CHAPTER 9

28.1K 887 77
                                    

MWBH09

HELLY

KANINA pa ako awang-awa sa slide na kinaaliwan niya, kaya tingin ko maya-maya ay masisira na iyon. Ang tangkad niyang tao at lagpas ang laki niya rito. 'Wag naman sanang bumigay iyon.

"Hindi ka pa ba napapagod kakabalik-balik Brent? Atsaka, alas-otso na oh. Baka kanina pa tayo hinahanap sa bahay niyo. " naiinip na tanong ko rito.

"But I want here. Just more more minutes please? " nagpapa-cute nanamang sabit niyo. Sus, dinadaan niya lang ako sa mga pakyut niya.

I took my phone when it rings. Brent's mom is calling! I immediately answered it, waiting for her to shout on me.

"H-hello? " alanganin kong bati.

"Helly?! God! Brent is missing again! Where are you? Please come back here, let's find Brent! " naghihisterikal nitong sabi. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Tita, Brent is with me. Don't worry."

"Really? Oh God, I thought something bad happen to him."

"Sorry Tita." Hininging paumanhin ko.

"Forget it. As long as Brent is with you, I know he's safe. " natuwa naman ako sa tinuran nito.

"Thank you for trusting Tita."

'Yan ang huli kong sinabi bago natapos ang usapan namin. Nakakatuwa lang na ipinagkakatiwala niya ang anak sa akin. At ang ina ay laging nag-aalala sa anak. Kung kaya't mas lalo kong ikinatutuwa iyon dahil ang laki ng tiwalang ipinagkaloob niya sa akin.

We're heading our way home when Brent suddenly stop. Pumitas siya ng parang santan ngunit kulay puti iyon. Inabot niya iyon sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Near in my lips!

Shock akong nakatingin lamang sa kaniya habang siya ay nagpatuloy na sa paglalakad. Habang tinitignan ko siyang naglalakad palayo ay parang ibang Brent ang nakikita ko. Mature and rugged Brent version. Ang gwapo lang kahit nakatalikod. Pero kung nakaharap na ay batang limang taon ang makikita mo dahil sa pilyong ngiti nito.

Sumunod ako agad sa kaniya nang makitang malayo na ito sa akin. Nang makita ako nito na bumubuntot na sa kaniya ay bigla itong tumakbo. Kaya't ang kinalabasan ay nag-uunahan kami pauwi.

"HOW'S strolling around Brent? " tanong ni Brenda. Minsan ay nagugulantang ako 'pag si Brenda na ang nagsasalita. Ang taray niya talaga kasi.

Ngumanga muna si Brent at isinubo ko naman sa kaniya ang pagkaing nasa kutsara. And yes, I'm like a babysitter. Nagpupumilit kasi na magpasubo kanina. Kaya pinagbigyan ko na. Nang maubos ang pagkaing nasa bibig niya ay saka siya sumagot.

"So good. I've been sliding awhile. It's really really fun, right Wifey? " Naku naman, why did you call me Wifey infront of your family?

"Wifey? " takang tanong ni Mr. Villanueva. Magiliw namang tumango-tango si Brent.

"She's my wifey and I'm her hubby. " Yumuko ako saka nagsalita.

"Hindi ko nga po alam kung bakit kung anu-ano ang tawag niya sa akin." Sabi ko sa kanila. May pag-iintindi sa mga mata ng magulang ni Brent. Wala kaming magagawa sa kung anumang gusto niya. Iniba na lamang nila ang topic para hindi na magtaka si Brent. Sa kaso kasi nilang mga ganiyang kondisyon, hindi nila alam na may sakit talaga sila. Ang alam lang nila ay normal, when in case it is not.

"By the way, ayang si Brent magpahanggang ngayon malikot at makulit pa rin. Parang akong nag-anak ng hindi na siya nagtanda." Natatawang sabi ni Tita. Pati kami ay natawa sa sinabi niya. Inaya naman ni Mr. Villanueva ang sa tingin ko ay malapit sa kanila na kasambahay, si Choleng.

"Kain Choleng. Tawagin mo na rin si Mang Tinyo para magkasabay-sabay tayo."

"Naku, 'wag na po Madame. Mamaya na po kami kakain at nang makasabay namin si Nikki."

"Nasaan na ba si Nikki? Hindi ba't may pasok pa siya? " tanong nito sa ginang.

"Ang tagal po kumilos talaga ng batang iyon Madame." Tumango-tango lamang si Tita at bumaling sa akin.

"Siya si Choleng, Helly. Katiwala namin dito sa mansyon. Ang asawa naman nito ay si Mang Tinyo, gwardiya naman dito. Mababait sila, Helly. " pakilala ng ginang sa akin sa mga katiwalang tauhan nito.

"Magkakilala na po kami, kahapon lang din po." Sagot ko rito.

"Ganun ba? Sana magkasundo-sundo kayo. Gusto ko kasi ay madaling pakisama-samahan ang mga tao rito sa mansyon. Para mas masaya." Nakangiti nitong sabi. Ang cute din naman ng ina ni Brent. Siya siguro ang nakakadala ng positive vibes dito dahil sa pagka-masiyahin nito.

Natapos kaming kumain at kasalukuyan na kaming kumakain ng chocolate cake na dessert. Ito raw ang paborito ni Brent. Sinusubuan ko pa rin siya at talagang napakatakaw sa sweets. Makalat ring kumain kahit maayos naman na ang pagsusubo ko sa kaniya.

May isang babaeng mga kasing edad ko lang yata ang pumasok sa mula sa pinto. Bumeso ito kina Tita at Mr. Villanueva bago nagmano kay Choleng. Tumabi ito kay Brenda. Naramdaman kong pinisil ni Brent kamay ko ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Helly, she's Nikki, Choleng and Tinyo's daughter. Classmate din sila ni Brenda sa two major subjects. And Nikki, she is Helly, Brent's personal nurse. She'll stay here for a month." Pagpapakilala ni Tita sa amin.

Nagkamay kami ni Nikki. Maganda siya, morena type.

"Hello. Masaya akong makilala ka. " bati nito sa akin.

"Hi. Ako rin." Sabay ngiti ko sa kaniya. Tinitigan ako nito sa mukha, nakakailang naman. Muli ko nanamang naramdaman ang pagpisil ni Brent.

"Ang ganda mo namang nurse." Puri nito sa akin. Alangan akong tumawa ng mahina.

"Ikaw rin naman. Maganda ka. "

"Oo naman. Maganda talaga ako." Natawa kami sa kaniya. Flinip rin kasi niya ang buhok pagkasabi nun. Confident.

"Bad ka! "

Gulat kaming napalingon kay Brent sa biglaang pagsigaw nito. Hahawakan ko na sana siya pero umiwas ito. Tumayo ito sa kinauupuan.

"Bad ka! Bad ka! Bad kaaaa!! " sa bawat pag-chant niya ng salitang iyon ay sinisipa-sipa niya ang haligi ng mesa. Gosh, he's doing it again.

"What's the problem anak?!" Pagtatanong ni Tita. Lumapit naman ako kay Brenda.

"Brenda, pilit niyong pakalmahin si Brent. Aakyat ako sa itaas. Kukunin ko 'yung syringe na pangpakalma sa kaniya." Habilin ko rito. Tumango-tango na lamang siya sa akin dahil sa taranta.

Ako naman ay papunta na sa itaas. Kailangan mapakalma na kaagad si Brent. Dahil habang tumatagal ay lalong lumalala ang pagwawala niya. I know that injecting syringe is sometimes not good but, how can we calm him without us knowing why is he gone wild suddenly?

✂---------------------

V O T E
C O M M E N T

AA.♡

Mommy Wifey, Baby HubbyWhere stories live. Discover now