CHAPTER 5

30.9K 1K 362
                                    

MWBH05

HELLY

"YAAAA! I miss this! I miss this! "

"Hey! Stop that Brent! Malaglag ka diyan! "

Kanina ko pa siya diyan pinabababa sa kaniyang kama. Magmula nang dumating kami dito sa bahay nila ay dumiretso siya agad dito sa kwarto niya. At ayun nga, ito naabutan ko siya na lundag nang lundag sa napakalambot niyang kama. Ang laki-laking tao ang kulit kulit.

Kasalukuyan akong nagtutupi ngayon ng kaniyang mga damit. Habang siya ngayon ay nakaupo sa aking tabi at muli nanamang nakayapos sa akin.

"Alis diyan Brent. Hindi ako makakilos ng maayos sa iyo. " muli ko nanamang suway sa kaniya. Ang gulo.

"Wifey, I want you to sleep with me tonight please? " he said while pouting.

"I have my room here so no, hubby. " tanggi ko sa kaniya.

"Please? Please? Puhlesss? "

"No. "

Nagulat ako nang bigla niyang ginulo yung mga tinupi ko at pinagsusuntok ang kaniyang kama. Nagsisisigaw at umiiyak. Agad naman akong pumunta sa aking bag at kinuha ang syringe doon. Nung makita niyang hawak ko ito papalapit sa kaniya ay agad siyang huminahon. He closed his mouth so tightly to hold his cry. Umiling iling siya na para bang sinasabi sa aking ayaw niya ang aking gagawin.

"Huhuhu... sorry. Sorry! Mommy! Ayaw ko 'yan! 'Yaw ko! " nagkukumahog na ito sa kaiiyak kung kaya't agad kong inilapag iyon sa kama at inalo siya.

"Shhh. Yes baby. I won't do it na, okay? Stop crying.."

His face was in my neck and silently crying. He really looks like a baby. Hinihimas ko ang kaniyang noo paakyat sa buhok. Napakaiyakin. Itiningala nito ang kaniyang ulo at nabigla sa kaniyang sumunod na ginawa.

He gave me a peck kiss! At talagang with sound pa!

Agad akong tumayo at lumayo sa kaniya habang hawak ang aking labi. Siya naman ay naguguluhang nakatingin lamang sa akin. Tumalikod ako sa kaniya. Hawak ang aking noo at ang isang kamay naman ay nasa balakang. Jusko.

"W-why mommy? Are you mad at what I did? Huh? Huh? You mad? "

Hindi ko siya sinagot at dali daling lumabas nang kaniyang kwarto. Nagdire-diretso ako palabas hanggang sa gate. I can't believe it. Why does he need to do that? Did he think it's convenient?

Mabilis kong pinara ang paparating na taxi. Papasok na sana ako sa loob nang ito'y huminto, ngunit may agad na pumulupot sa aking bewang na mga braso.

"Mommy! Mommy! Huhuhuhu... don't leave me! Myyyyy!!"

Pilit kong tinatanggal ang kaniyang yakap ngunit talagang mahigpit. I need to get out of this mess. Una pa lang alam ko ng mali ang desisyon kong pumayag.

"Get off of me! Ano ba! Bitiwan mo ako! "

May kotseng tumigil sa harap namin at lumabas mula roon sina Mr. and Mrs. Villanueva kasama ng isang babae.

"What's happening here?! " ,naguguluhang ani Mr. Villanueva.

Tinulungan nila akong makaalis mula sa yakap ng kanilang anak. Dinala nila si Brent sa kaniyang kwarto at pilit na pinapakalma.

"Give her back to me! Give her back to me! Huhuhu! Wifeyyyyy!! " bahagya akong naawa sa kaniyang kalagayan. Ba't kasi ako pa?

"Please Helly, calm him down. " ,ani Mrs. Villanueva. Umiling-iling ako sa kaniya. Hindi na ako gagawa nang hakbang na ikakasisi ko.

"Maawa ka sa kambal ko, please? ", ani ng babae. I assume she is Brenda. Ang ganda niya lalo sa malapitan.

"I'm sorry. I can't make it. Maghanap na lang po kayo ng iba. "

Matapos kong sabihin iyon ay kinuha ko na ang mga gamit ko at nagdesisyong tuluyan nang umalis.

WHERE is that damn corn beef? Kanina pa ako paikot-ikot rito sa grocery at hanggang ngayon ay hindi ko mahanap-hanap ang corn beef na iyon. It's Sunday and I decided to shop some stock. Kasabay nun ay magsisimba pa ako mamaya.

"Here you are! " ,kumuha ako ng apat at nilagay sa cart. Dumiretso na rin ako sa counter para makapagabayad. Nang makabayad ay umalis na rin ako at nilagay ang mga ipinamili sa likod ng aking kotse. Ilang taon bago ako makapagpundar ng sariling kotse. Hassle kasi kapag commute na lang lagi papuntang hospital.

Pagkasara ko ng compartment sa likod ay papunta na sana ako sa driver seat nang makita kong may lalaking nakayukyuk ang ulo sa kaniyang balikat sa tabi ng aking kotse. Is he asleep?

Gigisingin ko na sana ito ngunit bahagya itong gumalaw at maya-maya ay umiyak nang tahimik na parang inaway ng kaniyang mga kalaro. His cry sounds familiar.

"My wifey.. huhuhu" Brent?

"Brent? Is that you? ",tanong ko rito. Dalawang linggo na mula nang huli kaming nagkita kaya talagang nagulat ako at dito ko pa siya makikita.

Iniangat nito ang basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. Shock is written all over his face the moment he saw me. I am expecting him to run over me like he always does, but he didn't. Ibinalik nito ang kaniyang mukha sa kakayukyuk at mas lalong umiyak.

Anong ginagawa niya dito? At bakit ang dungis niya?

"WILL you tell me now what are you doing there? " ,I asked. Katatapos ko lang siyang pinaligo at ngayon ay ang linis na niya ulit. Dinala ko siya dito sa apartment namin ni Reign. Wala naman siya dito ngayong araw at umuwi sa probinsiya nila. Siya naman daw ang magleleave. Loka talaga.

Kasalukuyan ko siya ngayong pinapakain at para siyang gutom na gutom. Subo kung subo. Tinatanong ko naman siya at heto hindi sumasagot.

"I am asking you Brent. " ,muli kong pagkuha ng kaniyang atensyon.

Muli ay hindi nanaman siya sumagot at bahagya pang ngumuso na parang batang pinapaamin sa kaniyang kasalanan.

"Ayaw ko sagot. Galitin mo ka ulit sa akin. "

"Hindi ako magagalit kung hindi kagalit-galit ang mga ginagawa mo. At saka kung magsasabi ka ng totoo sa akin. " makatarungang ani ko.

"I escaped from our house the day you left me at night. 'Di ka na ba gagalit. Sasabi ako ng totoo. "

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Sinusubukang pigilin ang galit na nararamdaman ko. Sinong tanga ang lalayas para lang hahanapin ang umalis na?

"You know what? I should have you back to your family. Sigurado akong nag-aalala na ang mommy mo. "

"But you are my mommy. " makatwirang sagot nito.

Isa yan sa ipinagtataka ko, kung mommy tawag niya sa akin. Anong tawag niya sa nanay niya?

✂---------------------


V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now