KABANATA XII

1.1K 70 1
                                    

Nakalipas ang ilang mga oras at biglang natigil sa pag-andar ang kalesa. Sa mga oras na ito ay napag-isip isip ko na nandito na ako sa aking tahanan, hindi, sa tahanan ni Catalina. Sa wakas ay makikita ko na rin kung anong klaseng pamilya ang mayroon si Catalina.

Ika-apat na lunes ng Agosto ako napadpad sa panahon ng Kastila, taong isang libo't walong raan at walumpu (1880). Tuwing ika-apat na lunes isinecelebrate ang araw ng mga bayani kaya naman hindi na nagatubiling idisscuss ng teacher namin sa AP ang tungkol sa mga bayani. Sa kasamaang palad, may pasok kami noon kaya naman nabangga ako, natigok and then napunta sa lugar na ito.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong papasok kami sa isang napakalaking gate at sa pagpasok nito ay napakalawak na hardin at fountain sa gilid nito.

'Grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa isang napakalaking mansyon ako. Hindi, nasa palasyo ako! Sa sobrang laki ng bahay ay matatanaw mo na agad siya sa kalayuan.'

"Nagbabalik ang heneral at kasama niya si binibining Catalina!" may isang sumigaw sa harap ng isa pang gate papasok sa mansyon

Kaagad naman nilang binuksan ang gate at pinahintulutan kaming pumasok. Pagkatapos ay ipinark na nila ang kalesa sa tabi ng isang puno. Binuksan ng isang gwardya ang pintuan at inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Dahil naman kailangan kong kumilos maharlika, ipinatong ko ang aking kamay sa gwardya at hinayaan ko siyang i-escort ako palabas. Pagkalabas ko ay nasilayan ko ang harap ng malaking mansyong ito. Grabe para akong nasa isang enchanted place dahil napaka-fancy ng lugar na ito. Ultimo garden at fountain kabog na kabog ang modernong panahon.

'Ganito pala kayaman si Catalina? No wonder marami siyang tagapasunod at maraming natatakot sa kaniyang kapangyarihan.'

Maya-maya'y narinig ko ang mga bulungan ng mga taga-silbi sa paligid namin. Siguro ay napansin na nila ang mga malaking sugat sa likod ng heneral.

"Kaawa awa naman ang heneral!"

"Sinong gumawa niyan sa kaniya?"

"At ang binibini, kalunos-lunos ang kaniyang sinapit?"

"Sino ang walang pusong dumakip sa kaniya?"

Agad naman akong kinabahan at nanginig sa takot. Paano kung isumbong ako?

"Halika na binibini, naghihintay sa iyo ang iyong ama"

Lumingon ako at nakita ko si Nicolas na ihilahad ang kaniyang kamay upang i-escort ako. Umiling nalang ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi mo na ako kailangang samahan, huwag mong ipwersa ang sarili mo at baka mas lumala ang iyong sugat." sambit ko

Nakita ko naman siyang biglang naging pulado ang mukha.

"Ah... S-Sabi mo eh, pinunasan na ng binibini ang aking sugat kaya naman gagaling na ito kaagad." tugon niya

Tinapik ko ng marahan ang ulo niya at halata sa mukha niya ang gulat ng gawin ko ito. Ang cute niya kase eh di ko napigilan ang sarili ko.

"Magiging ayos din ang lahat" wika ko

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatigil ako sa pagtapik sa ulo niya. Ibinaba niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya.

"Ako ang bahala sa'yo, hindi kita pababayaan." sabi niya

'Kyaahh! Malapit na sa pandesal!'

Blood in my nose, please don't overflow!

Inalis ko na agad ang kamay ko sa kaniya at lumakad ng mabilis papalayo. Nagbuntong hininga ako dahil sa ginhawa. Akala ko tutulo nanaman ang dugo sa ilong ko.

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now