And looks like he's in bad mood.

"A-ahm..we're talking? " patanong na sagot naman ni Punther. Mas lalong tumalim ang mga mata ni Brent. Jusko naman. Imbis na matakot ako sa kaniya ay hindi ko magawa dahil sa kakyutan niya. Para siyang kyut na kyut na batang hindi binibigyan ng atensyon kaya nagagalit. Nakakagigil lang talaga.

"Oh well I'm not talking to you." Masungit na sagot nito sa pinsan niya. Sinuway ko naman siya.

"Don't be rude Brent." Ani ko. Inirapan lang ako nito at lalong humaba ang nguso niya.

Napalingon ako kay Punther nang mahina itong natawa.

"I-i'm sorry. It's just that..Brent is that really you? " nagtataka at parang natatawa rin niyang sabi. Sumabat naman ako.

"What do you mean? " tanong ko kay Punther.

"Brent is not talking that much. Atsaka hindi siya sumusunod sa kung sino man. At ni hindi man lang nagreklamo nung sinuway mo siya. Am I missing something? " malisyoso niya kaming tinignan na dalawa.

"No! Mali ang iniisip mo. He's my patient. Sinabi ko na sayo iyan kani-"

"Well. Hindi iyon ang nakikita ko." Taas-kilay niyang sabi. Bumuntong hininga na lang ako. Kung iyan ang gusto niyang isipin ay wala akong magagawa.

"Anong ginagawa niyo diyan sa pinto? Come and join us." Ani ni Tita nang makita niya kaming tatlo. Tumalima na lang kami at hindi na tumanggi.

Nang makarating kami sa sala area ay bahagya akong nailang. Puros kasi magkakamag-anak ang nandirito at parang epal ako. Tinawag ako ni Punther at inaya akong umupo sa tabi niya. Agad naman akong lumapit sa kaniya. Pagkaupo ko sa tabi niya ay agad niya naman akong chinismis. Parang siyang babae. Ang daming chika.

PLAGGGGGG!!!

Sabay-sabay kaming napalingon sa ingay na iyon. Si Brent. Again. Matatalim ang matang nakatuon sa amin ni Punther at ang ilong niya ay bahagya ng namumula. It looks like he's about to cry. Oh my baby. I know he'll cry again.

Mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit ako sa kaniya. Hindi ko na pinansin ang mga mata ng mga taong nandirito rin.

"What is it again baby? " mahinang tanong ko nang makalapit ako sa pwesto niya. Imbis na sabihin niya sa akin ang totoo ay iba ang dahilang binanggit niya.

"I don't want here.." Nakapout niyang sabi. Hindi talaga ako naniniwala na iyon ang rason kung bakit siya nagdabog kanina.

"Excuse me po. Ihahatid ko lang po siya sa room niya." Magalang na sabi ko sa mga tao roon. Ang mag-asawang Villanueva, si Brenda, Punther, Priston at ang ina nila ang naroroon.

Hinawakan ko siya sa kaniyang braso na parang inaalalayan siya. Nang makapasok kami sa loob ng kwarto niya ay binuksan ko ang AC. Isinara ko ang kurtina niyang kulay itim. Ang ilaw naman ay in-adjust ko sa dim. Ito kasi lagi ang gusto niya.

Siya naman ay nagdadabog na humiga sa kama at nagtalukbong nang kumot.

"Are you goin' to sleep? Nagpuyat ka siguro kagabi noh? Sabi ko kasi sa iyo lagi, matulog ka agad pagka-hatid ko sa iyo rito." Ani ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakahiga at nakatalukbong lang. Umupo ako sa gilid ng kama niya habang tinitignan siyang nagmamaktol. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong naka-pout na naman siya. Lagi namang ganoon kapag nagtatampo siya.

Trenta minuto rin siguro ang itinagal nang inilagi ko roon bago ko napag-isipang umalis na muna. Hindi pa man ako nakakalabas ay nagsalita na siya.

"A-are you going to him? " namamalat ang bosea na ani nito. Nilingon ko naman siya. Ang kumot niya ay hanggang baba ng mata niya kaya para siyang nakasilip sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya saka lumapit.

"If you don't want me to, then I won't." Marahan kong sabi. Tinignan niya lang ako ng ilang segundo saka siya umiling.

"Please..don't go.." Parang nagmamakaawa niyang sabi. Ang lamlam ng mga mata niya.

"I won't." I assured him.

Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na masaya. Masaya kasi gusto ko ang pagiging mapang-angkin niya. Na parang simula't sapul ay pag-aari na niya ako. But I shouldn't. Hindi maalis sa isip ko na ang tanging nagdudugtong lang sa amin ay ang pagiging nurse niya at pasyente ko siya.

Pagsapit ng gabi ay ay nag-salo-salo kami sa hapag ng dinner with their visitor. Nag-dessert din kami matapos kumain at nagkuwentuhan na rin. Although minsan ay tinotopak si Brent sa tuwing napupuri si Punther. Gusto kasi ay kaniya ang spotlight. Si Donya Bianca ang namumuno raw sa rancho kapag wala ang kuya nitong si Mr. Villanueva. Katulad nila, approachable din siya at napakabait.
Kung si Punther ay isa nang ganap na doktor, si Priston ay nasa first year college.
Ewan ko nga lang kung saan pinaglihi ang bunsong anak nito. Napakasungit.

Ilang oras na kwentuhan ay umalis na rin sina Donya Bianca. Kahit malalim na ang gabi ay kailangan nilang umalis dahil walang tao na babantay sa rancho. Natapos ang gabi naming iyon na puno ng aliw.

Natutuwa ako kasi ngayon hindi na lang ang pamilya ko ang nakakapagpasaya sa akin. Pati na rin ang pamilyang Villanueva. At least, kahit malayo ako sa pamilya ko ay nandidiyan sila. I'm not feeling uncomfortable with them. They make me feel like I'm belong to their house, to their family.

Kahit nga sina Donya Bianca ay hindi mapang-mata. Kung titignan mo kasi siya ay mukha talaga siyang nakakatakot. Ang itsura niya ay donyang tataasan ng kilay. Pero kabaliktaran nun ang personality nito.

Haisst. So much for this day. I took a half bath and wear my comfy-outfit. Nagbasa ako sandali ng libro. Just some romance book.

Naboring rin ako sa pagbabasa. Kaya ibinakik ko na lang ito at matutulog na. I'm comfortably laying here in my bed when suddenly the door knocked. Tatayo na sana ako para lapitan iyon at buksan pero kusa na iyong bumukas.

There is Brent in his pair of Barney pajamas while holding his Barney stuffed toy. Ang mga mata niya ay may alangan pero pumasok pa rin siya.

"Yes baby? "

"C-can I sleep here? " maingat niyang sabi.

And yes, my jaw just dropped.

✂---------------------

V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now