CHAPTER 20

24.8K 747 103
                                    

MWBH20

HELLY

"KILALA niyo po ang bumili ng bahay natin Inang? " tanong ko sa kaniya nang mailapag ko ang pagkain na aalmusalin namin. Si Haru naman ay maagang umalis. May practice daw sila ngayon sa isa nilang subject. Ang pagkakaalam ko ay nasa huling baitang ng elementarya siya ah?

"Oo naman anak. Kalahati ng buong buhay ko ay sila ang nakasama ko. " Nakasama? "Kasambahay nila ako dati. At doon sa Villanueva Residence din kami nagkakilala ng ama mo. Dahil isa rin siya sa pinagkakatiwalaan na drayber dati." Pagpapatuloy niya.

"At naalala ko pa noon, inalagaan ko din ang dalawang anak nila. Sina Brenda at Brent! Naku! Kumusta na kaya ang mga iyon? Sigurado magandang dilag na ngayon si Brenda, si Brent naman ay matalino." The heck?! Really? What an coincidence!

Akalain mo iyon, inalagaan rin pala ni Inang si Brent. Yung nga lang, sa magkaibang trabaho pero parang magkaparehong paraan. Tadhana nga naman.

"Dati ay laging nakadikit sa akin ang batang Brent. Ayaw niya na mawala ako sa paningin niya. Kapag tinuturuan ko iyon ay madaling makaintindi. Matalinong bata." Ani niya. But sadly, hindi ganoon ngayon. Hanggang ngayon ay isip-bata pa rin siya.

"Bakit Leng? Kilala mo rin ba sila? "

Napalingon ako agad kay Inang nang tanungin niya ako nun.

"H-hindi po Inang. Hindi ko po sila kilala." Pagsisinungaling ko sa kanila na may kasama pang pag-iling. Walang dahilan para malaman pa ni Inang na minsan na rin akong naglingkod sa pamilyang Villanueva.

"Ni minsan ay hindi niyo po ito nabanggit sa akin Inang. Ang alam ko lamang po kasi ay kasambahay kayo at drayber ang Amang sa isang mayamang pamilya." Ang kaninang masaya niyang mukha ay biglang tumamlay.

"Kasabay kasi ng nangyari aksidente na sanhi ng ikinamatay ng ama niyo ay nagresign na rin ako sa kanila. Nang mga panahong iyon ay ipinagbubuntis ko na si Haru. Hindi naman sa sinisisi ko ang mga Villanueva. Siguro ay gusto ko lang makatakas sa sakit. Ang bahay nilang iyon ay maraming alaala namin ng ama mo." Bagamat hindi lumuluha ay nababanaag ang sakit sa kaniyang nukha.

"Ba't ngayon pa natin naisipang magdrama." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lang rin ako.

Pinagpahinga ko na si Inang sa kwarto niya matapos naming kumain. Balak ko pa kasing bumalik pa-Manila para pakiusapan si Mr. Villanueva. Alam kong ginagawa niya ito para sa kapakanan ng anak nila. Isipin din dapat niya ang mangyayari sa akin. Hindi biro ang hinihingi nila.

Ipinaalam ko na kay Inang na babalik akong muli sa Manila. Nung una ay nagtaka pa siya pa siya kung bakit daw ba biglaan. Nagsinungaling ako kahit hindi ko gusto na tinawagan ako ni Doc para sa importante nitong sasabihin.

"Is Mr. Bryan Villanueva is here? " tanong ko sa siguro ay Main Secretary niya.

"Yes Miss. He's in his office, did you have an schedule to him Miss? " magalang na ani niya.

"No. Pakisabi na lang importante talaga. "

"I'm sorry Miss but you have to set an schedule. Mr. Villanueva is very busy this nowadays-"

"Just please, tell him that this is important. Or else mag-eeskandalo ako dito" Madiin kong sabi.

Wala siyang nagawa. Maya-maya ay may tinawagan siya at sinabing may naghahanap sa kaniya. I assume si Mr. Villanueva na iyon.

"Name Miss please."

"Helly Sagun." Tumango siya at sinabi sa kausap ang pangalan ko.

"You may now go Miss Sagun. Take an elevator and go to 14th floor. Then way to your right. You'll see the office of CEO." Aniya. Sinunod ko ang sinabi niya at maya-maya ay nakarating din.

Pagkapasok ko pa lang ay nalita lo na ang nakangiting si Mr. Villanueva.

"Come and sit Nurse Hel-"

"Hindi na po kailangan Mr. Villanueva. Hindi po ako magtatagal at makikipagkwentuhan pa sa inyo. Alam niyo naman po ang sadya ko rito, hindi ba? " pagpuputol ko sa sinasabi niya.

Tumikhim siya saka muling nagsalita.

"About the house from La Union Province? " nanunuyang tanong niya.

"Yes Mr. Villanueva. About our house." Sandaling ngumisi ang ginoo saka ako nilingon.

"Then marry my son first."

"No! " agad na tanggi ko. Ewan ko ba kung guni-guni lang iyong nakita ko na pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Mr. Villanueva.

"Then no also. You can now leave." Aniya.

Nagngitngit ako nang palihim sa inayon niya. Mas mabuti pang umalis na ako rito dahil wala rin lang akong mapapala. I was about to go out through the door when he speak.

"And Nurse Helly, I don't know that Helene Gardo is your mother, although nakikita ko ang itsura niya sayo. I wonder why you're using your Father's surname while your mother isn't."

"Wala ka ng pakialam doon Mr. Villanueva." Ani ko.

Ngumisi lamang siya.

"And by the way, pakibilis-bilisan ang paglipat niyo." Ngumiti siya na tila nangaasar.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya na hindi naman niya pinansin. Nang makalabas ako sa opisina ay doon na nanghina ang mga tuhod ko.

Bakit kailangan pa itong mangyari.

Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang nangyari kanina. Nung hindi ko tinanggap ang offer ng ginoo ay parang nakikita ko ang itsura ni Inang. Malungkot at problemado kung saan kami nanaman lilipat. Hangga't maaari sana ay ayoko ng maroblema pa ang Inang.

Kung kaya't bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang cellphone ko.

Calling Mr. Villanueva...

"Yes Ms. Sagun? " I breath deeply.

"I am accepting your offer Mr. Villanueva." I said.

Ilang sandali ay sumagot na siya.

"Oh, I can hear wedding bells! We'll talk about it tomorrow."

Ipinikit ko nang mariin ang mata ko. I think I just made a wrong decision, again.

✂-----------------
A/N : Next chapter is Brent's point of view.

V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now