KABANATA XXV

2.6K 146 170
                                    

"Ang ikalawang pwesto ay si binibining Catalina Victoria Lopez!"

Sa puntong iyon ay bigla naman akong nagulat. Hindi ako nagulat dahil galit ako at hindi ako nagwagi ngunit nagulat ako at pangsecond place pa ako! Hindi ko naman inaasahan iyon dahil alam kong patapon ang tulang ginawa ko, haha.

Ang paalis na mga paa ko ay agad na tumungo sa entablado upang kunin ang aking medalyang nagaantay sa akin. Isinabit sa akin ang medalya at narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Dahil dito, nakatabi ko si Jose sa entablado at sunod na tumabi ang nasa ikatlong pwesto. Natapos ang bigayan ng medalya at pinababa na kami doon. Pagbaba ko ay narinig ko ang isang pamilyar na boses. Lumingon ako upang masilayan ko kung sino ang tumatawag sa akin.

"Lina!" tawag nito

Nakita ko si Jose na tumatakbo papunta sa akin.

'Anong problema nito? Ipagmamalaki niya ba sakin ang medalya niya? Tsk, hindi naman ako sumali para makipagkompetensya eh!'

"Anong kailangan mo? Ipagyayabang mo ba ang medalya mo?" pagtataray ko

Hinabol niya ang kaniyang hininga at hinanda ang sarili para magsalita.

"H-Hindi iyon.." hingal niyang sambit

"Kung ganon ay huminga ka muna ng maayos at magpahinga. Umupo muna tayo sa upuan doon malapit sa may puno." saad ko

Tumungo siya sa pagsang-ayon at tinungo namin ang aming panyapak sa upuan. Umayos na ang kaniyang paghinga at nagsimulang magsalita.


"Narinig ko ang iyong tula. Hindi ko wari kung ano ang iyong problema sa pag-ibig ngunit ngayon ay nalaman ko na." nag-aalalang usal niya.

'Huh? Anong pinagsasasabi nito?'

Tinignan niya ako sa mata at binigyan ko siya ng anong-tingin-yan-look.

"Anong nalaman mo?" takang tanong ko

"Natalos kong ikaw ay may problema sa pag-iisip at ika'y nakararanas na makakita nang mga taong hindi naman nabubuhay at ang masama ay umibig ka pa dito!" saad niya

'WHAAAATTTTT??? WHAT ARE U SAYING DUDE?'

"Q-Que?! (Ano?!)" gulat kong tanong

"Hindi ba't nasabi mo sa iyong tula na umibig ka sa iyong kathang-isip?"

"Ano bang sinasabi mo? Iyon ay isa lamang na tula! Hindi naman iyon totoo"

"Kung anong kabig ng puso ay siyang tulak ng bibig, binibini" sagot niya


'Ano ba naman yan? Ganun na ba ako kabaliw sa inyo? Grabe naman kayo sa kinnnnn!'

"Pero hindi lahat ng tulak ng bibig ay galing sa puso" tugon ko na ikinatahimik niya

Well totoo naman, ang tao ay isang misteryo. Hindi mo alam kung anong iniiisip o kaya naman ay sasabihin niya. Wala kang patunay dahil hindi mo kilala ang lahat ng mga taong nakapalibot sa'yo. May mga nagsusuot ng maskarang at may mapagbalat-kayo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya

"Simple lang" tugon ko at nagkibit-balikat

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi lahat ng mga taong nagsasabi ng 'Mahal kita' ay tunay na mahal niya ang taong sinabihan niya noon. Ang pag-ibig ay mabilis maglaho, mabilis mapalitan kaya walang nagtatagal." saad ko

'Matamaan ka sana Rizal!! Para sayo yan, tigilan mo na ang pambababae mo!'

"Ang pag-ibig ay mararamdaman mo sa ibat ibang mga tao. Kung hindi mo ito pagtutuunan ay bigla bigla itong maglalaho." sagot niya

Napatingin ako sa itaas ng puno kung saan sumisilip ang sinag ng araw mula sa mga pagitan ng dahon.

"Ano bang alam mo sa pag-ibig?" tanong ko

"Ang pag-ibig ay parang isang kisap mata, kay bilis maglaho. Ngunit may itinitirang saya at sa kabilang banda ay may lungkot rin. Hindi ito nagtatagal. Nagtagal man ay sa kanila na lamang iyon kung ipagpapatuloy nila ito o hindi"

"Tsk tsk, diyan ka nagkakamali..."

Napansin kong gulat siya kaya naman napatingin siya sa direksyon ko.

"Ang pag-ibig ay isang misteriyo. Hindi mo alam natamaan ka na pala nito, ang masaklap baka sa maling tao pa. Ang pagibig ay hindi basta bastang ibinibigay sa kahit sino o pagsisisihan mong umibig ka pa. Ang pagibig ay hindi rin pinipilit, hindi dapat ito napipilitan. Malaya kang umibig sa taong mahal mo" wika ko

Mukhang natulala siya sa sinabi ko. Siguro naman malilinawa. na siya kung ano ba talaga ang pagibig.

"Ngunit walang masamang magasawa ng marami hindi ba?" tugon niya

Shemay! Naalala ko na may Boxer Codex nga pala sa panahon ng Espanyol. Kung saan pwedeng magasawa ang mga lalaki ng marami. Kapag gusto ng mga babae na magdivorce, Wala itong makukuhang kayamanan niya pero pag ang lalaki naman ang nakipagdivorce, makukuha niya ang kaniyang mga kayamanan. Argh, kahit noon maliit ang tingin nila sa mga babae.

"Kaya sinasabi mong walang nararamdaman ang mga babae kung maraming asawa ang asawa niya? Hindi mo ba alam na nasasaktan sila? Hindi mo ba naiisip na maaring nalulungkot sila dahil ang mahal nila ay may kasamang iba? May damdamin din kami at ayaw naming may kasamang iba ang mga asawa namin. Kaya ang pagibig ay para sa dalawang tao lang. Kung dadagdagan mo ng ibang tao, hindi na iyon pagibig. Pagtataksil na iyon. " pagpapaliwanag ko

Nagulat ako nang tinakpan no Rizal ang bibig ko.

"Hinaan mo ang iyong tinig binibini, kapag may nakarinig ng sinabi mo ay maaari kang pugutan ng ulo" bulong niya

Inis kong inialis ang kamay niya sa bibig ko.

'Aba, ambastos ah!'

Nagcross-arms lang ako at binigyan siya ng I-dont-care-look.

"Subukan lang nila, isusumbong ko sila kay Nicolas" matapang na Sabi ko


Bigla niya akong inismiran.

"Yun ba yung lalaking binuhat sa'yo kaya hindi mo na ako pinansin nun?" nakataas ang kilay niyang tanong

'Waahhh, ba't kailangan pang ipaalala?'

Dahil sa sinabi niya, namula ang mga pisngi ko.

"T-Tigilan mo nga yan!" Sabi ko habang tinutulak siya palayo

'Argh! This guy is getting into my nerves! Di ko naman siya inaano!'

"Pfft..."

Nagulat ako nang nagpipigil siya ng tawa.

'Ano nanaman bang problema neto?'


"Ba't ka natatawa?" nagtataka kong tanong

"Hahaha" tawa nito


Hmp! Kutusan kita diyan eh, ikaw ata tong baliw basta basta nalang tumatawa.


"Hindi ko alam na kay rikit pala ng binibini kapag naiinis, hahaha" Sabi nito habang tinatakpan ang kaniyang bibig


'A-Ano?'

Kyut ako kapag naiinis? Waahhhhhh!

Bigla siyang tumayo agad ko namang tinakpan ng panyo ang namumula kong pisngi.

"Sige kailangan ko nang umalis. Salamat sa payo, binibining Basyang" wika niya

At tuluyan na nga siyang nakaalis.


'B-Basyang?? What the heck?'

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 02, 2019 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Reincarnated in 1880Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang